Iisang linya na ang mga kilay ni Matteo habang titig na titig sa kaharap. “What are you doing here?” Sing lamig ng yelo ang tinig niyang iyon. Ni hindi rin siya kumukurap. Nagkibit ng mga balikat ang lalaki kaharap. “I just asked her forgiveness. That’s all,” anito. “M-Matteo . . .” wika ni Adelhine na sumulpot sa likuran ni Marco. Halata ang takot sa mga mata nito. Nais na niyang pumikit. Hindi niya gustong makita na ganoon siya titigan ni Adelhine. Pero alam naman niyang hindi na iyon mawawala pa rito, lalo na at nasaksihan nito kung ano ang kaya niyang gawin. “Mr. Eversmann,” wika naman ng isa pang tinig sa tabi ni Adelhine. Nang bumaling siya roon, seryosong nakatayo sa tabi nito si Gabby. “Ako na ang magpapaliwanag sa nangyari,” dagdag pa nito na hindi siya hinihiwalayan ng tingi

