“Love!” may lambing na tawag ni Adelhine kay Matteo “Yes?” Sumulpot ang ulo nito sa likod ng pintuan ng walk-in closet nito. “Can you pull this zipper for me, please? Hindi ko maabot, eh.” Tumalikod siya at ipinakita ang sinasabi. “Okay . . .” Tuluyan na itong pumasok sa loob. Maingat nitong isinara ang zipper ng damit niya. “Thanks,” nakangiting wika niya habang nakatingin sa repleksyon nilang dalawa sa salamin. “You should hurry before I change my mind,” he said while his eyes were glowing like a wildlife. Napailing siya. “I am done.” Pinasadahan siya nito ng tingin, pagkuwa’y tumango-tango. Napataas ang isa niyang kilay. “Pasado na ba?” may pang-aasar niyang tanong. Nakasuot siya ng kulay malamlam na ubeng bestida. Binurdahan iyon ng malalaking dahon sa palibot. Simple lang a

