Sumimsip muna siya ng alak sa hawak na kopita bago sumagot, “I think so. Because living in the city gave me the reason to live.” Tumingin din siya sa pinanggalingan nila kaya hindi niya nakita ang pagkunot ng noo ng lalaki. “Why? Are you living alone?” Sandali siyang natahimik. Tinitimbang niya sa isip kung sasagutin ba niya ito o hindi. “You could say pass to that question if you’re uncomfortable talking about it. Hindi naman required na sagutin lahat ng katanungan ko,” anito nang makitang nag-aalinlangan siya. Umiling siya. “No. I won’t pass to that. People around me know that I am all by myself. I am an orphan. I only have Gabby.” Wala namang dahilan para hindi niya sabihin sa lalaki ang totoo. Siguro, mas mainam na rin iyon para kahit papaano ay may mapag-usapan sila habang naglala

