“What happened?” tanong ng boses sa kabilang linya. Naroon ang Russian accent sa tinig nito. “I’m sorry, boss, but my men got captured. Or maybe, dead,” sagot ng kausap nito. “Maybe . . . ?” Malalim ang tinig na iyon nang may Russian accent, halata ang pag-alpas ng tinitimping galit. “What the f*ck is that answer?!” Hindi nakaimik ang kausap nito. Alam nitong isang maling sagot lamang, kapalit ay buhay nito. “Da**it! Bakit ba wala kayong mga silbi!” Naroon pa rin ang accent nito pero malinaw na malinaw naman ang pananagalog. “Alam mo ba kung gaano kalaking pera ang ginagastos ko sa iyo para lamang patahimikin ang ha**p na Eversmann na iyon, pati na ang kaniyang anak at babae?! You’re worthless! All worthless!” Katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawang linya. Sa takot ng kausap n

