Dahil biglaan at dahil wala naman akong schedule ngayong araw ay isa lang ang nai-shoot ko. Ayos lang, ang importante ay may trabaho ako.
Matapos ang shoot ay naligo agad ako at umalis na. Mahaba-haba pa ang oras ko para makasama si Gelai ngayong araw kaya susullitin ko na. Habang papaalis ako ay nadaanan ko si collete at ang dalawa pa na kapwa ko mga "performer" na nag-uusap-usap sa may tabi.
"Mabuti pa yung iba diyan, ano? Parang reyna kung mag- aasta?" Dinig kong wika ni collete. Nalalaman kong ako ang pinariringgan n'ya. "Parang palagi na lang silang pinapaboran ng langit, pati ang mga boss ay pinapaboran din sila, kaysa sa mga katulad natin na di-hamak namang mas matagal na kaysa sa kanila. Hump! Hindi kasi ako marunong sumipsip e, kayo ba?" Baling n'ya sa dalawang kasama n'ya na kunwa'y hindi n'ya ako nakita.
Diri-diretso lang ako, kunyari ay hindi ko sila naririnig. Ano ba ang magagawa ko kung malamlam ang mga career nila? Saka hindi din naman ako magaling sumipsip, no. Ang masasabi ko lang ay "total performer" kasi ako. Isa pa, kumpara naman kasi sa akin, meron akong kailangang pagkagastusan kaya nagsusumikap at nagsisipag talaga ako sa propesyon ko, hindi katulad nila na parang mga naglilibang lang.
Pag-uwi ko sa bahay ay tinawagan ako ni Sir Henry para magpa-book. Si Sir Henry ay isang may-edad na businessman, regular patron ko siya sa escort service.
Nung unang beses n'ya akong i-book ay ginalaw n'ya ako, pero matapos naming magka-kuwentuhan, matapos kong ibahagi sa kanya ang dahilan kung bakit ko pinasok ang maruming industriyang kinasasadlakan ko ngayon, ay nangako s'ya na hindi na n'ya ulit ako gagalawin. Tingin ko ay naawa s'ya sa akin.
"Yes po, Sir Henry. Sige po, pupunta po ako. Doon pa rin po sa dating hotel? Okay, sige po."
Matapos kong maghanap ng maisusuot para mamaya ay maayos akong nagpaalam kay Gelai. Sigurado kasi na madaling araw na ako makakauwi kaya hindi ko na s'ya mababasahan ng bedtime stories.
Pagpunta ko sa hotel ay inabutan ko si Sir Henry sa may pinto, habang may kausap s'ya na mga mukhang kapwa din n'ya businessman. Bumati ako sa kanilang lahat. "Sorry, kung ngayon lang ako."
"It's okay." Sagot ni Sir Henry. Hinawakan n'ya ako sa bewang at iginiya sa harapan ng mga kasama n'ya. "The party is about to start, so, you're just in time."
"Mr. Lagdameo, this beauty is?" Usisa ng isang lalaki na may malaking tiyan sa akin. Bigla ko tuloy naalala sa kanya si Congressman Macaspac, sana lang talaga ay hindi na mag-krus ang mga landas namin. Ngunit, mukhang mapaglaro talaga ang pagkakataon, dahil, bigla ko siyang natanaw sa malayu-layo.
"This is dah- I mean, Luna Noir. And she's may partner for tonight." Pakilala ni Sir Henry sa akin.
"Luna Noir?" Komento ng isang may-edad na babae na nakakapit sa braso ng may malaking tiyan na businessman. "Isn't it just another pseudonym for a sl*t?" Sarkastiko niyang dagdag.
Although totoo naman ang sinabi n'ya na isa nga akong sl*t, pero sa nakikita ko ay may contempt s'ya para sa mga kagaya ko, kaya tinaasan ko sya ng kilay, sabay paalam kay Sir Henry. "Sir Henry, pupunta muna ako sa washroom."
Kailangan ko munang magtago at baka tumama ang mga paningin ni Congressman Macaspac sa akin, mahirap na. Baka kasi hindi pa s'ya nakaka-move on sa ginawa ko sa kanya at baka balikan pa ako.
Nang magtanong ako sa isang waiter kung saan ang restroom ay sakto namang biglang bumaling si Congressman Macaspac sa akin. Agad kong tinakpan ang mukha ko ng purse na dala ko at dire-diretsong nagtungo sa banyo.
"Miss sandali?" Dinig kong tawag ng isang lalaki sa likuran ko. Hindi ko yun pinansin sa takot na baka tauhan pala ni Congressman yun.
Nang maramdaman kong may sumusunod sa akin ay binilisan ko ang paglalakad, hanggang sa makarating ako sa ladies' room. Ngunit pagpihit ko ay naka-lock ang pinto. Naku, paano na? Wala akong malay puntahan, ano nang gagawin ko?
Sa paghahanap ko ng puwede kong puntahan ay nabangga ko ang isang kararating lang na lalaki. Nang tingalain ko siya ay nagulat ako nang makitang si Gabriel na naman iyon. Hindi na ako masyadong nagulat, pero nagtataka ako sa pambihirang pagkakataon ito. Nagkataon lang ba talaga na nandito s'ya? Hindi ko tuloy alam kung dapat pa ba akong umiwas.
Basta ko na lang s'yang iniwanan at pumasok sa men's room. Pumasok din s'ya at may pagtataka akong tiningnan. "Um... banyo ito ng mga lalaki." aniya.
"Alam ko. Gawin mo na ang kailangan mong gawin, hindi naman kita sisilipan, e. Kailangan ko lang magtago dito sandali." pagkatapos ay pumasok ako sa pinakadulong cubicle.
Nagulat ako nang bigla din siyang pumasok. "A-Anong ginagawa mo?"
"Shhh... may tinatakbuhan ka, no? Kung ganun ay hayaan mong tulungan kita." Alok niya.