CHAPTER 11

1850 Words
PUMATAK ang isang oras at nag simula na nga ang laban namin, nasa gym na kami. Napatingin ako sa paligid at nakita si Haru, napaiwas siya sa akin ng tingin nang mahuli ko siya na nakatingin sa akin. Nakita ko rin si Nyx na nakasuot ng pangbasketball uniform niya, napangiti pa siya nang makita na nakatingin ako sa kaniya. “GO! GO SEXY! GO SEXY SEXY LOVE!” kumunot ang noo ko sa pagchi-cheer nito sa akin, nag heart finger pa talaga ito kaya naman lahat ng estudyante at lecturer ay napapatingin sa kaniya. “GO! GO SE---” natigilan siya sa pagchi-cheer nang mag dirty finger ako sa kaniya. Fvck him! Kung umasta siya ay parang wala siyang sinabi sa akin na masama kanina sa cafeteria. Hindi ko na lang siya pinansin at hinanap sa crowd si Cal pero hindi ko siya nakita, sobrang ingay ng lahat. Buntong hininga na tumigil na lang ako sa paghahanap sa kaniya tsaka tumingin na sa harapan, may limang target board sa unahan namin. Nandito na rin ang kabilang team na makakalaban namin. May ngisi sa kanilang labi at tinaas pa talaga nila ang mga kamay nila na parang nagyayabang, hindi pa naman sila nananalo. “Sarap lampasuhin amputs,” narinig kong sambit ni Philip. “We will do that soon, Phil,” ngising salita ko na ikinangisi rin niya. Sa lahat ng team member ko ay si Philip lang ang pinakakasundo ko. Tumunog na ang gong, senyales na umpisa na ang laban. Nag salita pa si Yannah na siyang emcee bago mag simula ang match. Unang tumayo si Aldren at ang nakatapat niya ay si Timothy. Apat na beses na sumala sa center si Aldren at isang pana sa pinakagitna nang target board, habang si Timothy naman ay dalawang pana ang nadali sa center ng target niya kaya naman sa kabila napunta ang unang point, nakadalawang points na agad sila. “Dammit!” iritableng singhal ni Aldren ng makaupo na siya. “Punggok ka Aldren. Para 'yon lang ay hindi mo pa natamaan? Tsk! Tignan mo napunta tuloy sa kabila ang unang puntos,” nag salita si Warren tsaka na tumayo dahil siya na ang susunod. Ang nakatapat niya ay si Mitch, ang gago ngumingisi na naman. Minamaliit niya talaga ang kaniyang kalaban. “Babae lang 'yan kaya imposibleng matalo niya ako,” proud na sambit niya bago pumito na ang isang lecturer namin at nag simula na silang dalawa pumana. Napatampal ako sa mukha ko dahil sa naging resulta ng laban nilang dalawa. Wala man lang isang pana na nalagay sa center si Warren, samantalang nakatatlo na tama sa gitna si Mitch. Dahil nakatatlong pana siya sa gitna ay naging lima ang puntos nila, samantalang nananatiling one point pa rin ang nakukuha namin. “What the hell happened? Kung punggok ako, ano ka pa kaya? Mas mababa ka pa sa akin eh!” “Shut up tol. Pinagbigyan ko lang 'yong babae,” bakas ang pagkapahiya sa mukha niya. “Sa susunod itahi mo ang bibig mo. Nagyayabang ka, wala ka naman palang ipagyayabang,” malamig na litanya ko dahilan para matahimik sila. “It's okay, Warren. Don't mind it, makakaabot pa naman tayo,” si Soleil ang bumasag ng katahimikan kaya napangiti na sila, napairap na lang ako sa kawalan. “Wish me luck,” nag salita sa gilid ko si Philip at tumayo, siya na kasi ang susunod. “Siguraduhin mo na makakakuha ka ng points, huwag ka tumulad sa nagyayabang pero walang maipagyabang. In short 'wag puro salita,” muli silang natahimik nang mag salita ulit ako. Nakita ko sa pheripheral view ko ang pagkapula ng mukha ni Warren sa sobrang hiya, hindi siya makaimik. “Goodluck, Phil!” ngiting nag cheer si Soleil sa kaniya. “Yeah, right. Best of luck to you,” irap na nag salita ako na ikinatawa lang ni Phil at humakbang na sa gitna. Ang makakalaban niya ay si Danisa, pumito na naman ang lecturer at nag simula ang laban nila. Sabay nilang pinalipad ang pana at limang beses na pinana ang target board hanggang sa magkaroon ng resulta. Napangiti na ako nang makatatlong beses na napana ni Phil ang target board habang dalawang beses naman na napana ni Danisa ang target sa gitna. Nagkaroon rin kami ng five points, ang kalaban namin ay may pitong puntos. “Woah! Phil, you did good,” puri ni Soleil sa kaniya nang makalapit na ito sa amin. “Thank you, pero hindi pa rin tayo nakakaabot sa kalaban,” I patted his shoulder kaya napatingin siya sa akin. “You should be proud of yourself. Because of you we have a chance para makaabot sa kanila,” napangiti na siya sa litanya ko. “Owemji! Ako na ang susunod,” ngiti pero kinakabahang sambit ni Soleil pagkatapos ay tumayo na siya. Mas lalong umingay ang crowd sa pagchi-cheer kay Soleil at nagsitayuan. “Uwaahh! I can do this!” sumigaw pa siya dahilan para mas lalo siyang icheer ng mga manonood. “WOOOHHH! GO SOLEIL!” sigaw ni Aldren. “WOOOHHH SOLEIL! GAMBATTE!” kung kanina ay tahimik si Warren ngayon naman ay nakatayo na ito at lumalabas na ang litid sa pagchicheer sa kaniya. “Goodluck!” sigaw rin ni Phil. Ang katapat ni Soleil ay si Yeshua at mukhang nilalandi pa nito si Soleil dahil sa pangingindat nito sa kaniya, pero inisnob lang naman siya ni Soleil. Natigil lang si Yeshua nang pumito ang lecturer namin at nag simula na ang laban between them. Sumasakit na rin ang tenga ko dahil sa sigawan at iritan ng mga estudyante, maging from other school yata ay chinicheer siya. Perks of being a female lead. Sabay sila na pumana ng limang beses sa sariling target board nila at naka-dalawang beses na tumama sa gitna ang pana ni Yeshua sa target niya, habang si Soleil naman ay sumala ang isang pana pero nakaapat na tama siya sa gitna ng target niya dahilan para mas lalo na umingay ang crowd sa saya. Napangisi rin ako, ngayon ay patas na ang laban, parehas na kami ngayong naka nine points. Bumalik na si Soleil sa upuan namin at walang sawa na puri ang binigay sa kaniya ng tatlong ugok, napailing-iling na lang ako tsaka na tumayo kasabay ng pag tahimik ng lahat. Kumunot ang noo ko dahil no'ng ako na ay biglang tumahimik ang lahat, walang ingay na maririnig sa paligid. Pero hindi ako nairita, mas maigi nang tahimik sila para hindi sumakit ang eardrums ko. Tingin ko kasi ay dudugo na ang tainga ko sa ingay nila. Nang pumunta ako sa gitna at tumingin sa makakalaban ko which is si Vincent ay biglang bumigat ang hangin, he look at the target board with his emotionless expression. Ang seryoso naman ng makakalaban ko, naaapektuhan tuloy ako sa kaseryosohan niya. Kinuha ko na ang bow at arrow sa table, gano'n rin ang ginawa niya. “You will lose,” he whispered na tanging ako lamang ang nakarinig. “Just so you know, I was born to be a winner,” his eyebrow creased and then shrugged. “We will know if that's true after this game,” he said. Lahat ay nakatingin sa amin, walang gumagawa ng ingay at tanging pag t***k lamang ng puso ko ang aking naririnig. Kahit naman matapang ako outside ay kinakabahan parin ako inside, walang manlalaro na hindi kinakabahan. Pumito na ang lecturer namin kaya malalim na bumuga ako ng hininga kasunod nang pagdilim ng paligid at tanging target board na lang ang nakikita ko, wala ako naririnig kun'di ang malalim at sunod-sunod na paghinga ko lamang. Deretsong tumingin ako sa target board ko at binanat ang string ng aking bow, nang makuntento ay tsaka ko na pinakawalan ang arrow at lumipad iyon patungo sa target ko pagkatapos ay tumama sa center ng target board. “Not yet,” mahinang sambit ko kasunod nang pag lagay ko ng arrow sa aking bow tsaka binanat ulit iyon pagkatapos ay pinakawalan ang arrow, tumama ulit iyon sa center ng target board. “Not yet,” I whispered again. Inulit ko ang ginawa ko kanina tsaka tumama iyon sa gitna ng target board ko, “N-Not yet.” Nararamdaman ko na ang panghihina ng aking braso't kamay pero ininda ko lang iyon. I bit my lower lip pagkatapos ay pinakawalan ang arrow, sa pang-apat na beses ay tumama ulit iyon sa center ng board. Nilagay ko na ulit sa aking bow ang panibagong arrow at handa nang tumira pero natigilan ako nag may makita sa pheripheral view ko, mabilis na nilingon ko iyon. Mula sa dilim at sulok nitong gym ay nakita ko si Cal na pinapanood ako, kung kanina ay mabilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba ay napalitan naman ito ngayon ng kakaiba na feeling. It was like there's a butterfly on my stomach nang maisip ko na pinapanood niya ako. His sky blue eyes is telling me that I can do this, na naniniwala siyang mananalo ako dahilan para magkaroon ng lakas ang kaninang nanghihina ko na mga braso't kamay. Seryoso na binalik ko ang aking paningin sa unahan kung nasaan ang target board ko at parang magic na tila lumapit sa akin ang target board, nakita ko ang tuldok sa pinaka-gitna ng target board at may tama na iyon ng isang pana. Binanat ko ang string ng bow tsaka malalim na bumuga ng hininga, nang makasigurado at makuntento ako ay pinakawalan ko na ang natitirang arrow tsaka pumikit ng mariin. When I opened my eyes I was surprised, nahati sa gitna ang pana dahil sa huling pana na pinakawalan ko ngayon. That means nasa pinaka gitna talaga siya ng target board ko, nang tumingin ako sa board point ay nakita ko na nagkaroon ako ng anim na puntos dapat hanggang limang puntos lamang iyon pero dahil sa huling tira ko ng pana ay nagkaroon ako ng isa pang puntos kaya naging anim na puntos. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Vincent at sa target board niya, lahat ng pana niya ay tumama sa gitna ng target board niya pero ang puntos na nakuha niya ay lima. Imbis na nakatingin siya sa target board niya ay tulala siya sa target board ko. Nilipat ko ang paningin ko kay Cal na nakasandal sa pader at nakita siyang nakangiti, ang mata niya ay puno ng pagkamangha at saya. That's the first time that I felt my heart melt. Nang tumingin naman ako sa paligid, they are all shocked at what happened. Lahat sila ay napasinghap at hindi maproseso sa utak ang resulta ng laban namin dalawa hanggang sa umalingaw-ngaw ang sigaw ni Nyx, tumayo pa talaga. “WOOHH! YOU DID GREAT, NISHA! YOU'RE THE BEST!” sigaw nito habang pumapalakpak kasunod nang pag ingay rin ng crowd at ang saya nila sa resulta ng laban namin, I can hear their praises from where I am standing. I love attention pero mas gusto ko na pinupuri ako kaya tinaas ko na ang dalawang kamay ko. “WOOHH! WE DID IT!” masayang sigaw ko. To be continued!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD