Matteo hid a smile while swimming. Kanina pa talaga niya pinagmamasdan si Vera mula sa villa nila, subalit may pag-aalinlangan sa kaniyang dibdib na lapitan ito. He likes her. Aminado na siya sa sariling may nararamadaman na siya para dito. Hindi naman kasi magugulo ang buong sistema niya kung hindi. Hindi rin siya labis-labis na mag-aalala nang matamaan ito ng bala noon sa Basra— kung saan muntik na niyang makalimutang nasa misyon sila at may iba pang mga kasama na umaasa sa kaniya, kung wala siyang pagtingin sa babae. Ang hindi niya lang matanggap ay ang babae ang unang naglahad ng nararamdaman nito sa kaniya. At ang pinakaaayaw niya sa lahat ay ang pinangungunahan siya. “Don’t you just sit here and watch.” Nagulat siya nang may magsalita mula sa nakabukas na pintuan ng kanilang vill

