Chapter 8

736 Words
GABRIEL: Sarap na sarap ako sa pakikipaghalikan kay Dahlia, ngayon ay parang naglalaplapan na kaming dalawa. Naranasan ko na rin naman ito kay Denise noon, pero hindi ganito ang sensasyon ang naramdaman ko sa kanya, dito kay dahlia ay iba. Ang hindi ko lang magawang balewalain ay bakit pakiramdam ko ay expert na itong si Dahlia dito, dahil ba sa nagkaroon na s'ya ng boyfriend noon? Sa kalagitnaan ng paglalaplapan namin ay naramdaman ko na lang ang pag-gagala ng kamay n'ya sa likuran ko, ganun din ako. Hindi ko namalayan na hinahagod-hagod na rin pala namin ang isa't isa. Pakiramdam ko ay pareho kaming hindi kuntento sa paghalik lang, parang gusto namin ng mas higit pa dito. Hindi ito puwede, kung magkataon ay baka pareho kaming mawala sa mga sarili namin. Tumigil na ako at bahagya ko siyang inilayo. Muli n'ya akong niyakap, kitang-kita ko sa mukha n'ya na gusto pa n'ya pero kailangan naming kontrolin ang mga sarili namin. "D-dahlia, baka makalimot tayo." Nang sabihin ko yun ay tila saka lang siya nagbalik sa wisyo. Narinig ko ang patuloy na pagbubukas ng mga pinto, mukhang iniisa-isa na nila ang bawat cubicle. Pinakiramdaman ko ang bawat ingay, at nang sa pakiwari ko ay may dalawang pinto na lang bago sila makaabot sa amin ay iniangat ko ang mukha ni Dahlia at muli siyang hinalikan. Niyakap n'ya ang leeg ko, saka hinawakan ang likod ng aking ulo. Nang ginawa n'ya iyon ay naramdaman ko ang paglalim ng halikan namin. Natigilan ako nang maramdaman ko ang kung anong mainit-init at madulas na ipinapasok n'ya sa loob ng bibig ko. Hindi ko magawang tanggapin yun nung una dahil hindi ko maunawaan kung ano iyon ngunit tila nag-aapura s'ya kaya puwersahan na ang ginagawa nya. Hindi ako makapagprotesta dahil hawak n'ya ang likod ng ulo ko. Nang hinayaan ko s'ya ay doon ko nalaman na dila pala nya iyon. "Unghh..." Hindi sinasadyang nakapagpakawala ako ng mahinang vngol nang targetin niya ang dila ko. Sa simula ay hindi ko pa alam ang gagawin ngunit naisip kong gumanti. Hindi ako eksperto sa ganito at ngayon ko lang din ito naranasan. Bakit nga ba hindi namin ginawa ni Denise ito noon kapag nagme-make out kami? katulad ko, kulang din kaya s'ya sa experience, pero bakit naman itong si Dahlia? Bigla ko na lang narinig ang pagbukas ng pinto sa likuran ko ngunit hindi ako tumigil. Naramdaman ko rin ang pagkislot ni Dahlia sa mga bisig ko ngunit nagpatuloy s'ya sa pagdo-domina sa bibig ko. "Um, ehem, ser..." Tawag ng isang lalaki sa likod ko. kunwa'y hindi ko s'ya narinig at nagpatuloy sa pagbibisi-busyhan ko. "Ser, puwede po ba kayo maistorbo sandali?" Ibang tinig naman ang narinig ko. Ilan kaya sila? Kung sakali, kaya ko kaya silang patumbahin mag-isa? Nang nilingon ko sila ay sinadya kong pagmukhaing tila nalango ako sa kung ano. Ayos lang na magmukha akong s*x maniac, basta makumbinsi ko lang sila ng acting ko. "Get lost! Hindi n'yo ba nakikita na busy ako?" Kunwa'y galit ako. "Ser, sandali lang naman ito, meron lang kasi kaming hinahanap na babae. Puwede po ba naming makita iyang babaeng kasama n'yo?" Wika ng isa na kamukha ng Filipino actor na si Mon confiado. Naramdaman ko ang panginginig ni Dahlia sa mga bisig ko habang nakabaon ang mukha n'ya sa dibdib ko. "Ano? Halos nakahubad na itong girlfriend ko, tapos ang gusto n'yo ay ibandera ko pa sa harapan n'yo? Sino ba ang boss n'yo?" Hindi nagsalita ang mga lalaki. "Ano, hindi pa ba kayo aalis? O baka gusto n'yo pang makapanood ng live show? Layas!" Nang magsialis ang lalaki ay iko-comfort ko sana si Dahlia pero bigla siyang lumayo sa akin. Inayos n'ya ang dress n'ya pati ang buhok n'ya. "Salamat, Gabriel. Aalis na ako. Sa susunod na lang ako babawi sayo." "Sandali lang!" Pigil ko sa kanya nang paalis na s'ya. Ano yun? Bakit bigla na lang s'yang lumamig sa akin, dahil ba nakuha na nya ang gusto n'ya sa akin? "Um, ang contact number mo, puwede ko bang makuha?" "Pasensya na, pero hindi ko basta-basta ibinibigay ang contact number ko. Sige na." At tuluyan na siyang umalis. Ganun na lang ba yun, bigla na lang s'yang aalis? Ano ba ang problema niya? Samantalang kanina lang aya ang init niya. Ano nga kaya ang nangyari sa kanya? Sa nakalipas na tatlong taon, ano kaya ang pinagdaanan n'ya? Dahlia, bakit parang nagbago ka na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD