Keena
Habang naglalakad ako papuntang library ay nadaanan ko ang registrar. Nakasalpak sa magkabilang tainga ko ang headset kaya hindi ko na napansin ang mga taong nakakasalubong ko.
Pero kahit may music akong naririnig mula sa headset ay narinig ko pa rin ang boses nang tumatawag sa akin mula sa hindi kalayuan na sa katunayan ay nagawa pa akong habulin para lang makausap.
"Keena?" Hindi pamilyar ang boses na 'yon.
Pagkalingon ko sa kaniya ay hindi ako nakapagsalita, dahil hindi ko naman siya kilala-- o baka naman kasali siya sa isang Club?
Teka, sino naman siya?
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagsalita na naman siya, "Look, Keena, napakaliit nga naman ng mundo, akalain mo magkikita pa tayo rito," mataray pa niyang pagkakasabi.
Paulit-ulit kong ipinasok sa isipan ko ang mga sinabi niya at napag-alaman kong hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya.
"Nababaliw na yata siya, e," bulong ng isip ko.
"O, bakit hindi ka makapagsalita? Hindi ka ba masaya na nandito na ang karibal mo?" Bahagyang napataas ang kilay ko.
At doo'y hindi na ako nakapagtimping magsalita, "Alam mo, miss, kung wala kang mapagtripan, p'wede bang manahimik ka na lang? sagot ko na patanong. Saka ako nagmamadaling umalis upang matalikuran siya, dahil unang-una sa lahat ay wala akong oras sa kapraningan niya.
Pagkarating ko sa may library ay napansin ko na kaunti pa lang 'yung tao. Kaya sinamantala kong gawin 'yung assignment ko sa Economics.
Dahil taxation 'to, siyempre may computation. Sa totoo lang ay ayoko talaga sa Math, pero wala, e, kailangan talagang dumaan sa butas ng karayom kapag kolehiyo ka na.
Seryoso na ako sa ginagawa ko nang bigla na namang may tumawag sa akin. "Keena." Muntikan na akong mapatayo mula sa kinauupuan. Hay, hanggang dito ba naman?
Pagkalingon ko ay agad na nawala ang pagkunot sa noo ko. Lalo na nang makita ko ang maganda niyang ngiti sa akin. Si Vincent.
"Mukhang busy, hah? Ang aga mo naman yatang pumasok."
"Nakalimutan ko kasing gawin 'to kahapon, e," sagot ko subalit sandali akong napalingon sa kaniya dahil hindi na siya nakasagot. Hindi ko alam ay nakatingin lang pala siya sa'kin-- ay hindi-- sa buhok ko.
"Nagpagupit ka pala. You look more beautiful, Keena.." Ewan ko ba kung bakit biglang uminit ang pisngi ko.
"Thanks, Vincent," pagpapasalamat ko. At ipinagpatuloy ko na ang pagsagot habang tahimik lang din naman siya sa tabi ko.
"Nga pala bakit ka pumunta rito?"
"Nakita kasi kita rito sa loob, e. At saka.. hindi pa naman nagsisimula 'yung practice namin."
"Ah.."
Napangiti lang siya ulit. Ugali niya na yata 'yon.
"Siguro naman okay lang sa'yo na samahan muna kita?"
"Ah.. O-oo n-nman," uutal-utal kong sagot. Bakit ba kasi ang sweet niya?
Saktong pagkatapos ko ay saka lamang tumunog ang bell. At dahil magkasama kaming lumabas ng library ay sabay na rin kaming umakyat papunta sa building 2. Pero pagkarating sa may court ay naghiwalay na rin kami dahil nga may practice sila ng basketball.
Subalit hindi sinasadyang mahahagip ng mata ko ang babaeng kumausap sa akin kanina sa may hallway. At doon ko lang nalaman na kilala pala siya sa buong campus, dahil madalas daw itong maging candidate bilang muse sa kahit saang unibersidad man ito pumasok. Sa totoo lang ay maganda naman talaga siya. Pero sa ugali? Ewan ko lang. Siya si Beatrice, ayon kay Vincent.
No'ng nag-lunch break ay sabay kami ni Hennielyn na nagpunta sa may canteen. Buti naman at nakapasok na siya. Ngunit, kapansin-pansin ang paglipad ng isipan niya habang nagkuk'wento ako.
Nang sandaling iyon ay nakita naman namin sila Morisette at 'yung kambal ni Vincent na si Stephen na magkasama.
Kaya naman biglang sumagi sa isip ko ang nangyari noong isang araw.
"Uy, best, bakit parang ikaw naman 'tong malalim ang iniisip?" wika ni Hennielyn.
"Ah.. naisip ko lang kasi kung gaano kaseryoso 'yung kambal ni Vincent kay Morisette?"
Hindi napigilang mapanguso ni Hennielyn. "Ano ka ba, Keena. Ang dami-dami ng problema sa mundo pero ang relasyon ng iba ang iniisip mo!"
"E, bakit naman? Curious lang naman ako, 'no. Isa pa, nagtataka na talaga ako sa sarili ko, e. May nakakakilala sa akin na hindi ko naman matandaan kung saan kami nagkakilala."
Doon bahagyang kinabahan si Hennielyn. Kailan lang ay kinompronta nito si Lithian tungkol sa kondisyon niya habang siya ngayon ay wala pa ring kamalay-malay sa totoong nangyayari.
"A-anong ibig mong sabihin?"
Bahagya siyang napabuntong hininga. "Kanina kasi ay may lumapit na babae sa akin, karibal ko raw? Pero parang, hindi lang kami kanina nagkita, e. Ewan ko ba, ang gulo," napapailing na aniya.
"N-nalaman mo ba kung anong pangalan niya?"
"Oo, B-beatrice?" Hindi siya sigurado. "O-oo nga, Beatrice!" sigurado na niyang sabi.
Nakita niyang napailing lamang si Hennielyn. "Hay naku, hindi mo dapat pinagpapansin ang mga gano'ng tao. Saka, wala ka naman talagang kilalang Beatrice noon pa."
"Gano'n ba?" paniniguro pa niya.
At bago pa man tuluyang makasagot si Hennielyn ay saka naman dumating si Peter at naki-share ito sa table namin kaya naman sandaling natigil ang kaba sa dibdib ni Hennielyn. Siyempre kay Hennielyn siya tumabi. At kahit hindi nila sabihin, mukhang inlove na inlove sila sa isa't isa.
Habang kumakain kami ay napansin ko na nasa kabilang table pala namin naroroon sina Michael, Krisha, Philip at Dave. At nang makita nila ako ay agad silang nag-wave sa akin habang gano'n din naman ang ginawa ko. Napatingin lang sila Hennielyn sa direksyon nila Dave.
"Mga kasamahan ko sila sa Music club," sabi ko at tipid naman silang napangiti.
Habang nagkukwentuhan kami ay bigla naman tumunog ang speaker para sa isang announcement.
"Attention to all students, please proceed to the gymnasium for the general assembly for the upcoming Intramurals. Thank you! Again, attention to all students, please proceed to the gymnasium for the general assembly for the upcoming Intramurals. Thank you!"
Agad namang nagbulungan ang mga estudyante. 'Yung iba ay nagsitayuan na, 'yung iba ay nag-aayos ng mukha, at 'yung iba naman ay tila tinatamad pa.
"Ano, best, pupunta ba tayo sa gym?"
"Oo bakit kayo? Dito lang kayo?" pagbibiro ko at doo'y bumanat din naman si Peter.
"Dito lang kami, Keena." Sabay kindat niya sa akin na tila ba sinasabi na makisakay na lang ako sa joke niya.
"Peter!" Napasigaw naman sa kilig si Hennielyn at pinaghahampas si Peter.
Ganyan sila ka sweet kahit hindi pa naman sila. Nabalitaan ko kasi sa best friend ko na getting-to-know-each-other stage na silang dalawa.
---
After one week ng General Assembly para sa nalalapit na Intramurals ay in-excuse kaming mga officers sa mga academics kasi nga napaka-busy ng week na ito para sa preparation ng performance namin para sa Intramurals.
Maaga akong pumupunta sa school para mag-rehearse at para tulungan si Julia sa mga props na ginagawa namin. Two days before na lang kasi bago ang Intramurals. Kitang-kita naman ni Mr. San Juan ang improvement naming lahat sa Music Club at siyempre, nandito rin si Vincent. Siya 'yung pianist namin. Nakakatuwang isipin dahil ang galing niya lang mag-manage ng time, kalahati sa sports at kalahati sa music. Ako ang leader sa mga singers kasama sina Philip, Krisha, Dave, Michael, Kate at Samantha habang sina Jake at Gelo ang mga drummer namin.
Si Hennielyn, todo suporta sa boyfriend niyang si Peter. Yes sila na nga, kahapon lang at masaya ako para sa dalawang kaibigan ko.
After namin mag-rehearse ay dumiretso na kami sa court kung saan nagre-rehearse rin ang mga cheerdancers na sina Morisette, Michaella, Jenna at iba pa. Sila lang kasi 'yung mga kilala ko, e. Nakilala ko sila sa halos araw- araw na paglilibot ni Julia kasama ako dahil nga sa siya ang Head sa lahat ng Clubs. Sa basketball team naman ay binubuo sila nina Josh, Peter, Tyron, Rob, Mark, Peter, Stephen, Vincent at Lithian. Sila ang mga Wild Dragon Team.
Nakaupo lang kaming lahat sa bench, habang nanunuod nang bigla akong tawagin ni Julia.
"Keena!"
"O, Julia?" sagot ko kaagad. Habang sila Dave ay nakikinig lamang sa amin.
"Nakita mo na ba ang muse natin sa Intramurals?"
"Hindi pa nga, e. Sinu-sino ba?"
Agad niyang itinuro sa akin 'yung babaeng may mga kausap na estudyante. Nakangiti siya sa mga ito.
"Siya?!" gulat kong reaksyon.
"O, bakit? May problema ba? E, maganda naman siya, 'di ba? Sexy pa.." Gusto ko sanang ko sanang kontrahin ang sinabi ni Julia at para malaman nito na si Beatrice 'yung babaeng tinarayan ako noong isang araw.
Pero pinigilan ko 'yung sarili ko.
"Balita ko nga transferee raw yan, e," singit naman ni Krisha.
"At nagmomodel daw talaga 'yan.." dagdag pa ni Dave.
"Siya si Beatrice.." dagdag pa ni Philip.
Napatitig na lang ako sa babaeng tinutukoy nila. Kapansin-pansin na sentro siya ngayon ng atraksyon dahil talaga nga naman na maganda siya.
Kasabay noon ang malakas na hiyawan nang magsimula na ang laro ng Basketball. Nakaupo na muna sandali ang mga cheerdancers na ngayon ay nagchi-cheer para sa Wild Dragon Team.
"Go Wild Dragon Team! Go Rob!" pag-cheer ni Julia.
Si Rob nga pala 'yung ka M.U niya rito sa buong campus.
"Waaah! Ang gwapo ni Lithian!" hiyaw naman ni Krisha.
Pagkasabi niya pa lang sa pangalan ni Lithian ay napatingin na rin ako sa kaniya. At animo'y bumilis na naman ang t***k ng puso ko na parang abnormal.
Bigla kong napansin si Vincent. Nakatingin pala siya sa akin at nag-okay sign.
Nang sandaling iyon ay kinurot naman ako kaagad nila Julia sa tagiliran. Mukhang mas kinikilig pa sila sa akin, e!
Samantala, napansin ko naman si Morisette na nakatingin lamang sa boyfriend niya na si Stephen at siyempre mawawala ba naman si Hennielyn para sa boyfriend niya na si Peter?
Natapos ang game at naipanalo nga nila ito sa kalaban nila galing sa ibang campus na Blue Eagle Team. Masayang-masaya ang lahat habang nakatingin sa dashboard lalo na at malinaw na ipinakita ang final score na 89-92. Dikit na dikit lang talaga ang laban pero wala akong pakialam kung nanalo man ang pangbato naming team. Basta, sinusuportahan ko lang ang dalawa kong kaibigan na sina Peter at Vincent.
Nasundan pa nga ang masayang kaganapan na iyon dahil inanyayahan na kaming mga grupo ng Music Club para mag-perform sa stage. Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko lalo na nang hindi sinasadyang mahahagip ng mata ko na nakatitig sa akin si Lithian.