bc

Love of the Devil

book_age16+
10
FOLLOW
1K
READ
age gap
bxg
enimies to lovers
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Alena Sophia Agravante Garcia: Academy Series#1

Alena was a brilliant, beautiful, and dangerous girl you have ever seen. She was the heiress of a multi billion company and the house of Garcia in Spain.

chap-preview
Free preview
Simula
"Alena Sophia Agravante Garcia!" Sigaw ni Kuya sa akin mula sa ikatlong palapag. Ngumiti lang ako sa kanya at kumaway bago sumakay sa bagong biling sasakyan. Simula bata ay sanay akong nakukuha lahat ng aking gusto. Simula sa materyal na bagay at sa pagmamahal. Simula ng limang taon gulang ako ay nagsimula ring magaway ang aking mga magulang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Naging pabaya si Papa sa amin dahil sa aming lahat ay siya ang pinaka naapektuhan. Sumama si Mama sa ibang lalaki ngunit ang lagi niyang sinasabi sa amin na wala silang relasyon nito at magkaibigan lang sila. Laging pinapaalala sa amin ng aming ama kung gaano niya kami kamahal at kung gaano rin kami kamahal ng aking ina. Sa aming limang magkakapatid ako ang bunso. May tatlo akong ate at isang kuya. Simula bata ay si Kuya na ang aking kasama dahilan para magaya ko ang kanyang ibang masamang gawain tulad ng pagka karera. "Woah!" Sigaw ko ng masubukan kung gaano kabilis ang bagong sasakyan. Tumingin ako sa aking likuran ng may makita na malaking truck. Lalo ko pang binilisan sa highway dahilan ng pag usbong ng saya sa aking damdamin. Kaagad ko itong iniliko sa isang park ng malapit na ako sa tollgate. "Where are you?" Bungad na tanong ng nakakatanda kong pinsan. "Nasa Alviera!" Masaya kong sabi bago lumabas sa aking sasakyan at umupo sa may hood nito. "Ang ganda talaga rito Gio, kailan ka ba uuwi?" "Nasa baryo ka?" Tanong niya. Tumawa ako at tumango. "Yup! Nandito si Kuya dahil abala siya sa bagong itatayong condominium dito sa may Alviera." "Buti? Tinangap ka na ba ulit ng mga pinsan mo?" "Pinsan mo rin sila Gio." Sabi ko. "Never." Natatawa niyang sagot. "Kahit minsan hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sayo. Sampid lang sila." "Baka kaya mo silang tanggapin?" Tanong ko bago naglabas ng beer. "Si Lolo nga nagawa niyang tanggapin ang anak sa labas ni Abuelo Third." "Magkaiba kami… " malamig na sabi ni Gio. " May laro ka ba?" Tanong ko. " Oo. Kalaban namin yung mga varsity ng school nila Tita. Mamaya na lang ulit." " Okay." Sagot ko bago pinatay ang tawag. Kaagad akong sumandal sa salamin ng aking kotse at tumingin sa haring araw na unti-unting nagtatago. Pumikit ako ng mariin ng maramdaman ang isa isang patak ng ulan sa aking mukha. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagsimulang managinip sa nakaraan. Bukas ay aalis na ako papunta ng Manila. Alam kong ibang iba ang buhay roon sa nakasanayan kong buhay. Kaya malaki ang pasasalamat ko ng pumayag si Kuya na pakawalan ako sa aking awla. "Alena." Tawag sa akin ng pinsan ko. "Azariel!" Nakanguso kong sabi. "Totoo ba ang narinig namin? Bakit ka pa kasi lilipat?" Tanong ni Ariell na kakagaling lang ata sa duty. "Shempre para samahan si Gio." Irap ni Lucio bago kami iniwan. " Galit si Lucio." Bulong ni Azariel sa akin. " Hindi matanggap na mas pinili mo si Giovanni kaysa sa amin." " Walang kasama si Giovanni roon kaya ako lilipat at isa pa ay nakakasawa na rin dito." Bulong ko. Bumaling siya sa akin na may pangaakusa ang kanyang mga mata. " Tapos ano? Iiwan niyo ako rito?" " Sumama ka na lang sa ibang araw." Mas lalo kong hinanaan ang aking boses ng makitang bumaling si Leon sa amin. " Mas makakabuti kung magsasama tayo ulit." " Sa tingin mo ba hahayaan nila tayo na magsasama ulit?" " Malay ko?" Lito kong tanong. " Pero baka hayaan nila tayo lalo na alam mo naman na halos ilang taon na rin tayong magkahiwalay." " Baka nakakalimutan mo yung nangyari noon? Ang nangyari limang taon na ang nakalipas!" Sa sinabing iyon ni Azariel ay kaagad na nagpakita ang mga imahe na hindi ko na halos matandaan. Nagising ako ng dahil sa kulog. Ngayon ko lang napansin na lumakas ang ulan at basang basa na ako. Kaagad kong naramdaman ang lamig. Tumingala ako sa langit at nakitang itim na itim na ang kalangitan. Kaagad kong pinagpag ang aking kamay ng maramdaman ang takot na matagal ko ng tinatakasan. Kaagad akong pumasok sa aking sasakyan at mabilis na pinaandar ito papunta sa aming bahay. Kaagad kong nakita ang galit na mata ni Kuya ng makapasok ako sa bulwagan pero kaagad rin iyong nagbago ng makita akong basa at takot. "Anong nangyari sayo?" Tanong niya bago ako nilapitan. "K-kuya..." Nanginginig ang aking boses at kusang tumulo ang aking luha. "Anong nangyari sayo, Alena?" Bakas ang pag aalala sa kanyang boses. Kaagad siyang sumenyas sa mga kasambahay, nagkukumahog silang umalis at pagkabalik at may dala ng tuwalya. "Alena..." Marahan sabi ni Kuya sabay punas sa aking buhok. "Saan ka galing? Pinag Alala mo ako." "N-napanaginipan ko ulit iyong nangyari sa nakaraan kuya." Nanginginig ang aking boses ng hindi dahil sa lamig kundi sa takot. Kaagad na nagiba ang kanyang expression at niyakap ako ng mahigpit. "Ito ang dahilan ko kung bakit pinahintulutan kitang umalis rito… nagbabakasakali na makalimutan mo ng tuluyan ang nakaraan ninyong tatlo ni Azariel at Giovanni. Pero alam ko sa pag alis mo at susundan ka ni Azariel at magsasama kayo ulit." Napatingin ako sa kanya ng may pagkamangha. Kilalang kilala niya na talaga ako kaya hindi na ako magtataka kung bakit niya kaagad na nahulaan iyon. "Tungkol saan ang napanaginipan mo?" Marahan niyang tanong. "T-tungkol sa isang lugar kung saan maraming tao at nagkalat ang mga dugo… duguan rin si Giovanni pero…" hindi ko maituloy ang aking sinasabi ng maramdaman ulit ang takot. Kaagad akong niyakap ni Kuya na mas mahigpit ngayon kumpara sa nauna. Ng kumalma ako ay kaagad kong nararamdaman ang aking paglutang. " Manang pakisabi kay tito Antonio na nandito na si Alena para hindi na magabala pa ang kanilang mga tauhan." Tumango lang ang mayordama namin at nagpatuloy si Kuya sa pag akyat. Kaagad niyang binuksan ang pintuan sa aking kwarto ng makarating kami sa tapat. " Maligo ka muna. Sasamahan kita sa pagtulog mo." Tumango lang ako at hinayaan siyang halikan ako sa pisngi. Ngumiti siya ng matamis bago niya tuluyan sinarado ang aking pintuan. Sa loob ng apat na taon na pag aaral ko sa bahay ay nawala lahat ng masamang ginawa ko. Ang akala ng lahat ay umalis ako ng bansa ang hindi nila alam ay nasa bahay lang ako ng mga pinsan ko. Nilayo ako sa mga pinsan ko at ang tanging natira lang sa akin ay ang mga Tiya ko at Tiyo. Halos isang beses lang sa isang buwan bumisita ang mga magulang ko sa akin. Si Kuya naman ay nanatili lang sa rest house namin sa isang baryo malapit kung saan ang Casa ng mga Alvarado para mabantayan ako. "Eto ang silid mo." Sabi ni Gio sabay bukas sa isang puno ng anime na stuff toys. "Pina customized ko iyan." Nakangiti niyang sabi. "Salamat." Sabi ko sabay pasok. Buong kwarto ay iisa lamang ang tema. Mula sa mga kagamitan,dingding,kisame,at iba pa ay puro anime. "May pasok ka na bukas." Sabi niya. "Nasa closet no yung uniform mo,ikaw na lang mag-ayos ng mga gamit mo dahil wala tayong kasambahay dito." Tumango lang ako. "Okay." Hindi ako sanay sa mga ganito. Sa loob ng 19 years kong nabubuhay sa mundong ito ay may tagapagsilbi ako. Hindi na rin ako sanay dahil nasanay na akong mag aral sa bahay at hindi sa paaralan. Kina-umagahan ay ginising ako ni Gio dahil may pasok na daw kami. "Bagay sayo." Sabi ni Gio paglabas ko ng aking silid. Kaagad kong tinignan ang aking suot. Isang mini skirt na kulay navy blue,isang puting long sleeve polo, isang kulay navy blue na coat,at high knees socks. Not bad. "Ihahatid na lang kita at susunduin mamaya." Sabi niya ng nasa sasakyan na kami. Tumango lang ako. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinumpong ako ng kaba. Ewan ko pero ang tingin sa akin ng mga ibang students ay iba. "Hi! Pwedeng magtanong?" Tanong ko sa isang grupo ng mga babae. "Ano iyon?" Mataray na tanong ng isa. "Saan ang building ng mga Business Management?" Tanong ko. Itinuro ng babae ang isang building. " Doon." " Thanks." Sabi ko at naglakad na papunta doon. Pagkapasok ko sa classroom ay kaagad akong pinakilala ng aking professor sa aking mga kaklase. " Class! This is Alena Sophia Garcia." " Good Morning." Bati ko at binati din nila ako pabalik. Kaagad akong umupo sa may pinakadulong upuan katabi ng isang babaeng halos hindi na makita ang mukha ng dahil natatakpan ito ng kanyang mahaba at makapal na buhok. Gusto kong magbago pero hindi ibig sabihin non ay kakalimutan ko na ang dati kong buhay. Hindi ko iyon kakalimutan,babaguhin ko lang. Maraming mga bagay na kailangan natin baguhin. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin dapat natin iyong kalimutan dahil kapag nakalimutan mo ang isang bagay ay malilimutan mo na rin ang halaga at leksyon nito sayo. May mga bagay na dapat kalimutan at may mga bagay na dapat tandaan. Hindi ibig sabihin na babaguhin mo ang mga bagay ay kakalimutan mo na ito. Maraming mga tao ang nagbago pero hindi kinalimutan ang nakaraan. Dahil sa oras na kalimutan mo ito ay para mo na rin kinalimutan ang mga aral na napulot mo rito. Napagtanto ko na hindi lang pera at pag ibig ang dapat pahalagahan. Dahil mas marami pa ang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin at iyon ang kasalukuyan. Hindi ang nakaraan at hindi ang hinaharap. Mas mabuti kung magfofocus ka lang sa kasalukuyan at hayaan na lumipas ang nakaraan at hayaan na dumating ang hinaharap. Dahil alam kong nasa atin mismo ang ating kapalaran, tayo ang gumagawa nito at may mga pagkakataon na maganda ang naging kahihinatnan ng ating mga ginawa o kung hindi naman ay masama iyon na pwedeng pagsisihan natin sa buong buhay natin. Gaya ng pagsisi ko sa isang bagay na ginawa ko na nagdulot ng maraming pasakit sa akin. Kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ko na maibabalik ang oras kaya gagawa na lang ako ng paraan para mabago ang aking kasalukuyan at hinaharap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Kaimana, Shemar & Emrys the powerful three

read
3.6K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
611.3K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
6.2K
bc

Alpha's Instant Connection

read
650.6K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.2K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.5K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
816.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook