EMERALD ROSE MONTEFALCO
Nagpasya akong pumunta kay Luke dahil alam niyo naman na crush ko siya diba? Sasabihin ko din sa kanya yung about sa Beach Party for next week end.
Nang makababa ko sa kotse ko ay aktong nahagip ng mata ko si Luke. Nagpasiya akong magtago sa katabing poste ng Waiting shed.
Nang malagpasan niya na iyon ay dahan dahan akong sinundan siya mula sa likod. Hindi niya pa din ako napansin kaya agad ko siyang kinalabit.
Aktong napalingon ito. "Emerald?" Sabi nito habang mariing nakatitig sakin. Halatang hindi niya inaasahan ang pagpunta ko dito.
"Hi Luke!" Masiglang bati ko sa kanya dahil na din sa nakita ko na siya ay kumpleto na ang araw ko.
Aktong sinabayan ko na siya sa paglalakad.
"Amm... Luke?" Sabi ko. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung papayag siya na sumama sakin.
"Ano yun?" Sabi nito sabay lingon sa direksyon ko, nang tumingin ito sa akin ay di ko mapigilan ang kiligin, deep inside kinikilig ako! OmyG!
"Ahhhh----Ehhhh----Anooo..." f**k! Get back to yourself Emerad! Speak out! My gosh!
"Okay ka lang?" At aktong mailis na hinawakan niya ang noo ko to check if my fever ba ako or what which I find sweet. Oh gosh! My heart!!! Please, wag ngayon. Di ako makahinga!
"Nagbablush ka." Sabi ni Luke at halos matunaw ako sa kung paano niya ako tignan. Sure ba talaga to? As in? Nangyayari 'to?
"Ahhh Luke, k-kung pwede ka s-sana sa w-weekend for..." At dahan dahan akong muli tumingin sa mga mata niya. Shemay! Bakit ganito? Ang lakas ng epekto niya sakin.
"Hmmm... Anong meron sa week end?" Takang tanong nito.
"Ahh--- ano... Amm birthday namin ng Twin sister koo----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Hmm... Yung si Amber ba ang tinutukoy mo?" sabi nito habang inaabangan ang sagot ko
"Ahhh---O-oo." Sagot ko, ewan ko ba bakit ako kinakabahan.
"Hmm.. Magpapaalam muna ako sa Nanang ko. Saan ba gaganapin yun?" Nakatitig lang siya sakin. Siguro ito yung dahilan kung bakit ako natetense kausapin siya.
"Hmm... Sa batangas." Sagot ko, hindi ako makatingin ng derectho sa kanya.
"Sige, susubukan ko." Tugon niya saka ito patuloy naglakad papasok sa Shop.
"Ammm... Luke? Hmm... I got to go. Uuwi kami ni Amber sa Mansion ngayon, sure kasi na hinihintay na niya ako ngayon sa condo." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Dinadivert ko yung sarili ko, alam kong magpahanggang ngayon ay tense pa din akong makipagusap kanya.
"Ah ganun ba? Magiingat kayo sa daan ha?" sabay ngiti. s**t! Kita ko yung pag singkit ng mata niya kapag ngumingiti, yung pangil niya sa bandang kanan at yung dimples niya, shemay!
Hindi ako nagsalita at lumapit ako sa kanya, hinalikan ko siya sa pisngi at dali dali na akong naglakad patungo sa kotse ko na nakapark lang sa tapat ng shop nila.
Pagpasok ko sa driver's seat. Agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin.
SOBRA AKONG NAMUMULA! OMYG!
Huminga ako ng malalim. Kalma Emerald. Okay? Kalma!
Seriously, hindi ako ganito sa babae noon. Napakalakas ng epekto ni Luke sakin. The way she move, the way she look at me, the way she smile at me. Fvck! So gorgeous, grabe. Simple gestures lang napapakilig na niya ako, knowing na hindi niya alam ang nararamdaman ko para sa kanya.
Hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko indikasyon na pinapakiramdaman ko yung sarili ko.
Sa mga oras na ito ay naririnig ko yung mga pagtibok ng puso ko. Yung tipong nagrarambulan ng sobra yung paro paro sa tiyan ko.
I think I like her...
-----
AMBER GRAY MONTEFALCO
Simula ng masilayan ko ang mukha ng nagngangalang Luke na iyon ay hindi na siya mawala sa isip ko. Ano bang meron ang babaeng yon? Why is she bothering my brain? Yung mga diskarte ko sa babae ko unti unti ng nasisira.
I took a deep sigh... Nakaupo ako dito sa leather couche ni Emerald sa unit niya. I'm just waiting for her to return dahil nagpaalam na may dadaanan lang daw siya. I wonder if kung sino ba ang babae/lalaking piupuntahan niya. Lately kasi, napapansin ko na ang pagiging masigla niya sa lahat nga bagay, mas nagsipag pa siya sa pagaaral at naging sweet sakin. Well, kung sino man siya pinasasalamatan ko siya, kasi pinaglulutuan ako ni Emerald araw araw. HAHAHA
Isinandal ko ang ulo ko sa bandang sandalan ng upuan at tumingin sa kisame, ipinikit ko ang mga mata ko at naalala ko nanaman yung nahalikan ko noong nakaraang gabi. Doon mismo sa Laundry shop na iyon.
Habang iniisip yun ay di ko namalayang napahawak na ako sa labi ko. Ano naman kaya ang ibig sabihin nito? Marami na akong nahalikan na babae pero yung halik na yun, may kakaiba talaga sa halik na yun.
Biglang nagbukas ang pinto at inuluwa noon si Emerald.
"Sis, tara?" paganyaya niya. Uuwi kami sa Mansion dahil namimiss na daw kami ni Mommy at Daddy.
If I know, si emerald lang naman ang gusto nilang makita hindi ako.
****
Nagbabyahe na kami ngayon papunta sa Mansion, it will take 1 hour and 30 minutes bago kami makarating doon. Sa bulacan kasi yung mansion kaya sana walang traffic. Eksaktong dinner andoon na kami.
Habang nagmamaneho si Emerald dahil kotse niya ang dala namin, nagstart ako ng conversation.
"So, sinong dinaanan mo kanina?" tanong ko habang mariing nakatingin sa kanya.
Hindi siya nakasagot agad subalit nahalata kong unti unti siyang namumula.
"Are you blushing sis?" sabi ko at aktong natatawa tawa pa ako.
"You are so mean to me Gray, I hate you." Pagmamaktol niya. Nakakatawa talaga siya pag nagiisip bata.
"So nasabihan mo na ba yung date mo sa celebration natin next weekend?" Aktong tanong ko sa kanya.
"Y-yeah... Hmmm sabi niya sususbukan niya kung papayagan siya." Sabi nito habang hindi ako nililingon at aktong nakatingin lamang siya ng deretcho.
"He must be special." Sabi ko at aktong tumingin akong muli sa direksyon niya.
"Amm... actually she siya." Pag amin niya. At nagblush nanaman siya kapag nababangit ang misteryosong babaeng iyon.
"You must be serious about this girl huh?" Sabi ko at aktong tumingin na akong muli ng deretcho.
"Yeah, siguro nga." At parang baliw na ngumiti. HAHAHA hay nako. Iba talaga pag nagseryoso ang Montefalco twin sisters.
****
Makaraan ng ilang oras na byahe ay saktong 7:30 pm nakarating na din kami sa wakas sa Mansion.
Automatikong nagbukas ang malaki at mataas na gate ng Mansion.
Iniabante pa ni Emerald yung sasakyan at itinapat sa may pinaka main door. Aktong bumaba na kami at sinalubong kami ng Valet service dito sa Mansion. Yes, para kaming mala hotel dito.
"Good evening lady Amber, lady emerald." Sabay yuko ng head butler namin na si Sergio.
"Magandang gabi din Sergio, sila Dad po?" Tugon ni Emerald.
"Nasa Dining area po sila at hinihintay po kayo. Sumunod po kayo sakin." Paanyaya ni Sergio.
Nang makarating kami sa Dining Area ay laking gulat ko nalang na makita ang mesa. Parang may fiesta sa dami ng pagkaing pinahanda nila Dad at Mom.
"Mga anak! Nariyan na pala kayo..." Magiliw na bati ni Mommy sa amin at aktong tumayo na din si Daddy.
Nakipag beso beso samin si Mom at parehas kaming binigyan ng yakap.
Nakaupo na kami sa Dining, as usual magkatabi pa din kami ni Emerald sa upuan.
"So how's school Emerald?" aktong tanong ni Dad habang hinihimay yung steak.
"Hmmm... So far it was good Dad. Maayos naman po ako, tsaka maganda naman ang pagtuturo sa St. Vincent University." Sabi nito, si emerald kasi ang cheerful saming dalawa.
"What a good news..." halata sa boses ni Dad ang pagkatuwa.
"Ako ba di niyo man lang tatanungin?" tanong ko.
Biglang nawala ang ngiti ni Dad. "Ano naman ang maibabalita mo sa amin gray?" Malamig na sabi nito.
"Bakit ba kayo ganyan? Si Emerald lang ba ang anak niyo?" Inis na sabi ko, halos mabali ko na yung kubyertos na hawak ko sa sobrang inis.
Hindi sila nagsalita ni Mommy. "Nawalan na ako ng gana..." Sabay padabog na umalis.
"Gray..." naramdaman ko yung paghawak sa braso ko ni Emerald.
Hindi ako nagpapigil, talagang binitawan ko ang pagkakahawak ni Emerald sakin at aktong naglakad na palayo.
Ano bang nagawa ko? Ano bang maling nagawa ko kila Dad? Why did they treat me this way na parang hindi ako parte ng pamilyang ito.
I want to be alone. Tinawag ko yung valet service at nagpakuha ng isang kotse. I'm gonna go back to manila.