LUCCA "LUKE" BELMONTE
Napapatulala ako minsan dahil hindi mawala sa isip ko yung nangyari kagabe. Ang masama noon ay iniwan ako sa kawalan ng stranger na iyon! Kakasura!
Padabog kong inilapag ang bag ko saka nagayos para sa pagpasok ng mga bagong customers namin mamayang hapon, may mag papalaba kasi sa amin na caterers ng iba't ibang linen na ginagamit nila sa Catering kaya mukhang mahaba habang trabaho nanaman ang gagawin namin.
"Kakainis!" iritang sabi ko habangi Rina naman ang nasa counter at ako naman itong nagliligpit ng gamit.
"Huy! Kay aga aga e nag dadabog ka, may problema ka Luke?" alalang tanong sa'kin ni Rina haang mariing nakatitig ito sa'kin.
"Nakakainis lang, hays nako Rina ayoko munang pagusapan, naiirita lang ako pag naalala ko" sabi ko saka bumalik na pinagkakaabalahan ko.
Dumaan ang hapon at hindi pa din kami natapos ni Rina sa paglalaba ng mga Linen.
Habang nilalagay ko ang mga linen ay akto namang napatulala nanaman ako sa nangyari kagabi.
Hindi ko maiwasan na balikan iyon lalo na't first kiss ko iyon. Malamang sa malamang e hindi ko maiiwasang balik balikan ang mga ala alang kanina pa bumabagabag sakin.
Nabasag lang ag katahimikan ng biglang magsalita si Rina sa tabi ko. Kasama ko kasi siyang tumulong sa Paghahanda ng labahan.
"Luke?" alalang tanong ni Rina sakin.
"Bakit?" mataray na tanong ko.
"Aww... Kailan ka pa nagsungit Luke ha? May problema ba?" sabi niya habang nakatingin ito sakin.
"Hmmm.. wala naman." Sabi ko sabay balik ng sigla ko sa trabaho.
"Hmmm... Okay." Sabi niya at bumalik na din siya sa pagsisimsim ng labahan.
****
Mga ilang minuto pa ay natapos din kami sa pagsisimsim ng Labahan, nakakapagod. Baka gabihin pa kami dahil madami dami ito.
Aktong nag vibrate ang phone ko at agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko.
Pinindot ko yung screen at aktong lumabas naman namay nag text. Binuksan ko yung text at nag taka ako na isang Unknown number ang nag text sa'kin. Sino naman kaya ito?
"Hi Luke :)" with smiley pa ha.
Nag reply naman ako.
"Sino 'to?" agad kong kinlick ang send button.
Wala pang ilang minuto ay nagreply agad ang Unknown Number na iyon.
"Emerald Here :)" mahilig ba talaga siya sa Smiley?
"Emerald?" sinong emerald?
"Yung pinagdalhan mo ng mga clothes last time. At unit 1604" tugon nito.
"Ahh. Hi, akala ko nagbibiro ka lang nung kinuha mo yung cp number ko at itetext ako" sabi ko.
"Hindi no. Sabi ko naman sa'yo e itetext kita diba? ;)" tugon naman nito. Teka? Is she flirting with me?
"Ahh" maikling reply lang ang tinugon ko sa kanya.
Imbis na magreply siya ay nagulat ako sa ginawa niya. I just saw my phone at the table, ringing and it's Emerald.
Nag dadalawang isip ako kung sasagutin ko ba yung phone o hindi.
"Huy! Kanina pa yata yan nagbavibrate ha? Wala ka bang balak sagutin yan Luke?" sabay sabat naman nitong si Rina. Para akong hihimatayin sa gulat.
Sinagot ko nalang ang tawag dahil mukhang hindi ako nito titigilan.
"H-hello?" pautal kong sabi. Wow! Si Luke Belmonte? Nauutal na ngayon?
"Luke, sa wakas sinagot mo din. Amm.. Can I invite you for a dinner Luke? If that's okay with you" wow ha.
"H-Ha?" Nakakautal talaga. Ang ganda kasi ng boses niya.
"Ammm.. Sabi ko kung pwede sana kitang iinvite sa dinner" at bigla naman itong natawa ng mahina. Nangaasar ba siya?
"Tonight?" tanong ko sa kanya.
"Are you free tonight?" sabi nito na may halong pagaalinlangan, halata sa bosed nito ang pagaalinlangan na tanungin ako.
"Hmmm... S-sige. Saan?" at wow naman talaga Luke, pumayag ka?
"At may place, 7pm sharp. Bye" mabilis niyang sinabi ang mga iyon saka ibinaba ang phone.
"Oh? Sino namn yang kausap mo Luke?" bigla nalang nagsalita si Rina. Jusko ikamamatay ko kung multo ang nagsasalita sa likuran ko.
"Lintik ka naman Rina e! Balak mo ba akong patayin ha?!" sabi ko saay hawak sa dibdib ko.
"Aba naman Luke, ano bang akala mo sakin Multo?" tatawa tawa niyang sinabi ang mga iyon sa akin.
"Uso naman kasi ang kalabitin ako bago ka magsalita di ba?" Nakakainis talaga!
"O siya Rina, ikaw na muna ang bahala sa closing mamaya at may lakad ako" sabi ko habang papatayo na sa kinauupuan ko.
"O saan ka naman pupunta?" mukhang nagdududa ang bruha.
"Aba ba't kailangan mong malaman?" pagtataray ko. Sipain ko kaya tong si Rina?
"Wala lang nagtatanong lang, well sige na. Magligpit ka na ng gamit mo diyan at ako na ang bahala dito sa closing mamaya." sabi nito sabay pasok sa Laundry Room.
Ako naman ay dumerecho na sa Locker ko at niligpit ang mga gamit ko sa Jansport backpack ko. Regalo pa sakin 'to ni Rizz nung nakaraang birthday ko kaya lagi kong ginagamit.
*****
Matapos ng ilang minuto ay agad naman akong lumabas ng shop saka bumyahe sa condo ni Emerald. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag sa dinner na iyon. Well siguro Luke, kailangan mo din naman ng mgaganitong bagay no?
-------
EMERALD ROSE MONTEFALCO
Yieeee!!Napapayag ko si Luke na magdinner sa unit ko later! Whoooosh. Kailangan ko ng mag ready.
Saktong nagring ang bell namin at tumayo agad ako sabay bitbit ng Guess Bag ko. Nang biglang may humawak sa wrist ko.
Si Jordin.
"Hey? May lakad ka?" takang tanong nito sakin.
"Yep, so see you tomorrow?" sabi ko at aktong aalis na sana ko ng pigilan niya nanaman ako.
"How about my place tonight?" malanding sabi nito at aktong palapit ng palapit yung mukha niya sa'kin.
Nag titinginan naman sa'min 'yon mga estudyante sa loob ng room.
"Jordin, I'm busy. I really need to go. Tomorrow na lang sige bye." at aktong kumalas ako sa pag kakapit niya sa braso ko.
Ibang klase talaga tong si Jordin. Hay.
Saktong nakasalubong ko si Big sis.
"Amber!" sigaw ko sa school grounds. May nakita naman akong akbay niyang babae. Hay si Amber Gray Montefalco yan e.
"What?" bigla naman akong tinarayan.
"Grabe ha, ganyan mo na ba ako salubungin Big sis?" pagtatampo ko. Hehe saming dalawa ako ang childish dahil ako ang bunso sa pamilya.
"Hay nako. So what do you want?" iritang sabi niya.
"Wala, so who's this Girl?" takang tanong ko sabay tingin ng matalim don sa babaeng akbay niya.
"None of your business little Sis" sabi ni Amber. Kahit kailan talaga! Napakababaera nitong kapatid ko.
At aktong tumalikod na sila at sinakay naman ni Big sis 'yong babaeng haliparot na 'yon sa New Car niya.
Hay. Minsan iniintindi ko nalang si Amber dahil alam ko na masama ang loob niya samin lalo na kila Mommy and Daddy.
Nag pasya na muna akong mag grocery sa malapit na mall dito sa School. Ipag luluto ko na lang si Luke, nako. First time ko to ha para sa isang cool na babaeng nakilala ko. Though na hindi pa kami nagka kasamang dalawa. Iyon nga e, hindi ko pa siya tuluyang kilala ng buo pero parang may iba sa kanya na gustong gusto ko.
Oo, aaminin ko na attracted ako kay Lucas Belmonte na yun. Ewan e, ang gaan ng loob ko sa kanya.
****
Makaraan ng ilang minuto ay nandito na ako sa grocery store para mamili.
Pumunta agad ako sa vegetable section at meat section. Kumuha ako ng thyme at taragon, kumuha naman ako ng whole chicken. Gusto ko sanang gumawa ng Jerk Chicken mamaya. Masarap kasi 'yon at medyo maanghang.
Hindi ko masyadong mapag hahandaan 'yong dinner namin ngayon dahil biglaang plano lang din naman.
Pag tapos kong makuha ang mga kakailanganin kong lutuin ay nag bayad ako sa counter at saka nag mamadaling umalis na ako sa Mall.
****
Mga ilang minuto pa ay agad akong nakarating ng Unit ko, nagbihis muna ako ng maayos na damit.
Inilapag ko na ang mga ingredients saka ito isa isang hinugasan.
Pagkatapos hugasan ay nag mise en plus muna ako. Para organize.
Organize kasi ako sa kahit anong bagay kaya madalas ay na pupuri ako ng mga kaibigan ko at ng mga kaibigan ni ate. Sa unit kasi ni ate ay magulo.
Agad ko namang minarinate yung whole chicken saka muna ito hinayaan dahil para manuot yung lasa sa laman ng manok.
After 30 mins...
Inahon ko na 'yong chicken saka ipinasok sa oven.
Matapos ng isang oras na paghihintay ay naluto na din sa wakas yung chicken kaya kasabay noon ay ang pagluto ng kanin.
Dali dali na akong nag ayos ng mesa ko, inayos ko na lahat pati yung mga plato. Wow! Emerald ngayon ka lang nageffort ng ganito sa isang babae.
Sana magustuhan niya yung inihanda kong dinner tonight.