LUCAS "LUKE" BELMONTE Andito ako sa labas ng Laundry shop namin ngayon, nakatingin lamang ako sa kalangitan. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Si Emerald tumatawag... "Hello?" Pagkasagot ko ng tawag niya ay agad naman akong bumati sa kanya. "Luke? Hello? Magkasama ba kayo ni Amber?" Sabi nito. "Hindi eh. Bakit?" "Si Dan. Nandito sa condo ko, naiinip na kakahintay. Nag usap daw sila ni Amber na magkikita ngayon pero hindi man lang daw sumasagot sa mga tawag o text niya." "Sige subukan ko nalang hanapin." Sa isip isip ko ay baka nasa bar iyon na malapit lang din dito sa'min. Susubukan ko nalang siyang puntahan doon. Makalipas ng ilang minuto ay nakita ko nga siya doon sa bar na iyon, halatang lango na ito sa alak. Tinitignan ko siya mula sa malayo. Halatang nakiki

