Chapter 5

786 Words
Agad akong yumuko para itago ang mukha ko. "S-Sorry..." at dali-dali na akong umalis. Bakit naman sa ganitong pagkakataon pa kami nagkita ni Gabriel? Nakakahiya tuloy. "Miss, sandali lang!" Dinig kong tawag n'ya, na binalewala ko lang. Pagkapara ko ng taxi ay agad akong sumakay. Natutukso man ako na lingunin s'ya, ngunit tiniis ko ang hindi s'ya tingnan. Bakit n'ya kaya ako tinawag? Huwag n'yang sabihin na namumukhaan n'ya ako, samantalang ang pagkakaalam ko ay hindi naman n'ya ako kilala kahit nung college days pa? Sa loob ng taxi ay chineck ko ang tseke at ang ilang cash na kinuha ko. Nahalikan ko ang tseke sa tuwa ko, sa wakas ay kumpleto na rin ang pang-treatment ng baby ko. Pero, hindi biro ang pinagdaanan ko, ha. Natutukso man ako pero ayoko nang magpa-book ulit sa damulag na congressman na 'yun. Hump! sadista s'ya. Dahil sa nangyari kagabi ay hindi na muna ako pumasok sa trabaho ngayong araw, masakit pa rin kasi ang perlas ng sinilangan ko. Kahit pinahiran ko na ito ng gamot ay hindi ko naman ito "magagamit" kaya mas maganda pang magpahinga na lang muna ako dito sa bahay. "Mama, biding." wika ng anak ko habang tinuturo ang lego na kanyang nilalaro. "Wow! Ang galing naman ng baby ko! Kaya mo na palang gumawa ng building kahit walang tulong ni mama." Dahil libre naman ako ngayong araw ay hindi ko na muna pinapasok si ronalyn, ang yaya ni gelai. May anak din kasi s'ya na alagain pa. "Sandali lang, 'nak, ha. Tatawag lang si mama sa trabaho, hindi pa kasi ako nakakapagpaalam, e." Bago tumayo ay binigyan ko muna s'ya ng isang halik sa noo. Nagtungo ako sa kuwarto at tinawagan ang direktor namin. "Miss Pinky, paki sabi na lang sa mga tao diyan na baka hindi ako makapasok ng hanggang tatlong araw." "Bakit, pinagod ka ba ni Mr. Congressman? Malaki ba?" Tanong n'ya na tatawa-tawa pa. Nang bumalik sa akin ang nangyari kagabi ay hindi ko naiwasan ang mainis. "Oo nga pala, bakit naman hindi mo sinabi sa akin na obese pala ang damuhong congressman na yun?" "Bakit girl, huwag mong sabihin na wala kang ideya?" "Wala! At kahit may mga naririnig akong hindi magaganda tungkol sa kanya, hindi ko naman akalaing may pagkasadista pala ang hayop na yun. Alam mo ba kung ano ang ginawa n'ya sa akin?" At isinawalat ko sa kanya ang ginawa ni congressman Macaspac sa akin, at ang ginawa kong pamumukpok sa ulo niya. "Hala ka! For real? Ginawa mo yun sa kanya? Hindi ka kaya sumabit niyan? baka ihabla ka nun, a. E, kumusta ka naman? Hindi ba napunit ang pechay mo? Makakapagtrabaho ka pa ba?" "Kaya nga hindi ako pumasok, diba? Feeling ko ay na-injured talaga ako, e. Pero huwag kang mag-alala, nakapaglagay naman na ako ng gamot. Saka, hindi naman ako nag-aalala kung ipapakulong n'ya ako dahil sa ginawa ko sa kanya. Alalahanin mong pulitiko yun, masisira ang imahe n'ya kapag lumabas ang pagkakaugnay n'ya sa isang katulad ko, kaya tingin ko ay mananahimik na lang yun." "S'ya, sabi mo e. Pero, paano na yung pang-treatment ng anak mo?" "Ayos na, mabuti na lang talaga at galante nga ang buwayang 'yun. Nakakuha na ako ng kakulangan para sa pang-treatment ni gelai, at may sobra pa." Makalipas ang tatlong araw ay pumasok na ako sa trabaho. Hinanap ko kaagad ang casting director namin para magtanong ng trabaho. Wala sana akong shoot ngayong araw, pero nakiusap ako sa kanya. Niyakap-yakap ko s'ya nang bigyan n'ya ako ng trabaho para magpasalamat. "Ikaw pa, malakas ka sa akin e." Sagot ng casting director namin na si kuya manny. Biglang pumasok si Colette, isa sa mga "performer" dito sa Pleasure Delight. Hindi s'ya masyadong nabibigyan ng trabaho, ang naririnig kong dahilan ay dahil kapos s'ya sa appeal at acting. Pagkasulyap n'ya sa akin ay nakita ko ang biglang pag-asim ng mukha n'ya, na para bang nakaamoy siya ng mabaho. Dumiretso siya sa isang upuan at naupo. Mukhang makikiusap din s'ya na mabigyan ng trabaho. Sa shoot: "Okay, ready... Luna Noir, okay ka na?" Tanong ni miss Pinky sa akin. Dahil itinatago ko ang pagkakakilanlan ko ay gumamit din ako ng screen name bilang "Luna Noir(Nwar)" Nakapag-usap na kami ng partner ko kanina, dahil tatlong araw pa lang napapagpahinga ang injury ko ay nagkasundo kami na ako ang magmamaniobra sa aming dalawa, para na rin matantiya ko ang activities namin at para hindi ako masyadong mapuwersa, kaya ako ang nasa ibabaw. Habang nagshu-shoot ay napansin ko ang pagpasok ni collete. Naka-cross arms ito habang nanonood sa amin. Hindi ba't sinabi ko na kay miss Pinky na ayaw kong may nanonood na hindi naman related sa shoot, e, anong ginagawa nito dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD