Chapter 90

1730 Words

Panay ang buntonghininga ni Vera habang nakatingin sa along humahampas sa dalampasigan. Naroon siya sa bago nilang private resort sa California at hinihintay ang paglubog ng araw sa kanluran. Nakaupo siya sa buhanginan at nakapatong ang baba sa pinagdikit niyang mga tuhod. Ang buhok niyang sinadya niyang ilugay ay tinatangay ng mabihing hangin na humahampas sa kaniyang katawan. Pagkatapos ng misyon nila sa Basra, pinayagan silang magbakasyon ng dalawang linggo. Muntik pang himatayin ang mommy niya nang makita ang tama ng baril sa kaniyang braso, pati na mga pasa at sugat niya sa buong katawan. Katakot-takot na eksplanasyon ang ginawa niya para lamang mapakalma ang mga magulang. Wala naman sana siyang balak na umuwi, ang kaso, sayang din ang bakasyon nilang iyon. Minsanan na lang niyang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD