Prologue
"Hi I am Keisha Barcena, 17 years old from Sta. Rosa, Laguna."
"taga Laguna ka? bakit dito ka pumasok sa Manila." someone said.
"Uhmm, for me kasi, maganda yung aral dito sa Manila and andito din kasi yung mga friends ko."
"tss, naghahanap ka lang ng gwapo dito e," saad nung lalaking di ko kilala.
"Excuse me?" tinaasan ko ito ng kilay. Nakakainis kasi, andito ako para mag aral, hindi para maghanap ng pogi!
"Okay stop it, pwede kana maupo Keisha"
"thankyou po"
Normal na mood para sa normal na araw, hays nakakaboring naman pala dito sa school na to. Pumasok nalang ata ako para antayin yung uwian.
"Hi Keisha"
"Uhmm hello"
"I'm Sopia nga pala the President of this classroom"
"hello Sopia"
"sa dinami-dami ng school sa Manila, bakit dito mo naisipan magtransfer?"
Napaisip ako sa tinanong ni Sopia sakin. Bakit nga ba? Bakit dito ako nagtransfer? Bakit dito ko naisipan pumasok, bukod sa dito nag aaral yung mga kaibigan ko, bakit nga ba?
"uhmm, andito kasi yung mga friends ko eh and maganda daw yung aral dito. Oum ayun! yun yung reason."
"hmm nice to hear that, sige dyan kana muna, if ever may kailangan or need mo ng help just call me, okay?"
"sige, thankyou"
Ang lawak naman ng school na to. Asan kaya sya? Pumasok kaya sya? ugh! Kei ano na naman ba yang iniisip mo! Move on! Andito ka para mag-aral, hindi para hanapin yung asungot na yun! Focus sa goal---
"Ouch!"
"sorry miss, are you okay?"
t-that voice is so familiar.