Bihis na bihis na si Adelhine nang muli siyang lumabas sa silid na ginagamit. Hinanap agad ng mga mata niya si Matteo, ngunit hindi niya ito matagpuan. Kanina pa sila natapos kumain, wala na rin ang hugasing hindi ipinagalaw ng lalaki sa kaniya sa lababo. Ito na raw ang gagawa noon at magpahinga na lang siya. She didn’t stay longer in her room. Nangangati na ang mga paa niya na umuwi. Isa pa, ano pa ba’ng gagawin nila roon? Lumabas siya ng bahay. Nangunot ang noo niya nang makitang wala roon ang sasakyang ginamit nila nang nakaraang gabi. Napansin niya na ring wala iyon kaninang umaga, subalit hindi na niya napagtuunan ng pansin. Tinungo niya ang dalampasigan— nagbabakasakaling naroon si Matteo, pero kahit anino nito ay wala. “Iniwan ba ako ng lalaking iyon dito?” tanong niya sa sarili

