Chapter 8

1383 Words
AMBER GRAY MONTEFALCO Nalalapit na ang weekend, na kung saan kaarawan na namin ng kambal kong si Emerald. Narito ako ngayon sa pad ni Emerald dahil Sunday naman. Wala kasing magawa ngayon, hindi ko din macontact ang mga babae ko dahil mga busy na sila sa mga work nila. "Any plans for today sis?" tanong ko habang nakaupo sa couche niya. Gustong gusto ko talaga ang Ambiance ng unit ni Emerald. "Well, hmmm. Wala naman. Ikaw?" Balik natanong niya sakin. "Wala din. Hayy... Ay sis, may alam ka bang laundry shop na malapit dito satin? Magpapalaba sana ako." Sabi ko habag nahigop ng ginawa niyang coffee para sakin. "Amm.. Meron. Sa bubble's laundry malapit lang yun dito sa condo. Bakit?" takang tanong niya. "Papalaba sana ako ng mga damit ko, puno na yung labahan ko e. Umuwi kasi si Manang belle sa probinsya diba?" Sabi ko sa kanya. "Okay, gusto mo samahan na kita doon?" ngiting sabi niya. Aba't mukhang may something sa laundry shop na yun ha? "No sis, I got this okay? Ipagluto mo nalang ako." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. "Psh. Kaya gustong gusto mo magstay dito no?" Iritableng sabi nito. Nag pasya na ako na pumunta sa Laundry Shop ng maaga para makuha ko agad yung mga damit. Sinabi sakin ni Emerald yung exact address ng lugar saka pinuntahan ito. **** Wala pang 30 minutes ay nakarating na ako sa Laundry Shop na sinasabi ni Emerald. Mukhang pamilyar ang lugar na ito sakin. Sinimulan kong ikutin ang mga mata ko sa lugar. Pati na din doon sa waiting shed, na kung saan nangyari yung insedenteng nagkahalikan kami ng isang estraherang hindi ko din mamukhaang magpa hanggang ngayon. Pumasok na ako sa loob ng shop at binati naman agad ako ng staff nila doon, may kaliitan ang Laundry Shop nila pero maganda naman ito tignan at saka simple lang ang ayos. "Good Morning----" Napatigil yung babae nung makita ako. "What?" Mataray na tanong ko. "W-wala po Ma'am may kamukha lang po kasi kayo." Sabi nito na halatang nahihiya. "Ahhh, my twin sister? Emerald?" Sabi ko sabay ngiti doon sa babae para mawala yung tensyon na nararamdaman niya. Ano ba yan magpapalaba lang naman ako ng damit may ganitong eksena pa. Nang biglang may narinig akong boses na nang gagaling sa loob. "Rina, sino yung dumating?" at aktong may niluwang isang babae. Nanlaki ang mga mata ko, maganda siya, tama lang ang height, boyish type at simpe lang manamit. Nakacheckered polo ito at may suot siyang itim na sando sa loob. Naka messy bun ang buhok niya na lalong bumagay sa suot niyang damit. Ang cool niyang tignan. *_* Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya ng matagal. "Ma'am? What can I do for you?" Malumanay niyang sabi. "Ahhh---ehh. I just wanna have my Clothes to get clean." Nahihiya kong sabi. I know, I know, nakakahiya ako ngayon. "Amm... Depende po kasi sa kilo ng ipapalaba niyo." Sabi nito habang may sinusulat sa isang papel. Oh Gahd. She's so damn cool the way she speak and the way she move. "I-I'm gonna get my Laundry on my car." Sabi ko at dali dali na pumaroon sa pinto. "Tutulungan ko na po kayo." Pagaalok niya at sinabayan ako sa paglalakad. Nang makarating kami sa kotse ko ay agad ko namang binuksan yung compartment ko at aktong kinuha ang dalawang malalaking bag ng damit. Binuhat niya yung isa na para siyang kargador sa Pier. Oh f**k, kung papaano niya bit bitin yung bag ay napaka cool at astig! This boyish girl is so attractive to me. Seriously, ngayon lang ako na attract sa ganitong klase ng babae. Mostly ng mga nagiging girlfriends ko ay may class at high fashioned kung manamit pero siya? Napakasimple at hindi man siya girly kung kumilos pero ang astig astig niyang tignan. Pagpasok sa loob ay agad kaming tinulungan ng isa pang babae na kanina ay nasa counter at nagbabantay. "Pwede niyo na po munang iwan dito yung mga damit niyo Ms?" Tanong nung babae. "Amber... Amber Gray Montefalco." Sabi ko sabay ngiti. Aba syempre kailangan kong magpacute doon sa babaeng boyish na yun. "Okay po Ms. Amber, ikikilo muna po ni Luke yung mga damit niyo. Kung gusto niyo na pong bayaran ngayon ay okay lang naman po, pwede din naman pong----" biglang huminto sa pagsasalita yung babae dahil bigla akong nagsalita. "Babayaran ko nalang pagbalik ko dito. Kailan ko ba makukuha yung mga clothes ko?" sabi ko habang mariing nakatitig sa kanya. "Idedeliver nalang po ni Luke kung sakali. Mag tetext nalang po kami kung kailan niyo po pwedeng makuha." Sabi niya habng nagsusulat. May inabot sa akin yung babae na form na kailangan ko daw pirmahan in case daw na may emergency man ay icocontact daw nila ako. Bago ako umalis ay aktong may tinanong ako sa babae. "Hmmm... Sino yung kasamahan mo dito?" sabi ko medyo nahihiya pa nga ako kasi first time kong magtanong para sa isang babae. "Ahhh si Luke po ba?" sabi nito. Luke ang pangalan niya para sa isang babae? Well that's weird but... Ang cool para sa isang babae. "Ahhh Luke pala ang pangalan niya. Ahhh sige I need to go." Sabi ko sabay dali daling lumabas ng shop. Pagsakay ko sa kotse ko ay hingal na sumandal ako sa upuan. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Aktong hinawakan ko ang dibdib ko, pakiramdam ko ay may kakaiba sa babaeng yun. Kailan ka pa nahumaling sa mg tulad niya Amber Gray? Sabi ng konsensya ko. Ewan ko pero nakaramdam nalang ako ng kakaibang pagtibok ng puso ko. Pinaandar ko na ang kotse ko at aktong uuwi na. Kailangan ko ng makaalis dito kundi baka mahimatay ako sa bilis ng t***k ng puso ko. ----- LUCCA "LUKE" BELMONTE Habang nagkikilo ng mga damit na kanina ay dala ng isang customer ay biglang nag flashback yung itsura niya sa isip ko. Siya siguro yung sinasabi ni Emerald na twin sister niya. Kamukhang kamukha niya kasi, ang pagkakaiba lang ay tan ang skin nito samantalang si Emerald ay maputi ang kutis at halatang halata ang alaga niya rito. Nakaramdam ako ng kuryente sa buong katawan ng titigan niya ako at aktong napanganga pa ito sa gulat. Ewan ko ba, ano bang meron sakin? Maging si Emerald ay ganon din naman ako kung titigan pero noong siya na ang tumingin sa akin ng ganoon ay parang may iba akong naramdaman. Habang nag iisip ng kung ano anong bagay ay may biglang kumalabit sa likod ko. "Ay pepe ng kabayo! Ano ba yan Rina! Hindi ka ba marunong kumatok man lang?" Inis kong sabi sa kanya. Kakainis e uso nama sigurong kumatok diba? "Hahaha. Ikaw talaga, kahit kailan magugulatin ka pa rin no?" Pang aasar pa nito sa akin. "Hay! Bswet naman oh." Inis kong sabi saka bumaling sa ginagawa ko. Habang nagsasamsam ng labahan ay biglang lumapit si Rina sa akin. "Luke? Kailan ka pa nagkaroon ng mga kaibigan na magaganda ha?" Takang tanong nito sa akin. "Ha?" sabi ko saka bumaling muli sa kanya. "Sabi ko ang bangis mo! Hahaha." Wala talagang magawa itong babaeng ito kundi asarin ako. Umalis na din si Rina kinalaunan dahil mag tatanghali na din. Ako naman ay abala pa din sa nakatambak na trabaho ngayong araw. Mantakin mo, Sunday ngayon ang dami naming lalabahan. Hindi nanaman tuloy ako makakasama sa pagsisimba nila ngayong araw ng lingo. Pagkatapos kong maisamsam ang mga damit nilagay ko na ito sa washing machine at aktong pinaandar ito. Saktong nakabalik na rin si Rina galing sa Lunch break niya kaya ako naman ang sumunod. Lumabas muna ako sa loob ng Laundry room at nag paalam ako kay Rina na kakain muna ako sa katabing karenderya. Napapaisip ako dahil nitong mga nakaraang araw ay nakapagtataka ang ikinikilos ni Emerald lalo na kapag magkasama kami. Hindi kaya may gusto siya sakin? Hay nako! Tigilan mo nga yang mga gusto gusto na yan Luke! Napakagandang babae ni Emerald para mag kagusto iyon sa kapwa babae. Habang napapaisip ako ay aktong tinapos ko na rin ang kinakain ko dahil nag hihintay nanaman ang tambak na labahan sa Laundry Shop ngayong araw. Habang nag lalakad pabalik sa Laundry shop ay biglang may nangalabit sakin sa likod. "Emerald?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD