Matteo wasn’t talking while driving home. Pagkatapos ng pakikipagpambuno niya sa mga ito, nag-walkout ang lalaki at hindi na siya pinansin. Ganoon din naman ang ginawa niya. Sina Bruce at Perry ang madalas niyang kausap kanina habang naglilinis ang mga ito ng mga tinamong sugat. Mayroon din siyang mga sugat na siya rin mismo ang gumamot. Hindi siya humingi ng tulong sa kahit na kanino, partikular kay Matteo na ramdam niyang halos pilipitin na ang leeg ng mga lalaking nakatitig sa kaniyang katawan. Hindi naman kasi siya kaagad nagbihis, dahil hindi rin niya magagamot ang sariling mga sugat kapag ganoon. Nakatingin siya sa labas ng bintana. Dama pa rin niya hanggang sa mga sandaling iyon ang galit na nag-uumalpas sa katauhan ni Matteo. Hindi siya natatakot sa kung ano mang mangyayari sa ara

