“A lonely night... Seems to take a flight... Losing all controls... Of all that flows... ”
Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong kumakanta. Papasok na sana ako sa CR ng mga babae. May lalaking kumakanta at parang anghel ang boses sa sobrang ganda. Kaya nga napatigil pa ako para pakinggan kung saan iyon nanggagaling. Ako kasi ang uri ng tao na madaling maka-appreciate ng mga bagay-bagay sa pigid ko.
“Behind the curtains of leaves.... Lays a n***d truth....Hidden and chained....So none would know and claim....”
Wow naman. Talagang kay gandang pakingan ang boses niya. Sino kaya ang nagmamay-ari ng boses na iyon? Parang gusto ko siyang makilala para pasalamatan dahil naging happy good vibes agad ako. Natatae nga sana ako, nag-may I go out lang talaga ako kasi oras ng klase pero biglang umurong ang dapat kong ilabas nang marinig ko ang pagkanta ng kung sinuman na iyon.
Teka, parang nanggagaling iyon sa CR ng mga boys. Luminga-linga ako.Walang tao. Sabagay, oras nga ngayon ng klase kaya wala talaga.
May naisip ako. Papasukin ko sa CR ng mga boys ang kumakantang iyon. Gusto ko lang naman siyang makita, e. Saglit lang naman. Kahit sulyap lang naman. lyon lang naman, e, kuntento na ako.
Bigla kasing bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa boses niya. At ang mga ganitong feelings, hindi dapat binabalewala lang. Dapat dito, pinu-push dahil minsan lang itong maramdaman. Tama naman ako, 'di ba?
“It was agonizing to know... Yet, that's the Love's laws...You could say it sweets... But bitter soon it will taste...”
Haaay..
Ang ganda talaga ng boses niya!
Bahala na nga. Basta, papasukin ko na siya.
Nagmamadali na rin kasi ako dahil baka mapagalitan na ako ng teacher ko. Ang tagal ko na kasi dito. Ayoko naman na balikan na lang yong kumakanta mamayang vacant period dahil for sure ay wala na siya dito. Kaya, go na ako. Malakas loob lang!
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng CR ng mga boys. Sakto. Walang tao. Ah, meron pala. Iyong kumakanta. Nasaan kaya siya? Malamang, naroon siya sa isa sa mga cubicle. Lahat ay nakabukas except sa isa. So, naroon siya sa naka-lock.
“It was agonizing to know... Yet, that's the Love's laws...”
Sisilipin ko lang naman siya. Gusto ko lang makita ang mukha niya.
Pumasok ako sa katabing cubicle no'ng
Kumakanta. Tumapak ako sa toilet bowl at saka sinilipsiya sa kabila. Ang baho! Kaya pala. Nakaupo siya sa toilet bowl habang kumakanta.
“You could say it sweets... But bitter soon it will taste...”
Bigla siyang napatingin sa akin at ganoon na lang ang gulat niya nang makita niya ako.
“Waaahhh!!! Malignooo!!!” malakas niyang
sigaw at nagmamadali siyang naghugas ng pwet.
Nanlaki ang mga mata ko. Siyempre, nagulat din ako dahil hindi ko naman in-expect na mahuhuli niya ako. Agad akong bumaba sa toilet bowl. Paglabas ko ng cubicle ay napasigaw ako nang sumalubong sa akin iyong lalaki.
“Ay, kabayo ka!” gulat na sigaw ko.
“Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Naninilip ka,ano!”
“Ha? Ano?! Ah, eh... ”Hindi na masyadong
nag-function ng maayos ang utak ko nang makita ko sa malapitan ang mukha ng lalaking kumakanta ng LIES
ni Antheia.
Paano ba naman, ang tangkad niya. Siguro ay 6’2 ang height niya. Maputi siya at makinis. Walang pores. Ang tangos ng ilong niya at ang mata... nakakatunaw kung makatingin! Bilugan pero hindi naman sobrang laki. Manipis at mamula-mula naman ang lips niya. Parang kilala ko nga siya. Siya na yata ang... forever ko? Ayiiieee!!!
Pinandilatan niya ako ng mata. “0, ano Bakit hindi ka makasagot? Totoo, ’di ba?! ”
“Ha? Ano kasi...”
“Pwes! Halika!” Bigla niya akong hinawakan sa kamay. Kahit medyo kadiri dahil hindi ko naman alam kung naghugas ba siya o hindi after niyang gumamit ngbanyo.
“Teka, saan mo ako dadalhin?”
“Sa guidance office! Para matuto ka!”
