AMBER GRAY MONTEFALCO
Napakabilis ng panahon at alam kong birthday na namin ni Emerald next week.
Nagpaplano kami na mag out of town kasama ang kanya kanya naming mga kaibigan, gusto ko sana sa Camarines Sur o di kaya sa Cebu. Gusto ko maging adventurous sa nalalapit naming kaarawan na magkapatid.
"So, ano Em? Saan mo gusto? So we can make our reservation?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw ba san ba mas maganda?" Balik na tanong niya sakin. Naman oh.
"Gusto mo ba sa batangas? Madaming magagandang resort dun." Suhestyon ko.
"Hmmm, wherever, basta kung alam mo na mageenjoy tayong pareho e okay lang sakin." Sai nito habang nagbabasa ng magazine.
"Okay. So ilan ang bisita mo?" Tanong ko at tinignan siya sa kinauupuan niya. Narito kasi kami ngayon sa Costa Coffee sa 32nd Street sa BGC, wala lang trip lang talaga namin mag kape.
"Hmm... I think mga 10 siguro. Ay Amber! May ipapakilala ako sayo sa Birthday natin." Masiglag sabi nito sabay higop ng frappe na inorder namin.
"Hmmm... Okay?" Takang tanong ko. Sino naman kaya yun? Parang nacurious naman ako.
Pagkatapos namin sa Costa Coffee ay dumerecho naman kami sa Market Market, gusto niya daw magshopping ng magagandang damit. Ugh, at as usual kung di ako ang tagabitbit taga sunod naman ako na parang aso.
"Amber! Look!" at aktng napatakbo pa siya doon sa nakita niyang Red elegant dress. Well, infairness. Maganda naman tignan.
Emerald is an Opposite of Me. Ako kasi ay Tan ang balat. Ayoko ng masyadong maputi pero sa katunayan ay maputi ako noon kung hindi lang ako mahilig mag punta sa mga resorts.
While Emerald is a white chick. Yeah, she's one of the Hottiest girl in School same as Me kaso mas tumutulo pa ang laway ng mga kalalakihan sa kanya kaysa sakin. Kasi mas attracted sakin ang mga babae.
"Amber, magfit tayo." Yaya niya sakin. Napasimangot naman ako.
"What? Ayoko nga." Pagtangi ko. Nakakatamad maghubad ng damit sa fitting room.
"Bilis na, pleaseeee." Pagmamakaawa niya at aktong nagpout pa. Shemay na kakambal to oh... Kung di lang sana ako.
She already picked me a dress kaya di na din ako makakahindi.
Pagdating sa fitting room ay halos magkatabi lang kami ng cubicle. Excited siyang pumasok doon at ako naman ay lulugo lugong pumasok sa loob ng cubicle. What the hell, nakakatamad talaga.
"Ang ganda sakin ng Red elegant dress na to Amber, I'm gonna buy it na!" Tsk kung di ko lang siya kapatid ay kanina ko pa ito iniwan sa Mall.
Pagkatapos namin mag fit ng dress ay dali dali siyang nagpunta ng counter at aktongbinayaran na yung dress na napili niya.
"I'm gonna wear this on our Birthday." Bulong niya at aktong ngingiti ngiti pa.
"Diba dapat swimsuit ang susuotin natin doon? Hindi Dress?" Aktng tanong ko.
"Well, hmm. Onga no? Hahaha." Sabay hagalpak ng tawa. Hay ang weird talaga.
Pagkatapos naming mamili ay aktong nagyaya na akong umuwi. Pagod na kasi ko kakasunod sa kakambal kong si Emerald. Hayy.
Pagkarating sa unit namin ay doon muna ako tumuloy sa kanya. Nakakarelax kasi sa Unit ni Emerald ang ganda ng Ambiance, samantalang sa Unit ko parang di ko alam ang mararamdaman ko everytime napapasok ako doon.
Naupo ako sa Leather Couche niya sa Living room sabay hinga ng malalim.
"Amber, bakit nadito ka?" Takang tanong niya.
"Wala lang, I just wanna stay here for a while." Sabi ko haang nakapikit ang mga mata.
"Okay, you want some Pure orange juice?" Alok niya.
"Nope, water nalang please." Sabi ko at agad naman niyang ibinigay iyon.
After ng ilang minuto ay bumalik din ako agad sa Unit ko.
Pagpasok ko ay nagulat ako sa nakita ko. Si Megan Salcedo.
Agad naman niyang ipinulupot ang mga braso niya sa leeg ko at sinungaban ako ng Halik.
Habang tumatagal ay mas nagiging intense ang halik niya.
Bumitaw ako saglit dahil pagod ako galing sa Lakad namin ni Emerald.
"Meg, what are you doing here?" Tanong ko habang nakatitig lang ito sakin.
"Wala naman, I just wanna have s*x with you right now." Well, she used her husky voice na lalong nakapaginit sakin.
We kiss again, mas naging wild and aggressive yung kiss namin at habang nag kikiss kami, pumaroon kami sa kwarto ko at isa isang tinanggal ang mga suot naming damit.
Hiniga ko siya sa kama at aktong pumatong ako sa kanya.
Ngunit habang hinahalikan ko siya, bigla namang pumasok sa isip ko yung nahalikan kong babae sa daan sa di inaasahang pagkakataon.
Napatigil ako at aktong ikinagulat ni Megan iyon.
"Babe? What's happening to you? Ba't ka tumigil?" Sabi niya at binigyan pa rin ako ng mumunting halik sa leeg.
"Ammm... M-meg, I'm not in the mood." Malamig na sabi ko at nahiga ako sa tabi niya.
"What? Hmmm... Okay maybe later, sorry mukhang pagod ka din ata." Sabi nito sabay halik sa pisngi ko.
Ano bang meron sa halik na yun at nagkakaganito ako? It's just a simple kiss pero iba na ang naging epekto noon sa sistema ko. Nasisira yung diskarte ko sa mga babae ko. Letse.
-----
EMERALD ROSE MONTEFALCO
Mahigit isang lingo na ang nakalipas ngunit hindi pa din maalis sa isipan ko si Luke. Ewan ko ba pero tuluyan na ata niya akong nabihag. Lol char.
Excited ako dahil Thursday na ngayon at malapit na ang Birthday namin ni Amber, well syempre invited si Lucas Belmonte doon. Ayoko siyang mawala sa araw na napaka espesyal para sakin.
Mahigit isang linggo ko na din siyang kinukulit. Hihi. Ewan pero ni minsan ay hindi siya napipikon sa mga pang aasar at pangungulit ko sa kanya.
Hindi na din ako basta basta nakikipagsex sa mga babae, ibang iba na talaga ang nakilala nilang Emerald Montefalco ngayon.
"Inspired ha?" Sabi ni Shin, isa sa mga best friends ko dito sa School. Nasa cafeteria kasi kami ngayon dahil Lunch break naman namin.
"Hmmm... Medyo?" Sabi ko sabay subo ng inorder kong Carbonara.
"So? Who's that lucky guy, or should I say lucky Girl?" pagbibiro niya. Alam kasi sa buong campus na Bisexual ako.
"Hmmm... Secret makikilala mo siya on my special day." Nakangiti kong sabi.
Saktong natapos kami ni Shin sa pagkain ay nagring na din ang bell. Pasukan na ng mga pang hapon na class at kami naman ay uwian na.
Nagdesisyon akong tawagan si Luke at puntahan siya sa Laundry Shop.
Agad akong sumakay ng kotse ko, I feel excited kasi makikita ko ngayon si Luke.
****
Mga ilang minuto pa ay nakarating din ako sa Laundry shop nila.
Kung makikita ay maliit lang itong Laundry shop nila. Nung nag palaundry kasi ako dito ay si Manang Belle ang naghatid ng mga dresses ko dahil nagkataon na medyo busy ako sa School,sinabi ko sa kanya na ipangalan sa'kin 'yong mga damit para doon na ihahatid 'yong mga damit. At no'ng mga oras na 'yon di ko din akalain na doon ko din makikilala si Luke.
Ipinark ko muna ang kotse ko. Saka nagdesisyon na bumaba at puntahan siya sa loob.
Pag kapasok ko sa loob ay agad akong binati ng isang babae, kasamahan din niya siguro ito sa pagbabantay ng Laundry Shop nila. Oh bakit Emerald? Selos ka? Sabi ng utak ko. Hell No. Di hamak na mas mganda naman ako sa kanya diba?
"Good Afternoon Ma'am" nakangiting bati ng babaeng nasa counter.
"Amm... Si Lucas Belmonte ba nandyan?" Tanong ko agad sa babae.
"Ahh sige po maupo po muna kayo doon sa mga waiting seats natin at tatawagin ko lang po siya,." Sabi nito sabay turo doon sa mga bakanteng upuan.
Naupo naman ako habang hinihintay na tawagin nung babae si Luke.
-----
LUCCA "LUKE" BELMONTE
"Luke!!!" sigaw ni Rina mula sa di kalayuang direksyon. Narito kasi ako sa Laundry area namin dahil nga sa hindi pa kami tapos doon sa mga linen na pinapalaba samin ng isang Caterer. Suki kasi namin sila kaya dapat na hindi namin biguin ang mga iyon.
"Ano? Makasigaw ka naman." Sabi ko habang sinasamsam ang mga ibang damit sa dryer.
"Ang ganda ng bisita mo, sino yon? Ikaw ha, di ka nagkekwento. Kailan ka pa nalihis ng landas?" pang aasar ni Rina sakin.
"Ha? Ano ang pinag sasasabi mo, wala nga akong boyfriend at lalong di ako magkaka girlfriend." Sabi ko at idiniin ko talaga ng salitang Girlfriend.
"Ewan ko sayo Luke, may naghahanap sayo sa labas. Magandang babae." Sabi nito sabay umalis na din.
Teka? Oo nga pala! Pupunta dito si Emerald! Nakalimutan ko!
Dali dali akong nagtungo sa lababo at naghugas ng kamay pagkatapos kong maghugas ay agad naman akong nagpunas ng kamay.
Dali dali akong lumabas.
At nadatnan ko na nakaupo si Emerald sa waiting seats na bakante malapit sa pinto.
"Hi. Kanina ka pa dyan?" Tanong ko ng lapitan ko siya, nanlaki ang mga mata niya.
Hindi agad siya naka pagsalita. Bakit kaya lagi siyang ganito ano? May problema ba sa mukha ko?
"Emerald?" Sabi ko habang mataim itong nakatitig sakin.
"Ahhh---H-hi..." nauutal na sabi niya. Hmmm...
I chuckled. She's blushing right now. Wala nakakatuwa lang siya. Totoo Luke? Natutuwa ka sa kanya? Kailan ka pa nalihis ng landas?
"Bakit ka tumatawa?" Takang tanong niya.
"Wala naman. Nag blush ka kasi kanina e." Tatawa tawa kong sabi sa kanya. At lalo pa siyang namula dahil siguro sa pag kapahiya.
"So anong gusto mong gawin?" Tanong ko.
"Wala, I just wanna see you." Sabi niya. Kung hindi lang siya talaga mukhang straight no siguro iisipin ko na may gusto na siya sakin.
"Ahhh. You wanna try street foods? Meron kasi dyan sa labas." Pag anyaya ko sa kanya.
Hindi siya makasagot at aktong umiwas ng tingin sakin.
"Hey." Sabi ko sa kanya.
"Honestly, h-hindi pa ako naka kakain ng Street foods." Hiya siyang tumingin sakin.
"Hmmm... Why don't you try? Masarap kaya." Sabi ko sa kanya at hinila siya palabas ng Laundry shop. May mga nagtitinda kasi sa labas ng shop namin ng street foods.
Nagtungo kami sa suki ko na si Manang Lumeng.
"Manang! Magandang hapon po." At aktong tumingin naman si Manang sakin.
"Oy! Luke! Kamusta? Matagal tagal na din ha? Anong order mo?" Sabi nito. Medyo malaki kasi ang pwesto niya rito, may tent siyang pinalagay para may mga table and chairs siyang mailagay doon.
"Manang bigyan mo ko ng calamares at fish ball. Yung sauce alam niyo na pero bigyan niyo ko ng Matamis para sa kasama ko." Sabi ko at nag hanap na kai ng pwesto.
"Sure ka ba dito Luke?" Sabi niya at halata sa kanya ang pag aalanganin.
"Wag ka mag alala, suki ako dito ni Manang at siguradong malinis ang mga paninda niya dito." Sabi ko at ngumiti ako sa kanya.
Mga ilang minuto pa ang nagdaan at dumating din ang order namin, yung pamangkin ni Manang ang nagserve sa amin.
"Try mo na dali." Sabi ko.
Napansin ko na hindi siya marunong kumain.
"Ganito oh." Sabay hawak ko ng stick niya at itinusok iyon sa calamares at sinawsaw sa matamis na sawsawan.
"Ahhh." susubuan ko siya.
Hindi naman niya ako binigo at kinain ang calamares na sinusubo ko sa kanya.
Napangiti siya habang ngumunguya.
"OMY, ang saraaaap. Manang, 20 piraso pa po!" Sigaw niya. My gahd. Kaya ba namin ubusin yun?
"Ha?" gulat na sabi ko. Nakakagulat naman tong si Emerald.
Nawala ang pagiging dalagang pilipina niya. Akala ko pa naman ay di niya magugustuhan.
After namin kumain ay nagbayad na kami kay Manang.
Bumalik na kami sa shop. At siya naman ay nagpaalam na aalis na.
"Luke, salamat sa masarap na street foods na yon ha? Ang sarap. Nabusog na ako. Hmm. Sige Uwi na ako. Mag iingat ka mamaya pag uwi ha?" at aktong sumakay na siya sa kotse niya.
At ako naman ay nagpasya ng pumasok sa Shop tutal alasais na din ng gabi.