GABRIEL :
"A-Ano? Pero..."
"Shhh..." Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko para patahamikin s'ya, narinig ko kasi ang pagdating ng ilang tao sa labas ng pinto. Mukhang nandito na ang mga humahabol sa kanya.
Adelaida Garcia. O mas kilala bilang Dahlia. Ngayon ko lang ulit s'ya nakita, since college pa. Bigla siyang nawala sa university namin, at magbuhat nun ay wala na akong naging balita sa kanya. Kapag naman nagtanong ako sa mga alam kong nakakakilala sa kanya ay parang ayaw naman nilang sabihin kung ano ang nangyari dito kay Dahlia, parang mga umiiwas sila.
Ngayong nakita ko uli siya ay parang nag-iba na s'ya. Nag-iba na ang awra n'ya, dahil ba nag-mature na s'ya? Hindi katulad dati na para pa siyang mahiyain, ngayon ay parang may pagka-wild ang nararamdaman kong dating n'ya, hindi kaya dahil sa makapal n'yang make-up? Ibang-iba na rin siyang manamit. Hindi masyadong revealing ang suot n'ya pero masasabi kong sapat na ito para mag-init ang mga kalalakihang titig sa kanya...... Hayyss, Gabriel. Ano ba ang iniisip mo?
Nakita ko ang pagkailang sa kanya nang mapagmasdan ko ang katawan n'ya.
"Um... P-pasensya na, ano... Nagulat lang kasi ako sa pagbabago mo, halos hindi kasi kita nakilala." Katwiran ko. Baka kasi isipin n'ya na manyak ako.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha n'ya. "Ang sabi mo ay... halos hindi mo ko nakilala? Bakit, kilala mo ba ako dati pa?"
Bakit nagtataka s'ya? Maliban na lang kung hindi n'ya ako kilala. Parang bigla naman akong nalungkot doon.
"Oo naman. Palagi kaya kitang nakikita at napapansin lalo na sa library kung saan ako nagre-review at nag-aaral. Palagi mo pa nga akong pinagre-reserved ng books na palagi kong binasabasa, diba? at alam kong ring ikaw yung palaging nagti-treat sa akin ng mga gusto kong ulam sa canteen. Kaya lang ay nagtataka ako kung paano mo nalaman ang mga gusto kong kainin, pati yung mga palagi kong binabasa sa library ay alam mo rin. Sabihin mo nga, ini-stalk mo ba ako?"
Sinubukan ko lang naman s'ya, pero parang bigla siyang nataranta. "H-ha? Hindi a!"
"Shhhhh....." Saway ko sa kanya dahil napalakas ang boses nya.
Bigla ko na lang narinig ang pagbukas ng pinto, mukhang nandito na sila sa loob. Nanigas na lang ako nang biglang yumakap si Dahlia sa akin, napalunok ako nang maramdaman ko ang mga malalambot at ang buhay na buhay niyang mga dibdib. "P-pasensya na, hindi sa nagte-take advantage ako sayo, ha. Pero, puwede mo ba akong tulungan, ha, Gabriel? Hindi kasi nila ako puwedeng mahuli, e."
Natuwa ako nang banggitin n'ya ang pangalan ko, ibig palang sabihin ay kilala n'ya rin ako? Ayos!
Narinig ko ang mga yabag ng mga tao sa labas. Hindi puwedeng ganito na lang kami, dahil kung hindi ay baka mabisto nila si dahlia. "Um, Dahlia... pasensya na sa gagawin ko, ha. Kailangan kasi ito." Hindi pa man nawawala ang pagtataka sa mukha nya nang bigla kong hatakin pababa ang suot n'yang dress. Hinatak ko yun hanggang sa bewang niya, pagkatapos ay hinubad ko ang suit ko at itinali sa bewang n'ya, sa harap, para matakpan ang dress n'ya.
"Ayan." Nang matapos ako ay binalingan ko ang ginawa ko pero hindi na ako nakaimik nang lumantad sa paningin ko ang isang nakatutuksog tanawin.
Napamaang na lang ako sa nakatayo at sa malulusog nyang dibdib sa loob ng itim niyang bra. Ngayon ay hindi na ako nagtataka kung bakit masarap sa pakiramdam nang dumikit iyon sa akin kanina. Wala akong masabi, dahil, talaga namang magandang pagmasdan.
"Like what you see, Gabriel?" Tanong niya sa akin.
Naibaling ko sa ibang direksyon ang ulo ko sa pag-aalala na baka sumama ang tingin n'ya sa akin. Ngunit nang tingnan ko s'ya ay iba ang nakita ko. Hindi ko mawari, pero parang may pag-aasam at pagkasabik akong nakikita sa mga tingin n'ya sa kin. Totoo ba ito o ilusyon ko lang? Nasisiraan na ata ako.
Napaigtad kami pareho nang marinig namin ang pagbukas ng isa sa mga pinto ng cubicle. "Walang tao dito." Dinig kong wika ng isa sa kanila.
"Isa-isahin natin yung bawat pinto."
"G-gabriel, paano na?" May pag-aalalang tanong ni Dahlia sa akin.
"Ako ang bahala. Kaya lang ay kakailanganin ko ang kooperasyon mo... Handa ka na?"
Pagkatango n'ya ay kaagad kong sinibasib ang kanyang labi. Simpleng paghalik lang sana ang gagawin ko para pagmukhain lang na gumagawa kami ng milagro pagbukas nila ng pinto, kaya lang ay nakakadala ang lambot ng labi n'ya. Ang sarap-sarap niyang halikan.