CHAPTER 10

1651 Words
NANG mag umaga na ay nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng aking bintana. Hindi ko pala nasarado ang bintana ko dahil sa pagod at antok but anyway, I have a problem. I don't know where BPU's hideout is. When I woke up that's the first thing that popped into my mind. I couldn't ask anyone about it, kapag nalaman nila na plano kong sumali sa BPU ay maga-grounded na ako ni Daddy. Augh! I have to think, I never read anything in the novel about their hideout because of Nisha's craziness for Haru. Wala ako nabasa sa novel na about sa secret organization but there's one thing, may solusyon na ako! May guardian angel nga pala si Nisha, her guardian angel is the BPU's leader. Kailangan ko malaman kung sino ang guardian angel ko, kapag nalaman ko kung sino siya ay tsaka ko lang malalaman kung nasaan ang hideout nila. Halos lahat ng tauhan ni Dad ay mga naka-black suit with sunglasses, If I look around maybe I will find him. “Hey! Whatcha doing?” sumama ang mukha ko nang guluhin na naman ako ni Nyx. Seriously, what is wrong with him?! These days he always finds a way to annoy me. I am here at the cafeteria, eating and enjoying all by myself. Mamaya pa kasi magsisimula ang sportsfest kaya naisipan ko na kumain muna para naman may lakas ako sa kompetisyon namin. “Nood ka ng basketball namin, MVP ako ng varsity team natin.” Ayokong nanonood ng basketball dahil ayoko sa maligalig na lugar. 'Di bale sana kung ako ang center of attraction doon. Masama ko siya na tinignan, he is sitting in front of me as if we're close. I sigh heavily to calm myself down and flashed my fake smile at him. “No. Never,” napailing- iling ako. “C'mon, I need your support!” “Maraming babae na sumusuporta sa'yo, Nyx. Huwag mo na ako idagdag pa.” Kung fangirl pa sana niya ako ay hindi ako magda-dalawang isip. Siguro ako pa ang naunang estudyante na pumunta doon, napanguso siya pero hindi ko iyon pinansin. “Bakit nandito ka?” Gusto ko sanang itanong kung ano na namang trip niya kaso baka mag start na naman iyon ng pagba-bangayan namin dalawa, printeng nakaupo siya sa harap ko habang kumakain. Meron naman siyang mga kabarkada. Bakit hindi na lang sila ang guluhin niya?! Para naman matahimik na ang school life ko, kaubos ng energy ang paaralang ito. No'ng wala naman ako sa novel at nagaaral pa lang ako ay tahimik naman ang school life ko, alam kong nasa novel ako pero hello?! Nandyan po si female lead, siya na lang ang guluhin niya. “Relax, Dude. Tingin mo pa lang ay parang pinapatay mo na ako ah.” ”Correction! I am torturing you inside my head, before killing you,” nakita ko siyang napalunok ng matindi dahil sa sinabi ko. “You're savage!” inis niyang sigaw, puno parin ng pagkain ang bibig na ikinangiwi ko. “Ew,” I rolled my eyes at him. “Lumayo ka nga sa akin, kadiri ka.” “Ang arte mo naman kaya wala ka sigurong jowa dahil sa ugali mo,” pasmado ang bibig niya, sarap busalan ang bibig. By the way, I am NBSB outside of the novel. So you can't blame me for being bitter. “As if I care,” bumuga ako ng hininga at uminom na ng tubig, mabuti na lang ay patapos na akong kumain no'ng dumating siya. “Eh? Wait! Wait!” tatayo na sana ako pero agad niyang nahawakan ang kamay ko at hinila ako paupo ulit. I wonder why I had a crush on him when I was reading this fvcking novel, siguro dahil sa mga sacrifices and efforts niya kay female lead. “Aalis ka agad? Kakain pa lang ako eh, dito ka muna.” He's really annoying. “Bakit ka ba lagi sa akin sumasabay? Marami ka namang kaibigan.” Nakakairita, hindi ko gustong kasama ang kahit na sino man sa mag kapatid na ito. I was talking about Haru and Nyx. Pero ang pinakakinasusuklaman ko sa lahat ay ang author ng novel. Dahil ba nag comment ako at minura siya kaya napunta ako sa sinulat niyang novel?! Naghihiganti ba siya sa akin?! Ang masaya lang na nangyari sa akin ay nagkaroon ako ng mapagmahal na magulang at naging rich kid ako, 'yon lang. “You know what? Kaya wala kang kaibigan dahil sa ginagawa mo. You're cruel, mean, savage! Why don't you try to be sweet and kind like...what is her name again? Soleil? That's right, Soleil.” Hindi na siya nakakatuwa, pati ba naman 'yon sinasabi niya? Wala man lang preno ang bibig niya. I know I have a bad attitude that makes me a loner even when I was outside of this fvcking novel. Kaya kay Nisha ang simpatya ko because I can feel her, nararamdaman ko kung anong nararamdaman niya dahil naranasan ko rin 'yon. Ayoko sa lahat pinagkukumpara ako, this is what Nisha felt whenever she's being compared from Soleil. “You should fixed your attitude para naman hindi ka nilalayuan ni---” natigil siya sa pagsasalita at napatalon sa gulat nang galit kong sinaksak ang hawak kong tinidor sa lamesa. “Shut the fvck up,” I glared at him, nanlalaki ang mata niya at tulala na nakatingin sa tinidor na nakabaon ngayon sa table. “Why do I have to fix my attitude? What's wrong with it? I am only bad to those who wronged me. And fyi, It's better not to have friends than to have fake friends.” Hinugot ko ang tinidor mula sa table tsaka ko nilapag iyon sa plate ni Nyx, I saw him gulped hard. Aalis na sana ako pero natigil ako nang may makalimutang sabihin kaya hinarap ko ulit siya. “And don't ever compare me to anyone. I am Nisha Zelenia and I have my own uniqueness,” naka-sunod ang paningin ng lahat sa akin hanggang sa makaalis ako sa cafeteria. “Mukhang pati si Nyx ay inaaway niya, she's too much!” “Kawawa naman ang baby Nyx ko, look at him! He look like a lost puppy!” “How dare she do that to our Baby Nyx?!” “I saw her trying to harm our Baby Nyx!” “Oh no! She's crazy!” “Someone check Baby Nyx, baka nasaksak siya ng mangkukulam na 'yon!” I can hear you all. Kung takot kayo kay Nisha bakit ang lalakas ng boses niyo? Ang layo ko na sa cafeteria pero rinig na rinig ko pa rin ang histerikal niyo. Natigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Philip, isa sa mga sumali sa archer. Kasama niya ang iba pa naming myembro, pati na rin si Soleil. “Nisha, nandyan na ang makakalaban natin. Let's go check them,” tumango ako at sumama sa kanila para icheck ang makakalaban namin, nasa club room ang makakalaban namin. Lima kaming lalaban, tatlong lalaki at kaming dalawa ni Soleil. Tho I know na sumali lang ang tatlong ugok na ito para masundan si Soleil, napailing-iling ako. “Are they worth to be our rival?” tumaas ang isang kilay ko nang mag salita si Warren, sa pagkakaalam ko ay kaibigan siya ni Haru. “I mean why do we need to check them? I'm sure na tayo ang mananalo,” ngumisi siya. hindi ko gusto ang kayabangan ng ugok na ito, mabait naman silang tatlo pero 'yong kayabangan lang talaga ni Warren ang hindi ko nagugustuhan, sarap tirisin ih. “Don't be like that Warren. Underestimating your rival can be your weakness,” litanya ni Soleil. “Oo nga, bobo mo naman tol. Buti na lang ay may kasama tayong matalino, maganda at mabait kung hindi punggok tayo,” madaldal na salita ni Aldren. Matalino't maganda lang ako, koonti na lang matitiris ko na silang dalawa ni Warren. “Taena mo Aldren, I'm just saying na we don't need to check them. Sigurado naman na tayo ang mananalo.” “Sigurado rin ako na tayo ang mananalo,” ngising sambit ko na ikinangiti at ikinaliwanag ng mukha ni Warren. “See? Even Nisha is on my side.” “But only an idiot and a loser would underestimate the enemy,” nawala ang ngiti niya sa linya ko. “Bago ka sumabak sa laban dapat kilalanin mo muna kung sino ang kakalabanin mo. Worthy man sila o hindi,” hindi sila nakaimik. “That was a great speech, Miss Zelenia,” natigil kami sa paglalakad at napalingon sa likuran namin. May limang tao ang nasa harapan namin at nakasuot sila ng varsity jacket from other school. “Mabuti naman at may dalawang mautak sa grupo niyo,” ngising sambit ng lalaki, hindi na ako nagtataka pa kung bakit kilala nila ako kahit sa ibang school pa sila pumapasok dahil sikat naman si Nisha sa loob at labas ng school. “My name is Timothy but the girls can call me babe or baby,” he wink at us, gross. “I am mitch.” “Vincent.” “Danisa is my name.” “Yow! Just call me Yeshua,” ngumisi ako habang minamata sila. Mukhang may ibubuga sila ah but sabi nga nila don't judge the book by it's cover makikita lang namin iyon kapag nag simula na ang laro. “Nice to meet you all. I hope we can get along and have some fun at the game,” ngiting litanya ni Soleil, she's being friendly. “We will win this game,” tumaas ulit ang isang kilay ko nang mag salita si Mitch. “Not until I'm in this team,” ngumisi ako. “Goodluck,” pagkatapos no'n ay nag lakad na ako paalis na sinundan naman ng teammate ko. To be continued!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD