CHAPTER 13

1388 Words
ITO na siguro ang simula ng paninira niya kay Soleil sa akin. “No, who is she?” sinabi ko kung ano ang linya na sinabi ni Nisha sa novel. “I saw her flirting around with boys but this time she's flirti---” “Mag tagalog ka.” “O-Okay, nakita ko siyang nilalandi ang lahat ng mga lalaki dito sa school. Sa una hindi ko iyon pinapansin but this time si Haru naman ang nilalandi niya.” Hah! She's like a devil na bumubulong sa akin para gumawa ng masama. “Kung nakita mo lang kung paano niya nilalandi si Haru! She's clinging into him, nagkakaroon na rin ng rumor na in a relationship sila!” “Really?! No way,” kung magaling siya um-acting ay sasabayan ko siya. Nakita ko ang tagong pag ngisi niya. Gaga, naniwala naman siya sa acting ko. Siguro kung ako si Nisha ay baka nag histerikal na ako but I am not Nisha, your tricks won't work on me Lorraine. “That b***h! How dare she lay her hands on what's mine?! I will rip every girl who touch what's mine, got that?!” masamang tinignan ko si Lorrain, nakita ko siya na napalunok ng matindi dahil sa sinabi ko. “Haru is mine!” malakas kong sambit. He likes Haru, kaya naman plano niyang pag-awayin si Soleil at Nisha sa pag-iisip na makukuha si Haru kapag nangyari iyon. “Exactly! I already warned her but she doesn't listen to me and that Yannah stopped me, you need to teach them a lesson Nisha!” “Bitch.” “Yeah! She's a b***h---” “No, I am talking about you. You're the b***h,” natigilan siya sa sinabi ko at naguguluhan na tumingin sa akin, I can feel her trembling in fear when I glare at her. “Anong karapatan mo na kumilos nang wala ang pahintulot ko?” “N-No, you're w-wrong. I-I'm just---” “I am wrong?” “N-No, I-I mean...” “You said you already warned her, and without my consent? Lorraine, looks like you are forgetting something,” tumayo ako at kinuha sa bulsa ko ang aking favorite pen, lagi ko iyon dala para na sa mga katulad niya. “Alipores lang kita Lorraine. I am your superior and you are inferior to me, know your place.” “AHHH!” napasigaw siya sa gulat nang isaksak ko ang pen na hawak ko sa tabing inuupuan niya. “Hah! Dumaplis,” parang baliw na tumawa ako habang siya naman ay nanginginig na sa takot. “Huwag kang kikilos nang wala ang utos ko, naiintindihan mo?” “Y-Yes,” kung hindi ko siya tatakutin ay magpapatuloy siya sa gusto niya at kung hindi ko ito ginawa ay baka kokontrolin niya rin ako katulad ng pagkokontrol niya kay Nisha. Bumalik na ako mula sa pagkakaupo ko at nginitian siya. “Why are you trembling? Relax!” tumawa ako ng maloko habang pilit naman niyang tinatago ang kaniyang takot. “About Soleil, let me handle her first. Huwag kang gagawa ng hakbang nang walang pahintulot ko.” “Y-Yes...yes.” “If you understand don't do anything stupid.” “Ye-Yes, I promise you!” “Iyon lang ba ang gusto mong sabihin?” “Yes, t-that's all.” “Then get lost. I don't want to see your stupid face,” tumango- tango siya at agad na tumayo tsaka lumapit sa mga alipores niya. Tumaas ang isang kilay ko nang may makitang babae na kasama nila, siya 'yong babaeng nerd na lagi ko nakikita. Siya lang ang naiiba sa mga kasama niya, halos lahat sila ay makakapal ang make up at mga revealing ang uniform pero ang babae na iyon lang ang naiiba sa kanila, she's lame. I thought dahil sa sinabi ko sa kaniya ay gagawa na siya ng paraan para mapatigil sila Lorraine sa pangbu-bully sa kaniya. “Wait.” “Y-Yes? D-Do you n-need anything, Nisha?” “I don't need you, stupid. I am calling that lame nerd girl,” tinuro ko 'yong nerd. Mukha siyang manang dahil ang haba ng uniform niya hanggang tuhod, siya siguro ang panibagong pinagtitripan nila Lorraine. Lahat ng dalahin nila ay siya ang pinaghahawak. Panibago nilang slave. ”Leave her to me,” dugtong ko. Tumingin silang lahat sa babae, tila nagtataka kung ano ang balak ko. “Sure, you can have her Nisha,” ngising sambit ni Lorraine. Tinulak ng isa sa mga alipores niya ang babae papunta sa akin dahilan para mawalan ito ng balanse at napaluhod sa aking harapan, ngising lumuhod rin ako para mag pantay kaming dalawa no'ng lame na babae then I grab her chin to take a look closer to her face. She's actually beautiful pero dahil nahaharangan nang mahaba niyang buhok ang kaniyang mukha ay walang nakakapansin sa ganda niya. “She is stupid lame nerd, but she's useful when it comes to giving her an errand. You can order her around, Nisha.” How many times did she call my name? As if we're close. Bumaling ang paningin ko kay Lorraine at minasamaan siya ng tingin dahilan para mawala ang ngisi sa kaniyang labi, napababa rin ang paningin ng mga alipores niya para maiwasan ang masamang tingin ko. “Don't call my name with that filthy mouth of yours,” tumikom ang bibig niya dahil sa takot sa akin. “Umalis na kayo, hindi ko kayo kailangan.” Agad silang tumango at nag lakad na paalis, naririnig ko pa ang mga bulungan nila. “Anong gagawin niya sa nerd na 'yon?” “She will probably become her slave.” “Hey, what's your name?” Ramdam ko ang panginginig niya sa takot. I realized na hawak ko pa rin pala ang chin niya kaya bumitaw na ako at tumayo na. “C-Chelsy Perez.” “I am Nisha Zelenia. I always treat everyone the same treatment they give me. I am bad to those who are bad to me, and I am good to those who are good to me.” Kung sasabak ako sa gera ay kailangan ko ng loyal sa side ko. Sapat na sa akin kahit isang loyal lang, one loyalty is more than one thousand soldier. “Iyon lang ang kailangan mong tandaan kung gusto mong maging payapa ang school-life mo.” “A-Ano ang ibig mong s-sabihin?” I know how hard Lorraine treated her. Sinusumpa na niya ang school dahil sa mga estudyanteng pumapasok dito, everyone treated her like a trash. “Stay loyal to me and I won't treat you like how they treated you, stay by my side and you will have a peaceful school-life.” It's a win-win situation, loyalty mo kapalit ng kapayapaan at kasiyahang hinahangad mo. “Kahit na mahirap lang kami ay nagkaroon ako ng scholarship dahil sa utak ko pero pag pasok ko dito ay binati nila ako ng itlog at harina,” nakagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang sarili na umiyak pero umalpas pa rin ang luha sa kaniyang mata. “Trinato nila ako na parang basura pagkapasok na pagkapasok ko pa lang dito, parang ako mismo ang bacteria dahil nilalayuan ako ng lahat!” I saw her clenched her hands in madness while crying, minsan sa galit mo mapapaiyak ka na lang talaga. But what the hell?! I don't like seeing someone crying in front of me. “Lahat ng pumapasok dito ay mayayaman, mahirap lang ako pero alam ko na kaya kong makipagsabayan sa lahat kung talino lang rin naman ang pag uusapan.” “I just wanted peace, I know you can give it to me. You are powerful and everyone's following you,” she held my feet. “Yes, but I want your loyalty in return.” Puno ng kaplastikan ang mundong ito, lalo na dito sa school. Mamamalayan mo na lang na sinaksak ka na pala ni Lorraine sa likuran, kaya I need a loyal person. “T-Then I swear my loyalty to you,” she looked at me with full of determination that made me smile. “You know you are making a contract with a devil, right?” “Bring it on.” “Then stand up, Chelsey. From this day onward, you're my right hand.” To be continued!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD