NARAMDAMAN ko ang pag lapit sa akin ng mga kasamahan ko at ang mga papuri nila natigil lang kami nang lumapit sa amin ang nakalaban namin.
“That was a good game,” ngiting sambit nila at nakipag kamayan sa amin. “Congrats!” tumango ako sa kanila at ngumiti tsaka nakipag kamay.
“Congratulation. Perhaps the rumors about you isn't true,” nasa harapan ko ngayon si Vincent at nakipag kamay rin sa akin.
“No. That was half true,” natatawang sagot ko.
Natapos na ang laban namin, may mga staff na naglilinis nang gym para sa mga susunod na maglalaro which is ang basketball.
Nyx congratulated me at kinulit pa ako na manood sa laro niya pero tinanggihan ko siya at galit na tinaboy siya dahil hindi ko nakakalimutan ang sinabi niya sa cafeteria, hindi man lang nag sorry ang hudas.
Natapos ang sportsfest at nanalo rin ang team nila Nyx, lahat ng sports ay napanalunan ng school. Kung sa reyalidad lang ito ay imposibleng walang talo ang school kapag sportsfest, imposibleng lahat ay napanalunan ng school.
Ambisyosa talaga si author pero sa bagay kung sinusulat niya lang rin naman ang story na ito ay talagang papabonggahin na niya, plus one kay author.
Natapos ang sportsfest at nag celebrate kinabukasan ang school kaya walang pasok, buong mag damag lamang na nag party dito sa school at kumakain kaya naman nasiyahan ako dahil hindi ko maririnig ang pagdakdak ni Sir Flamingo kahit isang araw man lang.
DUMAAN ang isang araw at pasukan na naman, ilang beses ako inaapproach ni Nyx pero syempre hindi ko siya pinapansin dahil nga galit pa rin ako sa sinabi niya sa akin noong mga nakaraan.
Breaktime na at isang minuto ako na naglalakad lang hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa likod ng library, dahil tapos na ang sportsfest ag naalala ko na naman ang sinabi ni Nyx noong nakaraan sa cafeteria.
Bakit sa tuwing nasa cafeteria ako ay lagi na lang may eksena at sa tuwing matatapos ang eksena ay lagi na lang ako ang lumalabas na masama? Haaa...I forgot this is what the author wants, I am the villain here. Meron na ba kayong nabasang villain na maganda ang reputasyon at mabait sila? Wala, bwisit na author.
Why do I have to be the villain?! Puwede naman ako maging extra na lang or supporting character, sa dinami-dami ng character na puwedeng ibigay sa akin ay villain pa.
Tsk! Akala ko tanggap ko na villain ako dito sa novel pero may koonting part pa rin pala sa akin na hindi iyon matanggap, maraming hassle sa pagiging kontrabida.
Perfect role man iyon dahil sa malakontrabida kong tawa ay hindi pa rin makatarungan iyon para sa akin, hayop na author.
Samantalang no'ng sportsfest tuwang-tuwa sila sa akin dahil ako daw ang MVP ng archery pero ngayon parang walang nangyari at back to usual na naman sila na kinaiinisan ako, natural na siguro iyon dahil villain ako dito sa novel.
“Haaahh!”
The nice breeze of the air is making me calm. I really love this place.
Natigil ako nang may marinig na foot steps, nag mula 'yong sound sa likod ng malaking puno kung saan rin nagtatago noong nakaraan si Cal.
“Cal? Are you there?” pinaliit ko ang mata ko para matignan nang maigi ang likod ng puno, tsaka lang ako napangiti nang may makita na anino ng lalaki doon sa puno.
I am sure it's him, I don't know why but I feel comfortable when he's around me.
Komportableng sumandal na ako sa bench tsaka tinaas ang piningin ko sa langit, may mga birds na lumilipad. Hindi rin masyado mainit ngayon, katamtaman lang ang temperature ngayong araw kaya naman mas lalong feel ko ang hangin na tumatama sa akin.
“Alam mo ba may hudas na umaway sa akin no'ng nakaraan?” sumimangot ako at napanguso habang inaalala ang mga sinabi niya. “He said, I should fix my attitude and be like Soleil kaya nagalit ako. Gusto ko siyang hampasin at sabihin na hindi ako si Soleil. I am Nisha Zelenia, you know.”
I feel stupid, nagrereklamo ako sa kaniya baka hindi naman siya interesado sa pinagsasabi ko. Mukha ba akong childish na ginagawang big deal ang sinabi ng hudas na 'yon? Kasi naman ayoko talaga nang pinagkukumpara ako.
“Did you know Soleil?” I waited for his reply, hindi siya sumasagot kaya nag salita muli ako. “Hmp! Stop ignoring and avoiding me, you're making me feel even worse yah---”
“N-No, I-I don't know her.”
Fnally! Nag salita na rin siya, ang ganda talaga ng boses niya. So manly.
“Pfft! You're strange, sikat siya sa mga lalaki!” hindi ko napigilan ang matawa.
Ilang araw pa lang siya pumapasok dito sa school pero sikat na agad siya, hindi lang sa mga lalaki kun'di pati na rin sa mga babae. The fact that he doesn't know her is what makes me like him.
“Maganda siya, sweet, inosente, kind. Every men likes her,” bumaba ang paningin ko sa naglalarong daliri ko.
Sa totoo lang naiintindihan ko kung bakit lahat ng lalaki ay may gusto sa kaniya. She's perfect, every man's dream. Not that I envy her, I'm just admiring her. Kahit rin naman ako ay namamangha sa kaniya.
“R-Really? Sikat siya? Then why don't I k-know her?” his face looked puzzled. That makes me laugh even more, mukhang wala talaga siyang interes kay Soleil.
“But I think you are more gorgeous than her.”
Anak ka ng pating! 'Wag mo nga ako pakiligin ng ganiyan, busit! Mabilis pa naman din ako mahulog sa mga mababait sa akin. Lahat ng mga nasa paligid ko ay minamata na lang ako palagi, pero iba siya. I never saw judgement in his eyes whenever he's looking at me, that's why I think he's kind.
“H-Hindi sa pinagkukumpara ko kayo p-pero kasi...a-ahhh....
w-what am I g-going to say again? W-Whatever,” agad siyang nag panic nang hindi ako mag salita.
“Praise me more,” hindi ko mapigilan ang sarili ko na kiligin. His sincere sweet talk is making me flustered, I feel the sincerity in every words he say. “Alam mo bang maraming nagsasabi na bad ako? What do you think?”
“O-Oo nga,” nawala ang ngiti at kilig ko, napalitan iyon ng sama ng mukha dahil sumangayon siya sa sinabi ko. “You are a mean girl, evil, psycho, witch, savage, spoiled brat, and narcissistic.”
My hand clenched because of what he said. Enough, you little bastard.
“But I guess that's just who you are. Everyone has flaws and imperfections and they are all trying their best to hide it but you show who you truly are, you are real and that's what makes you even more beautiful.”
W-What the hell? T-Too much fluttery! How can he say that with sincerity and full of sweetness?!
Sikat nga talaga yata siya sa mga babae, this little bastard.
“W-Wha-What the hell am I saying? Sorry, I-I should go---”
“N-No, wait!” tumayo ako at nag lakad papunta sa kaniya, malapit na ako pero agad siyang nag salita.
“N-No! Huwag ka lumapit s-sa akin.”
“Bakit? C'mon! I want to see you,” balak ko na humakbang nang makita ko na umatras siya.
Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil sa hood na suot na naman niya.
“Hey, look at me!”
“I said don't come close to me,” malakas at madiin na niyang sambit kaya nguso ako na tumigil sa pag hakbang.
“Bakit ayaw mo ba na lumapit sa akin? No'ng nakaraan nag cutting ka, ssg officer ka pa naman din. Hindi ka rin pumasok ngayong umaga at nag simula lang ang pag absent mo noong tumabi ako sa'yo! It's as if you are avoiding me, wala naman ako nakakahawang sakit.”
Nakakasakit na siya ng damdamin ah, huhu.
“Tsk!” nanlaki ang mata ko sa asik niya. Am I annoying him?! How dare he tsked me?! “Alis na ako.”
“W-What?! No!” hahabulin ko na sana siya pero ang bilis niyang tumakbo, hindi ko na siya naabutan.
Saan na naman kaya pupunta ang damuhong iyon?! Pa-chicks siya, gustong magpahabol. Parang nagmumuka na tuloy akong si Nisha na bumubuntot kay Haru, ang pinagkaiba nga lang namin ay desperada ako na makausap si Cal.
Bakit lagi na lang siya nasa tabi ko pero parang ang layo niya? Sa tuwing lalapitan ko siya ay tumatakbo siya palayo, sa tuwing kakausapin ko siya nauutal siya, hindi rin siya makatingin ng deretso sa mata ko. Wait! Don't tell me he's shy?! My gahd, how cute! Maybe siya 'yong tipo nang lalaki na mahiyain, kailangan kong maalis ang hiya niya and I need to make him comfortable with me.
“Oh? There you are, Nisha!” kumunot ang noo ko nang makarinig na babaeng boses.
Are there any girls that are close to Nisha? How can she call my name with a friendly voice? Sa pagkakaalam ko ay lahat ng estudyante ay takot sa akin kaya naman nilalayuan nila ako.
Naglakad palapit sa akin si Lorraine with her alipores, tumaas ang isang kilay ko sa todo kembot nila habang naglalakad.
“I've been looking all over for you! Why the heck are you here?!” I can sense a maldita in her voice.
Sanay na siyang kontrolin si Nisha kaya naman malakas ang loob niyang mag maldita sa akin, feeling niya mas nakatataas siya kay Nisha dahil nakokontrol niya ang bobang Nisha na 'yon. Nagrereyna-reynahan siya sa school because she is always on her side, lumalaki na ang ulo niya ah.
Before I use her, I should let her know who's in the upper hand first. Bago pa lumaki lalo ang ulo niya ay sisimulan ko na ngayon.
“Why does it matter to you where I am? Are you my P.A? P.A means punyetang alalay,” kumunot ang noo niya. “You can apply to me, five hundred thousand every month.”
“F-Five hundred thousand a month?!” gulat na asik niya.
“So? Gusto mo ba na mag apply o hindi?”
“N-No thanks,” bakas ang pagkainsulto sa mukha niya.
“Bakit mo ako hinahanap?” sumandal ako sa bench at pinagkrus ang aking kamay at paa, uupo na sana siya sa tabi ko kaya nag salita aagad ako. “I didn't give you my permission to sit beside me,” in short huwag ka feeling close.
“A-Ah sorry.”
“You can sit now,” peke ako na ngumiti sa kaniya, sinunod naman niya ako at naupo agad sa aking tabi.
“I need to tell you something,” bumaling siya sa mga alipores niya at senenyasan na umalis kaya dumistansya sila sa amin, naupo sila sa bench.
Dahil nabasa ko na ang novel na ito ay alam ko na ang mga sasabihin niya, sisirain niya ang image ni Soleil sa akin para may back up siya sa tuwing maghahamon siya ng away sa kaniya.
“Do you know Soleil?”
To be continued!