bc

IYONG IYO AKO, NINONG LUCHO (SSPG)

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
family
HE
age gap
forced
opposites attract
second chance
dominant
heir/heiress
bxg
bold
soldier
small town
musclebear
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, bakit sa kaniya pa?

Sa matalik pa na kaibigan ng kaniyang nag-iisang kuya.

Mula pagkabata, nakagisnan na ni Feliciana ang matinding paghanga at pagmamahal kay Lucho. Ang lalaking tumayong pangalawang ama sa kanila, ang sandigan sa tuwing guguho ang kaniyang mundo, at ang lalakihang palaging nagpoprotekta sa kaniya.

Ngunit para sa lipunan at sa mga taong nakapaligid sa kanila, ang damdaming mayroon siya ay isang malaking kasalanan.

Mali dahil sa napakalaking agwat ng kanilang edad.

Mali dahil pamilya na ang turingan nila.

At higit sa lahat... mali dahil sa papel ng kaniyang binyag, nakatatak ang pangalan ni Lucho bilang kaniyang Ninong.

chap-preview
Free preview
PANIMULA
London, Camden UMAGA pa lamang ay tinulungan na ako ni Lendy sa pagbubukas ng aming tindahan. Pareho naming inayos ang mga naka-display na bulaklak sa harap ng aming stall. Mabuti na lang at Spring season na rito sa amin kaya marami kaming naaani na mga sariwang bulaklak. Inaamoy-amoy ko pa ang mga ito habang nag-aayos. "Hmm, smells lovely, innit?" natutuwang sabi ko habang nakatingin sa kaniya. "Yeah, proper lovely!" masayang puri ni Lendy habang nakikiamoy na rin. Hays, thank You, Lord, sa araw-araw na biyayang natatanggap ng aming tindahan, tahimik kong pasasalamat sa Panginoon. Ilang sandali pa lang kaming nag-aayos ay mayroon nang mga customer na nakapila sa labas. "Good morning, folks!" bati ko sa kanila. Karamihan sa kanila ay mga turista at ang ilan ay mga residenteng bumibili sa aming paninda. "Which one, mate?" tanong ko sa isang binatang turista na may kasamang girlfriend. "I'm tryna buy this ting," sabi ng lalaki sabay turo sa kumpol ng red roses. "Wait a sec, mate," sabi ko at kumuha ng pambalot na papel. "How much, Miss?" tanong ng kaniyang natutuwang girlfriend habang nakaangkla sa braso ng binata. Ngumiti ako sa kaniya. "About six quid, Miss." Nag-abot sila ng £10 note. Agad ko naman silang sinuklian at ibinigay ang nakabalot na mga rosas. "No, keep the change as your tip," pigil ng magkasintahan nang iabot ko ang sukli. "Thank you so much! Come again, please," nakangiting pasalamat ko sa kanila. Nasa labas din ang isa kong staff na nakikipag-entertain sa aming suking customer—mga residenteng nakatira malapit sa amin. Hindi man napakarami ng pumipila araw-araw, hindi naman kami lugi at nakakabawi pa rin. Still, I'm already content with my life here in London. Maliit man ang Camden kumpara sa ibang lugar sa London, masaya rito at napakainit ng pagtanggap ng mga lokal sa mga turistang bumibisita. Almost seven years na akong naninirahan dito, at tatlong taon na ang lumipas mula nang matanggap ako bilang isang opisyal na citizen. Ako ang nagmamay-ari ng isa sa mga sikat na flower shop malapit sa sikat na Regent's Canal—isa sa mga magagandang tanawin na dinadagsa ng mga turista. I built this business for almost five years. Nagsimula ako nung mga panahon na walang-wala ako at pumasok sa kung ano-anong sideline sa ibang bahagi ng London. Nakilala ko si Lendy sa huling pinasukan kong trabaho kaya naging kaibigan ko siya rito. Mas matanda siya sa akin ng limang taon at may sarili nang pamilya. She's half-British and half-Irish, kaya grabe ang slang niya kapag nagsasalita. Tinuruan niya rin ako kung paano gamitin ang mga iyon. Sobrang hirap i-control lalo na't paiba-iba ang accent ng mga tao rito kahit nasa London pa; ano pa kaya kung isama pa ang ibang bansa sa Europa? Apat sana kami rito ngayon, ngunit may importanteng lakad ang dalawa kaya heto, kaming dalawa lang muna ang nagtitinda. Habang nagbibilang ako ng pera sa counter ay biglang tumunog ang telepono. "Lends, can you pick up the call, please?" pakiusap ko sa kaniya nang hindi tumitingin dahil busy pa ako sa pagbibilang. "Alright, Felice," sang-ayon niya sabay lapit sa telepono para sagutin ang tawag. "Felician's Florist, who's speaking, please?" rinig kong sagot niya sa kabilang linya. "Who is it?" tanong ko na nakatutok pa rin sa ginagawa. Bigla kasi siyang napasinghap at natahimik. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kong patango-tango siya habang seryosong nakikinig sa kabilang linya. Hindi na muna ako nagsalita ulit hanggang sa matapos ang tawag. "Felice?" dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "Yeah? You okay?" May gusto siyang sabihin pero tila hindi niya maibuka ang kanyang labi, kaya isinarado ko ang counter at hinarap siya. "Oi, who were you talking to? A client?" natatawang tanong ko. Hindi kasi siya mapakali at ipinagdikit pa ang kaniyang mga palad habang hindi makatingin sa akin nang diretso. "Lends?" tawag ko rito. "It's from the Philippines, mate!" mahinang sagot niya. Sa puntong iyon ay natigilan ako. Sa ilang taon ko rito, ngayon lang may tumawag sa akin mula sa Pilipinas. "W-why?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba at takot na baka... "It's about Delon Soriano..." Kumunot ang noo ko. Bakit naman niya ako tatawagan kung kailan itinakwil na niya ako? Nanginginig ang mga kamay ni Lendy nang sinalubong niya ang aking mga mata—mga matang nagtatanong at nangangapa ng kaniyang sagot. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang bumuka ang kaniyang bibig. Sa sinabi niyang iyon ay napahawak ako sa counter. Nanghina ang aking mga tuhod at biglang lumabo ang aking mga mata. "I think your brother just died, Felice... He's gone."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
777.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.0M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
998.5K
bc

A Warrior's Second Chance

read
370.3K
bc

Not just, the Beta

read
354.8K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook