Chapter 9

732 Words
DAHLIA : Dahil sa nangyari kahapon ay naisip kong magpalipas muna at hindi muna pumasok. Well, isang araw lang naman. Paglabas ko ng restroom kagabi ay sa likod ng hotel ako dumaan. Sinagot ko na ang tawag ni Sir Henry kasi nakakailang miss call na s'ya sa akin at para hindi na rin siya mag-alala. Sinabi ko sa kanya na biglang sumama ang pakiramdam ko kaya hindi ko na s'ya masasamahan, naintindihan naman n'ya kaya nakauwi na ako. Nahawakan ko na lang ang labi ko nang maalala ko ang naging halikan namin ni Gabriel. Nangiti na lang ako nang maalala ko kung paano s'ya humalik. Nagtataka talaga ako dahil parang wala pa siyang experience, e, ang pagkakaalam ko ay nagka-girlfriend naman s'ya noon? Huwag niyang sabihin na hindi sila kailanman nag-make out ng Denise na yun? Sandali, kung hindi pa siya nakakaranas ng make-out, ibig sabihin ay wala din s'yang karanasan sa s*x? "Ate, ayos ka lang?" Tanong ni Ronalyn, ang yaya ni Gelai. Matanda s'ya ng dalawang taon sa akin, pero inaate niya ako bilang paggalang na rin. "Bakit ka nakahawak sa labi mo, ang nangyari sayo?" Na-conscious ako sa tanong n'ya kaya inayos ko ang sarili ko. Ibinahagi ko sa kanya ang muling pagkikita namin ng first love ko, pero siyempre ay hindi ko sinabi ang nangyari sa amin sa restroom. Para ko na rin kasing kaibigan itong si Ronalyn kaya nagshe-share din ako sa kanya. Kinilig-kilig s'ya nang sabihin kong ilang beses na kaming nagkita nang hindi inasahan ni Gabriel. "Ayiee... baka naman meant to be ang ibig sabihin nun? Ibig sabihin ay para talaga kayo sa isat isa." Bigla akong napaisip. Para kami sa isa't isa... ni Gabriel? Matutuwa na sana ako nang marinig yun, pero, pakiramdam ko ay wala na akong karapatang mangarap nang ganito. Ngayon pa. "O, e, bakit bigla ka namang natahimik diyan?" Tanong n'ya. "W-Wala." Natigil ang pag-uusap namin nang marinig ko ang anak ko na parang may kinakausap: "Low(hello)~ yet?(Yes ) Dah-lia... Mama?" Nilapitan ko s'ya. "Anak, sinong kausap mo?" Kinuha ko ang cellphone ko at nang sagutin ko ang tawag ay halos mabitiwan ko iyon nang marinig ko kung sino ang nasa kabilang linya. "Ga-gabriel?!" "H-Hi Dahlia, pasensya na kung biglaan ang pagtawag ko, ha. Gusto lang sana kitang kumustahin, ayaw mo naman kasing ibigay ang contact number mo kagabi, e. Anyway, sino yung batang sumagot?" Tanong ni Gabriel. "H-Ha?" Napasulyap ako kay Gelai. "Um, ano... a-anak ng... kasama ko dito sa bahay." Nang makita ko ang pagtataka sa mukha ni Ronalyn ay umiling-iling na lang ako sa kanya. Nakunsensiya ako matapos kong itanggi si Gelai, nanaig kasi sa akin ang insecurities ko dahil ayaw kong malaman ni Gabriel ang mga itinatago ko; ang pagkakaroon ko ng anak sa pagkadalaga, lalong-lalo na ang pagkakasangkot ko sa adult entertainment. Lahat kasi ng iyon ay dahil kay Gelai. Natapos ang pag-uusap namin sa batian at simpleng pagkakamustahan lang. Parang wala naman kasi kaming malay sabihin ni Gabriel sa isa't isa. Napabuntung-hininga na lang ako. Hinaplos-haplos ko ang anak ko sa ulo. "Gelai, anak, pasensya na kung kailangan ka munang ilihim ni mama, ha? Hayaan mo, kapag handa na si mama, ipapakilala na kita sa lahat." kinabukasan ay nagbalik-trabaho na ako. "Ughhh... Very good! Good take, Dahlia. Ba't ang galing galing mo ngayong araw? Anong nakain mo? Hotdog ba?" Makahulugang tanong sa akin ni Miss Pinky. "Siguro?" Sagot ko. Literal na hotdog kasi ang inalmusal ko, nawala kasi sa isip ni Ronalyn na bawal kay Gelai ang mga processed foods kaya ako na ang kumain ng binili niya. "Galingan mo ulit sa susunod, ha? Kakausapin ko ang casting director natin para magpa-ready ng tatlong boys, para sa susunod na shoot mo, foursome na!" "Ikaw ang bahala." Sagot ko. "Dahlia, I mean, Luna Noir, ang galing galing mo kanina, kaya lang ay parang nabitin ako." Wika ng partner ko sa shoot kanina. Nakita ko ang pagnanasa sa mga mata n'ya at hanggang ngayon ay parang namumula pa rin ang mukha n'ya. Ang nakakahanga lang sa mga kagaya niya ay nanatili pa rin siyang propesyonal, kaya nagagawa pa rin nilang kumilos nang tama. "Sana ay maka-partner uli kita sa susunod." Halos lahat dito sa production ay binati ako. Narinig ko pa na tinutukso-tukso nila ang cameraman namin na si kuya Zaldy, kasi tinitigasan daw ito habang inire-record kami kanina. Kitang-kita daw ang kaumbukan nito kahit nakapantalon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD