Kabanata 4

2148 Words
“Sa tingin mo ba, Baks, magugustuhan din ako ni Earl?” tanong ko kay Xyrine habang naglalakad na kami pabalik sa silid aralan namin. “Hmm... Siguro kung ang type ni Earl ay mga creepy girl na katulad mo.” “Sana naa-attract siya sa mga tulad kong Nerdy na may pag ka Weird, no? Maganda naman ako kahit Nerdy ako, di ba?” “Ah, e .. Matalino ka naman, Baks. Keri na iyon!” “Sabagay. Basta ako, more positivity lang sa life ko para maka-attract ako ng positive vibes sa iba! Malay mo, si Earl na ang maging first boyfriend ko at kung suswertehin, siya na rin ang mapapangasawa ko!” “Sige lang, mangarap ka lang. Lumipad ka nang mataas para kapag bumagsak ka, wasak ka talaga! ” mahina kong hinampas sa braso si Xyrine. “Hay naku, ang nega mo naman, Baks!” “Oo, ako nega. Ikaw pangit!” Tinawanan ko lang siya. “Tama na nga iyan. Pumasok na tayo sa room at mukhang naroon na si Ma'am!” Nagmamadali kaming pumasok sa classroom. Sakto dahil mukhang mag-uumpisa na ang klase namin.Mabuti na lang talaga at umabot kaming dalawa ni Xyrine. Umupo na kami at inilabas ko ang notebook ko sa English. “Okay. Bago tayo mag-start ng klase, magpapakilala muna sa inyo ang bago niyong kaklase na si Earl Dawn Fortu. Mr. Fortu, stand up at magpakilala ka,” ani Ma'am Valdez—teacher namin sa English at adviser na rin. Bigla akong nataranta nang marinig ko ang pangalan ng bago naming classmate. Umikot ng 360 degrees ang mga mata ko para hanapin kung nasaan ang John Rex na sinasabi ni Ma'am Perez. Hanggang sa may tumayo na lalaki at nagpunta sa unahan. OMG! Si Earl, My Bebeloves nga! Siya nga! Wala nang iba! Habang nasa unahan siya at nagpapakilala ay nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ko na nga naririnig ang mga sinasabi niya dahil sa mukha lang niya ako naka-focus. “Hoy! Jenny!” tawag sa akin ni Xyrine. Doon lang ako tila nagising mula sa mahabang pagkakahimbing. “Sana ay marami akong maging kaibigan dito.” lyon lang ang naintindihan ko sa mga sinabi ni Earl. Hanggang sa paglalakad niya pabalik sa kanyang upuan ay nakatingin ako sa kanya. “Oo nga pala, Mr. Fortu” tawag dito ni Ma'am Valdez. “Sa susunod, kapag may klase na ay huwag ka sana kung saan-saan pumupunta. Nagsumbong sa akin ang first subject teacher niyo, wala ka daw dito kanina.” “Sorry po, ma’am. May nangyari po kasi kanina kaya hindi ako naka-attend ng first subject.” “Okay. ’Wag na sana mauulit.” “Yes po, ma’am.” Nangalumbaba ako habang nakatingin pa rin kay Earl. Grabe, ang bait naman niya. Hindi siya nagalit kahit na napagalitan siya ng teacher namin. Mukhang mag-eenjoy ako sa last year ko sa high school, ah. Paano ba naman ay kaklase ko pa ang aking inspiration. Haaay. “Good bye, Ma’am Valdez!” sabay-sabay naming sabi ng mga kaklase ko. Yes! Uwian na. Hinanap agad ng mata ko si Earl at nakita ko na palabas na siya. “Baks, tara na!” sabi ko kay Xyrine. “Wait lang. Nakikita mo naman na nagre-retouch pa ako ng make-up ko. Nakaka-haggard kaya ang mga subjects natin! Ayokong umuwi na haggard. Look at you, Baks, ang haggard mo na.” “Ako? Haggard na? Talaga? Naku, kakausapin ko pa naman sana si Earl! Anong gagawin ko, Baks?” Tiningnan ako ni Xyrine habang tense na tense na ako. Ayoko naman na haharap ako kay Earl na hindi ako maayos. Dapat pa-impress palagi ako sa kanya. “Eto, powder ka na lang—” Naiinip na ako kaya inagaw ko na agad kay Xyrine ang powder. Baka kasi makaalis na si Earl ! Nagmamadali na nagtaktak ako sa palad ko at isinabog iyon sa mukha ko. “Sige, mauuna na muna ako sa’yo, ha!” “Hoy, Jenny Ang—” “Mamaya na lang!” At nagtatakbo na ako palabas ng classroom. Nakita ko naman agad si Earl. Naglalakad siya sa hallway. Ang angas niyang tingnan sa paglalakad niya. Tapos isang strap lang ng backpack niya ang nakasabit sa balikat niya. OMG talaga! Na-imagine ko tuloy na magkasabay kaming naglalakad tapos HHWW kaming dalawa. Ayyy!!! Nakakakilig naman! Sana mangyari iyon someday. Ay, teka! Tama na muna ang imagination at baka makauwi na siya. Kailangan ko siyang makausap para mag-sorry sa kanya. Alam ko kasi na galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari kanina. Ayoko naman na forever siyang magagalit sa akin. Forever in love, pwede pa. Earl Dawn Fortu, humanda ka! Here I come! “Earl!” pasigaw na tawag ko sa kanya. Lumingon naman agad siya pero sumimangot nang makita ako. Nagpatuloy siya sa paglalakad at mas mabilis. Siyempre, mas binilisan ko ang pagtakbo ko hanggang sa maabutan ko siya. Humarang ako sa harap niya habang naka-spread ang mga kamay ko. “Wait lang,Earl!” hingal kabayo na sabi ko. “Bakit? Ano bang kailangan mo sa akin?” “Ito naman, ang sungit. Magso-sorry lang ako tungkol doon sa nangyari...” Hindi na niya ako pinatapos at naglakad na naman siya. “...kanina. Hoy! Saglit lang! ” Hinabol ko na naman siya. “Ano ba?” “Magso-sorry lang naman” “Okay. Pinapatawad na kita. Wala na iyon. Masaya ka na?” “H-ha? Oo naman. Masayang-masaya!” “Okay. Tapos na tayo. Makakatulog ka na naman siguro niyan mamayang gabi dahil pinatawad na kita. Kaya, please lang—” “Jenny! Ako si Jenny Morrison, fifteen years old at classmate mo.” “Hindi ko tinatanong ang pangalan mo at hindi ako interesado. Okay na tayo kaya, excuse lang, ha? Gusto ko nang umuwi. At pakiayos iyang pulbo mo sa mukha. Mukha kang espasol!” Nilampasan na niya ako at hinayaan ko na lang na makaalis na siya. Sinundan ko siya ng tingin.Maya-maya ay dumating na si Xyrine. “Oh, anong nangyari? Parang sinungitan ka lang naman ni Earl mo!” aniya. “Ang sabi niya... mukha daw akong espasol. Di ba, ang espasol ay masarap? lbig sabihin, mukha akong masarap?” Wala sa sarili na saad ko. “Gaga! Paanong hindi ka magmumukhang Espasol? Tingnan mo yang mukha mo, puting-puti at buo-buo ang pulbo mo! Ayusin mo nga iyan!” sita sa akin ng bestfriend ko. Biglang nanlaki ang mata ko. Nanghiram ako ng salamin sa kanya at halos sumabog ang ulo ko nang makita ko ang hitsura ko. Grabe! Nakakahiya! Humarap talaga ako kay Earl na ganito ang hitsura ko? Hindi na ako nagtataka kung bakit sinabihan niya ako na mukha akong espasol, dahil mukha naman talaga akong espasol. Nainis na pinunasan ko ang mukha ko gamit ang panyo. Pero maya-maya ay nag-smile na ulit ako. “Basta, hindi ako susuko, Xyrine. Magiging friends din kami ni Earl. Makikita mo, one of these days ay palagi na kaming magkasama!” determinadong sambit ko. “Sige, Baks! Push mo lang yang pangarap mo! Hay naku, umuwi na nga tayo. Nagugutom na ako, e.” “There is no way out, I'll listen to my heart...” Pakanta-kanta pa ako habang papasok na sa simple naming balay. Kahit simple lang ito ay masaya naman kaming namumuhay dito ng aking Mama Kzen. Kaming dalawa lang dito. Iniwan na kasi kami ng tatay kong indian-American. Mag-isa lang akong pinalaki ni Mama Kzen pero kahit kailan ay hindi ako naghanap ng pagmamahal ng isang ama dahil lubos-lubos kasi kung magmahal at mag-alaga ang Mama ko. Wala na talaga akong hahanapin pa. Kuntento na ako sa kung ano ang meron kami ngayon. Lumabas si Mama Kzen mula sa kusina na may hawak na sandok at malaking takip ng kaldero. “Aba! At bakit pakanta-kanta ang aking only daughter? Wait! Hulaan ko. In love ka? Tama ba, anak?” nakangiting salubong niya sa akin. Masaya akong umupo sa kawayang upuan namin na nasa sala. "Mama, ano ba 'yong feeling mo ay masaya ka kapag nakikita mo ang isang lalaki? Tapos, parang puno ako ng positive energy. Basta, ang saya-saya lang! Para akong naglalakad sa petals ng mga bulaklak.” Malakas na tumili si Mama Kzen at umupo sa tabi ko. Kinikilig na sinabunutan niya ang mala pugad kong buhok. “Aray ko naman, ’Ma! Ang sakit, ha!” sabi ko ng matapos niya akong sabunutan. Inayos-ayos ko ang buhok ko. “Eh kasi, kinikilig ako ng bonggaros, anak! For the first time, in love ka na nga! Congrats nak!” “Ako? In love?” Tila nababaliw na napangiti ako. “O, siya! Diyan