LUCAS "LUKE" BELMONTE Busy nanaman kami dito sa laundry shop sa dami nanaman ng nagpapalaba sa'min. Unti unti kahit papaano, naiiwasan ko ng maisip yung nangyari. Nakakapag relax na din ako dahil ilang araw na din tahimik ang buhay ko. Kahit ang Montefalco sisters ay hindi rin ako ginugulo. Narinig ko nalang na may nagbukas ng pinto. Babatiin ko na sana ang pumasok na customer ng mabungaran ko kung sino ang pumasok. Alam ko na si Amber 'to. Nang nasa counter na siya ay bigla niyang hinubad ang hoodie na suot niya. Naka shades at mask ito para di mo mahalatang siya. "Bakit ka nandito?" Agad na tanong ko sa kanya. "Paano kung makita ka dito ng mapapangasawa mo?" "Stop calling me that. Hindi ako magpapakasal sa kanya." Inis na sabi niya. "Ano nga ginagawa mo dito?" "Pwede ba tayo