“Ha! Wait—” at hindi na ako nakaapela pa dahil bigla na niya akong hinila.
Nagpatangay na lang ako sa kanya. In-enjoy ko na Iang ang mainit niyang kamay na nakahawak sa akin. Bahala na kung saan niya ako dalhin. Sa guidance office o sa forever, bahala siya. Basta magkasama kami.
“JENNY, anong ginagawa mo sa boy's Comfort room? At totoo ba na sinisilipan mo si Mr.Fortu habang gumagamit siya ng banyo?” Nakayuko ako habang tinatanong ako ni Ma'am Anoba—ang guidance counselor ng school namin.
Iniangat ko ang mukha ko. “Ma'am Generoso, hindi po totoo na sinisilipan ko si Mr. Pascual habang tumatae siya. Wala pong katotohanan ang bagay na iyon,”mahinahon kong sagot.
“Anong hindi? E, nahuli nga kita!” sabat ni Mr Fortu o Earl Dawn Fortu kapag buo. Nasa katapat ko siya na upuan habang nakaharap kami sa table ni
Ma'am Anoba.
Earl Dawn Fortu pala ang pangalan niya.
Nagpapasalamat na rin ako kahit papaano sa pagdadala niya sa akin dito sa guidance office dahil nalaman ko ang pangalan niya. Positive pa rin, di ba?
“Please, let me explain—”
“Maaarsss!!!”
Lahat kami ay napatingin sa pintuan nang may biglang sumigaw doon. Si Xyrine lang pala at talagang nakasuot pa siya ng shades. Ano naman kaya ang paandar ng bestfriend ko na ito? Tinext ko kasi sa kanya ang nangyari sa akin. Hindi ko naman siya sinabihan na pumunta pero pumunta pa rin. Sabagay, kilala ko na iyan.
Basta may pagkakataon na umeksena, eeksena talaga siya. Ganoon ang ugali niya noon pa.
Mukhang umiiyak pero walang luha na pumasok si Xyrine at diretso agad ito kay Ma'am Anoba. Lumuhod pa ito sa tabi ng guidance counselor at hinawakan ang kamay nito.
“Ma’am! Kilala ko po ang bestfriend ko na si
Jenny, gumagapang pa lang kami ay magkasama na kami niyan. Pangit lang po at weirdo siya pero hindi po pangit ang budhi niya! Inosente po ang bestfriend ko!
Maniwala po kayo!” dinaig pa niya si Jessica Chastain sa paghihisterikal.
“Teka, s-sino ka ba?”nagtatakang tanong dito ni ma'am Anoba. Naku! Nakakahiya talaga kung minsan itong si Xyrine! Tumayo ako at hinila siya palayo kay Ma'am Anoba. Dinala ko si Xyrine sa isang sulok. “Ano
bang ginagawa mo dito, Danaya? At talagang naka-shades ka pa,”mariing bulong ko sa kanya.
“Eh, ’di ba, nag-text ka sa akin. Ang sabi mo
nasa guidance office ka kaya pinuntahan kita dito para patunayan na mabuting tao ka. Itong shades naman, props lang. Ganito kasi kapag mga star witness... may shades!” Nasisiyahan pa nitong inayos ang suot na shades.
“Gaga ka naman, Baks! Hindi naman kita pinapapunta dito, e."
“Hayaan mo na. ’Andito na ako, e. Wait nga lang...Bakit ka ba nandito?”
“Inaakusahan kasi ako na naninilip no'n, o...” sagot ko sabay turo kay Earl na nakatalikod sa gawi namin kaya naman hindi nakikita ni Xyrine ang mukha nito.
“Ano? lkaw? Maninilip? Kilala kita, Baks! Hindi mo kayang gawin iyon!”
Pinatabi ako ni Xyrine. Siya daw ang bahala sa lalaking iyon. Sigurado daw na kapag nakausap siya nito ay matatakot ito at babawiin ang inakusa sa kanya. Sige
nga, tingnan ko nga.
Lumapit na siya kay Earl. “Hoy, ikaw lalaki—”
Biglang nanginig ang tuhod ni Xyrine nang makita niya ang mukha ni Earl. Napaupo ito sa sahig na parang nawalan ng lakas. Halata na sobra itong nagwapuhan
sa lalaking nakita. Nilapitan ko na siya at tinulungan na makatayo.
“O, ano? Anong sasabihin mo?” mayabang na turan ni Earl kay Xyrine.
"B-baks, bakit hindi mo naman sinabi na gwapo? Ang gwapo... sobra! Baka nga naman sinilipan mo siya. Hindi naman kita masisisi kung bakit. Ang gwapo, e...” nanghihinang sambit niya sa akin. Siya na ang pinaupo ko sa upuan ko dahil parang manghihimatay na siya.Nakatingin pa rin siya kay Earl.
Tumikhim na si Ma'am Anoba. "Miss Morrison, kung maaari ay palabasin mo na ang kaibigan mo dahil hindi natin ito maaayos kung nandito iyan.”Naiirita na
siya. Yari na.
“O-okay po. Sorry po, ma’am,” nahihiyang turan ko.
Napatayo si Xyrine mula sa pagkakaupo niya sa labas ng guidance office nang makita niya na lumabas na ako. At talagang hinintay pa niya ako, ha. Nilapitan niya agad ako kung anong nangyari.
Napahinga ako ng malalim. “Ayon, na-warning-an ako. Kapag daw naulit iyon ay ipapatawag na ang magulang ko. Hindi talaga sila naniwala na hindi ko naman
sinisilipan si Earl,” malungkot kong sagot.
“Eh, ano ba naman kasi ang nangyari? Baka nga naman totoong naninilip ka!”
“Hindi, Baks. Narinig ko kasi na kumakanta si Earl sa comfort room ng boys. Gusto ko talaga siyang makita kaya pumasok na ako. Hindi ko naman alam na.. tumatae pala
siya.”
“Ikaw naman kasi dapat hinintay mo na lang na lumabas.”
“Hayaan mo na. Ayoko nang isipin pa ang nangyari. Basta masaya ako kasi nakilala ko si Earl! Baks, ngayon ko lang ito naramdaman. Ang bilis ng heartbeat ko! Ito ba ang tinatawag na love?” tila nangangarap na saad ko.
“Tabi!”
“Ay kabayo ka!” gulat nasigaw ko nang may
biglang magsalita sa likuran ko. Si Earl pala. Dadaan.
“Bakit ka ba nakaharang sa pinto?” inis na turan niya.
“Naku, sorry... ‘Eto na, tatabi na ako... ”
Tumabi na ako at saka siya dumaan. Nalanghap ko pa ang panlalaking pabango niya na halos magpawala sa aking ulirat. Napakabango niya! Lalaking-lalaki ang
amoy. Bumagal ang bawat paggalaw niya. Pati ang pag- sway ng buhok niya sa hangin ay kitang-kita ko. Ang mga alikabok na nag-uunahan para makadapo sa balat niya ay nakikita ko rin. Nakakabaliw pala, kung love na nga ito!
“Hoy, Mars!” sabay batok sa akin ni Xyrine.
“Aray ko naman, Mars!” ani ko habang hinihimas ang batok.
“Wala na, oh! OA ka na. May papikit-pikit ka pa no'ng dumaan si Earl . Nakakahiya ka. Baka akala niya ay isa kang aso na anito diyan!”
Shocks! Nakapikit ba ako? Hindi ko na namalayan. Nakakahiya nga kung ganoon. Baka isipin niya manyak talaga ako. Naku, kailangan kong magpa-good shot sa kanya. lyon ang dapat kong gawin para naman magbago ang impression niya sa akin. Pero paano? Humarap ako kay Xyrine sabay hawak sa kamay niya. “Baks! Help me, please!”
“Help saan?”
“Tulungan mo ako para mapansin ako ni Earl”
“Ah, okay. Gusto mong mapansin ka niya?
Tumakbo ka ng hubo't h***d sa buong school. For sure, hindi lang si Earl ang makakapansin sa'yo kundi ang buong population nitong Bitter Crazy Academy—”
“Gaga ka talaga, Baks! You know what I mean.” Kumurap-kurap pa ako habang inaayos-ayos ang magulo na mala pugad kong hair.
Nanlaki ang mga mata ni Xyrine sabay kurot sa Tagiliran ko. “Malanditera ka ng taon! Type mo siya? Ay, sorry. Kami ang bagay! Napansin mo ba ang mga tingin
niya sa akin kanina? Malalagkit! Tapos ang pangalan niya Earl Dawn ! Dawn. Sounds like ‘Xyrine’s couple name’. Oh, di ba?
“Excuse me, hindi Xyrine ang name mo kundi Xyron. Nag-iimagination ka na naman. Basta, tulungan mo naman ako, Baks. Alam mo naman na ngayon lang ako nagkagusto sa isang lalaki, ’di ba? Please?”
“Hmm... sige na nga! Kung hindi lang ako naaawa sa’yo!”
“Thank you, Baks!” Nagpaikot-ikot ako sabay sigaw ng, “This must be love!!!”