AMBER GRAY MONTEFALCO Nagdadrive ako ngayon, sobrang frustrated ako sa parents ko. Ano bang ginawa ko sa kanila? At ganoon ang trato nila sakin. Habang malalim ang iniisip ko ay bigla nalang may nakita akong tumawid, saka ako bumalik sa ulirat at agad agad kong tinapakan ang preno, mabuti nalang at naka seat belt ako, kung hindi ay malamang sa malamang ay nakasagasa na ako. Aktong pumunta yung babae na muntik ko ng masagasaan sa direksyon ko. Kinatok ang windshield ko. "Alam mong tatawid ako bakit hindi ka huminto ha?" Inis na sabi nito. Hindi ako nagsalita dahil wala ako sa mood. Hindi ko din tinitignan yung itsura niya dahil wala ako sa mood makipag usap kung kanino man. "Hoy, magsalita ka." Mas lumakas ang boses nito, dahilan para mapalingon ako. It was Luke, yung nakita ko sa L