ka muna, ha? Nagpiprito kasi ako ng Bangos kaya para akong mandirigma today. Ikwento mo sa akin iyan mamayang hapunan. Okay?” Tumayo na siya para bumalik sa kusina. Habang ako ay naiwan sa salas na parang nangangarap. “Ay, itim na Mangkukulam!” Napasimangot ako nang magulat si Xyrine nang makita niya ako kinabukasan sa school. Paano ay nag-make up ako. Naglagay ako ng blush on, lipstick at eye shadow. Nagpapadyak ako dahil nainis ako sa reaksiyon ni Xyrine. “Anong nangyari sa’yo? Bakit para kang nabugbog ng boksingero? Ang pula-pula ng pisngi mo. Mukha kang Zombie doll, Baks!” sabi ni Xyrine habang naglalakad kami papuntang classroom. “Hindi ba ako maganda? Nag-make up talaga ako para mapansin ni Earl...“ “Real talk? Hindi! Maghilamos ka na bago ka pa makita ni Earl. Baka mas lalong ma-turn off sa—” Natigilan sa paglalakad si Xyrine kaya napagaya na rin ako. “Patay na!” “Patay na ang ano?” "Si Earl. He's coming" "Ha? ’Asan?" Pagtingin ko sa unahan ay nakita ko na naglalakad papalapit sa amin si Earl. Huli na para itago ko ang mukha ko dahil malapit na siya sa akin. Isang nahihiyang “hello” na lang ang nasabi ko. Tumigil siya at tininnan ang mukha Ko. Nakakalokong tumawa, siya at saka iniwan ako. “Nakita mo na! Ikaw kase ayaw mong maniwala sa akin. I told ya!" ani Xyrine. “Atleast, napatawa ko siya...” “Sa susunod kasi sa akin ka makikinig. Expert ako sa mga pagpapaganda. Halata naman sa mukha ko di ba? Now, tutal naman walang pasok bukas, may naisip ako. ime-make over kita ng bongga para lumabas iyang inatago mong ganda, Jenny! Magugulat ang buong Bitter Crazy Academy sa big transformation mo!” Tila nangangarap na napatingin kami sa ulap. Ini-imagine kasi namin ang magiging hitsura ko after ng make-over na gagawin sa akin ni Xyrine. “Sige! Game ako diyan. Make over! Siguradong gaganda na ako at mapapansin na ako ni Earl ko!” Nagtatalon pa kami sa tuwang dalawa. “Gaganda?Wag kang mangarap ng gising Ugly duckling! lyon pala ay kanina pa nasa likuran namin Sila Hazelyn at Payton. Naka-crossed. arms na naman ang dalawa. Si Xyrine ang humarap sa mga lto. “At bakit naman hindi? Kapag itong Baks ko mi-nake-over ko, mas maganda pa siya sa'yo, Hazelyn! Isa pa, maputi ka lang naman. Kapag umitim ka, pangit ka for sure! ” Hinawakan ko ang Baks ko sa braso. “Baks, ’wag ka nang makipag away. Tara na sa classroom.” "Hindi, Baks! Elementary pa lang ay Binu-bully ka na ng dalawang ito kaya dapat lang na malaman nila na very, very wrong ang ginagawa nila sa‘yo!” “Hoy, bakla! bakit ba masyado kang apektado sa pambu-bully namin kay ugly duckling? ” mataray na turan ni Hazelyn. “Oo nga! Apektado ka, bakla!” segunda ni Payton “Eh, ano bang pakialam mo kung apektado ako? Nakuuu!!! Umalis ka sa harapan ko, Hazelyn! Baka hindi kita matantiya! Naku, naku!” Halos mamuti na ang mga mata ni Xyrine sa sobrang gigil niya. Siyempre, ayoko ng away kaya ako na ang naglayo kay Xyrine kina Hazelyn. Nag-sorry pa nga ako sa kanila na medyo ikinainis ni Xyrine. Hindi daw ako dapat mag-sorry sa mga iyon dahil wala akong ginagawang masama sa kanila. “lyon naman talaga ang maganda, Baks. Mas mabuti na sila ang may ginagawang masama sa akin kesa sa ako ang gumagawa ng masama sa kanila, ’di ba?” “Hay naku! Ewan ko ba sa’yo, Baks! Nang magsabog yata ng kabaitan at positive energy ang Diyos ay sinalo mo lahat. Nakanganga ka pa!” “Masyadong maganda ang buhay. Mas gusto kong mag-focus sa mga magagandang bagay na nangyayari sa life ko. Lalo na ngayon, dumating si Earl. May inspirasyon na ako. Mas lalo na akong sasaya nito!” “Wish ko lang talaga ay 'wag kang masaktan diyan kay Earl mo. Dahil hindi mo alam ang nagagawa ng heartbreak sa isang tao. Tingnan na lang natin kapag nasaktan ka dahil sa love!” Hindi ko na inintindi ang sinabi ni Xyrine. Happy lang kasi dapat. Ikembot na lang palayo lahat ng masasamang pang-yayari sa life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD