AMBER GRAY MONTEFALCO
Narito kami ngayon sa Unit ko ng isang babaeng akbay ko kanina, si Megan. Ewan ko bumalik nanaman ako sa pagiging babaera ko. Wala naman kasi akong ibang magawa.
Nakahilata lang kami sa kama at pareho kaming hubad, natatakpan lamang ng aming katawan ng isang Puting kumot. Nakayakap siya sakin at ako nama ay parang wala lang na nakatingin sa kisame nitong kwarto.
Habang nakikipagsex kasi ako ay naalala ko yung babaeng nahalikan ko that Night haang tumatakbo ako.
Ewan ko ba, bigla bigla nalang siyang sumusulpot sa isip ko though hindi ko naman alam kung sino yun. Aisssshhhh! Nababaliw ka na ata Amber Gray!
Wala sa wisyong nagising yung katabi ko. Oooops! May katabi pala ako.
"Gray." Bulong nito habang nagpupungas ng kanyang mata.
"Hmmm?" Yan lamang ang tugon ko sa kanya.
"Is there something wrong?" at aktong hinalik halikan naman niya ako sa leeg.
"Wala naman. May iniisip lang." Walang gana kong sagot.
Lalo pa niyang idiniin yung mga labi niya sa leeg ko.
"Meg, nakailang rounds na tayo oh... I'm tired." Sabi ko habang tumalikod ako sa kanya.
"I'm sorry, do you want me to cook for you?" Sabi nito na naglalambing pa.
"Hmm. Sige pero iidlip muna ako ha?" at aktong binalot ko yung kumot sa katawan ko saka ipinikit yung mga mata ko.
"Okay." Masigla siyang tumayo sabay kiss sa pisngi ko.
Hayy... Ang clingy talaga kahit kailan.
-----
EMERALD ROSE MONTEFALCO
Nakahanda na yung dinner at si Lucas na lang yung hinihintay.
Hindi din nagtagal ay may nag door bell na sa pinto ko at tulad ng inaasahan ko hindi niya ako binigo.
"Hey." Masayang bati ko sa kanya.
Mukhang mahiyain siya.
Hindi ko agad siya pinapasok dahil matagal ko siyang pinagmasdan. Ang cool talaga niya... Hindi man siya sobrang kagandahan pero maappeal siya. Gosh! Attracted pa ba ako o Crush ko na tong babaeng to?
"Hindi mo man lang ba ako yayain sa loob?" Takang tanong nito sa akin saka tumingin.
"Ah----S-sige" Sabi ko at pinapasok ko na siya sa Unit ko.
Halata sa kanya ang pagka mangha sa nakikita. Malinis at maayos kasi ang Condo Unit ko kahit minsan ay hindi pa nakikita ng mga bisita ko na makalat dito. Madami dami din akong decorations katulad ng paintings at sculpture na pinabili ko pa kay Daddy at Mommy sa Europa.
"Ang ganda pala ng unit mo." Napangiti ako don dahil sa halon pagkamangha ang boses na sinabi niya yun.
"Tara na." Sabi ko at inaya na siyang magpunta sa Dining area.
"So, pinaghandaan mo talaga tong Dinner na to ha? Akala ko papadeliver ka lang ng Pizza e." Natatawa niyang sabi. Aba syempre pag ikaw ba naman Luke dapat pinaglulutuan. Hihi
"Huy! Namumula ka dyan? Okay ka lang ba?" Alala niyang tanong. Aba naman kinikilig lang ako.
"Ahhh sana magustuhan mo to. Hehe." Sabi ko nalang para madivert yung topic.
Ewan pero parang iba talaga siya e. Ano bang meron sa Lucas Belmonte na to.
Aissshhh... Emerald relax. Babae din naman yang kaharap mo e. Kaya mo yan hinga ka ng malalim dali.
Am I falling in love with her? No way! There's no other way na maiinlove ka agad sa kanya. Is this an infatuation then? Ugh. Why is this happening to me right now?
"Emerald?" biglang natigil ang pag-iisip ko ng bigla siyang magsalita sa harap ko.
"Y-yes?" natataranta ako. My heart starts to pound. She was starring at me at kita sa mga mata niya ang pagaalala.
"Hmm... Are you okay? Is there something bothering you?" Biglang nagtaasan ang balahibo ko sa sinabi niyang iyon. Baka OA ka lang Emerald?
"W-what no! Wala na tara kain na tayo." Sabi ko at tinuon ko ang Atensyon ko sa pagkain ko.
Wow. First dinner with her was like... Ammm... How can I say this words. It's already rumbling in my tounge. I can't even think straight right now.
"Kanina pa kaya ako kumakain, ikaw lang tong tulala dyan." Sabi niya habang hinihimay yung chicken. "And by the way, masarap kang magluto." Sabi nito sabay subo ng laman ng chicken na nahimay niya.
Oh s**t! Am I Blushing right now?
After namin kumain ay nagkwentuhan pa kami. Doon ko nalaman na hindi pala siya nakapagpatuloy ng college niya dahil priniority niya yung kapatid niyang bunso na makapagaral.
"Hmmm... Alam ko na!" Nakaisip ako ng magandag idea.
"Why don't you try to take the scholarship exam sa St. Vincent University!" Hmm well bright Idea Em para makasama mo din siya doon ganon?
"Okay lang Emerald. Ayoko munang magka problema at mag kaaberya sa pag-aaral ng kapatid ko kung pagsasabayin namin yung pag-aaral naming dalawa."
Dahil sa mga sinabi niyang iyon ay lalo pa akong naattract sa kanya. Grabe lang tong si Luke, inuuna muna ang kapakanan ng kapatid bago ang sarili. Bakit kaya ganon? Kung sino pa yung hindi ganun ka mapera ay sila pa yung mapagbigay at mababait, samantalang may ibang mayayaman na ang dadamot.
"Ahh okay sige. Pero if you wanna study just tell me I can help you." Sabi ko pero punong puno ng sinseridad iyon.
"No Emerald, thanks nalang. Ayoko kasing umaasa sa tulong ng iba." Wow kung makapagsalita siya ay akala mong independent na talaga siya. Gayung magkasing edad lang kami nito e mas mukha pa siyang mature kung magisip.
"So Luke, friends?" At nilahad ko yung kamay ko sa kanya. Tanda na magkaibigan talaga kami. Well, medyo ang corny ko nga e.
Hinawakan niya naman ang kamay ko sabay shake hands. s**t! Ang lambot ng kamay niya at ang init. Gahd. Ang lakas ng epekto sakin ng babaeng to sobra!
Makaraan ang ilang minuto ay nagpasya na siyang umuwi. Syempre nag initiate ako na ihatid siya pero sa kasamaang palad ay hindi niya pinaunlakan iyon.
Nang maisara ko yung pinto ay nakangiti akong nagpunta sa kwarto. Medyo napagod din ako pero one thing is for sure...
Masaya ako dahil unti unti ko ng nakikilala ang isang Luke Belmonte.
----
LUCCA LUKE BELMONTE
Medyo ginabi na ako ng uwi dahil na din sa nasarapan kami sa kwentuhan ni Emerald. Magaan ang loob ko kay Emerald pero bakit parang may ibang gestures siya na ikinaiilang ko? Hmm hindi ko na siguro muna dapat yun isipin dahil alam kong mag kaibigan lang kami ni Emerald.
Pag dating ay agad naman akong sinalubong ni Nanang.
"Nang? Bakit gising pa kayo? Alas gis na ng gabi dapat ay nag papahinga na kayo e" Alalang tanong ko sa kanya. Syempre medyo may katandaan na din itong si Nanang kaya dapat na mas maaga na siyang natutulog ngayon.
"Hinintay lamang kitang makauwi anak. O siya ako'y matutulog na dahil nakarating ka naman ng ligtas, salamat sa Diyos." Saka siya humalik sa noo ko. Hay... Grabe si Nanang, maalaga talaga.
Bago pa man ako maka pasok ng kwarto ko ay agad naman akong sinalubong ni Venice.
"Bakit ngayon ka lang ate?" aba at tinarayan pa ako ng batang ito?
"Aba'y bakit ika'y gising pa? Diba dapat natutulog ka na ng alas nyuwebe ha?" Tsk tsk ibang klaseng bata ito, para siya pa ang mas Ate sa'min ngayon.
"Anong ginawa mo ate sa Unit ni Emerald Rose Montefalco?" nagulat ako sa tanong niya. Paano niya nalaman yung about samin ni Emerald?
"Saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan ha?" Sabi ko sabay pumameywang ako.
"I have my source Ate so what now?" Sabi niya habang naka pameywang din.
"Hay nako, niyaya lang ako mag dinner nung tao e. At tsaka friends lang kami ni Emerald Venice, bakit ba pati 'yon ay inaalam mo pa ha?" takang tanong ko sa kanya.
"Crush ko kasi yun si Emerald e." Pag mamaktol niya, aba naman kay bata bata pa nag kakacrush na.
"Hoy! Bago yang crush crush na 'yan, mag aral ka muna ng mabuti ha?!" Sabi ko sabay pasok sa kwarto.
Aba naman tinalo pa ako ng batang iyon. May mga girl crush na. Hays nako talaga. Ibang iba na ang henerasyon ngayon.
Kumuha na ako ng damit sa drawer saka nag palit at natulog na, pinatay ko na ang ilaw.
Pag kahiga ko ay agad kong ipinikit ang aking mga mata.
Ngunit habang sinusubukan kong makatulog ay naalala ko nanaman yung nangyari noong gabing nakuha ng isang babae ang pinaka iingat ingatan kong first kiss! Naririndi ako! Bwset na yun. Hindi ko lang nasilayan ang mukha niya ngunit ramdam ko ang mga labing iyon sa labi ko.
Ngunit pansin ko na habang binabalikan ko ang memoryang iyon ay nakita ko ng konti ang mga mata niya, ang mga matang iyon na nakatitig sa akin ngunit mabilis din siyang nawala dahil sa nagmamadali siyang tumakbo.
Kapag nakilala ko ang babaeng iyon, saka ko siya pagbabayarin sa ginawa niyang pag nakaw ng First Kiss ko! kaya humanda siya!
At muli kong ipinikit ang aking mga mata saka ako tuluyang nakatulog.