“Thanks God, you’re safe!” salubong kay Adelhine ni Matteo paglapag na paglapag ng eroplanong sinasakyan nila sa airport. Mahigpit siya nitong niyakap na halos ikapugto ng kaniyang hininga. “Matteo, I can’t breathe,” aniya sa lalaki. Dahan-dahan naman nitong niluwagan ang pagkakayakap sa kaniya. “Sorry,” wika nitong hindi pa rin inaalis ang isang kamay sa kaniyang beywang. Ang isa naman nitong kamay ay inayos muna ang nililipad niyang buhok, saka masuyong hinaplos ang kaniyang pisngi habang titig na titig ito sa kaniyang mga mata. Nababanaag niya roon ang labis-labis nitong pag-aalala sa kaniya. Ngumiti siya rito. “I am safe because of Harper and his men. And also, Bruce and Perry.” Ginaya niya ito. Hinaplos din niya ang pisngi nitong tinutubuan na ng balbas. “Yeah. I owe them once ag

