Beatrice
Finally, nakapag-transfer na rin ako sa University ni Lithian. Business Administration talaga ang course ko pero nag-shift ako ng Culinary Arts para maging classmate kami. In fact, hindi naman talaga ako dapat mag-e-enroll dito kung hindi lang dahil sa kaniya, e. I have a plan and I'll make sure that he will be mine again. Selfish na kung selfish but I'll do everything to win him back. And speaking of Lithian, ang guwapo niya, hindi, e, mas lalo siyang naging g'wapo. Lumaki ang mga muscles niya, unlike we're in highschool.
Nagpunta ako sa may locker room bago ang rehearsal. E, pagngiti at pagkaway lang naman ang ginagawa ko during rehersal. Ganito ba talaga kapag maganda? Just kidding!
Habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ay kinausap ako ni Mr. Ong tungkol sa Intramurals. As usual, partners sila ng Daddy ko sa business namin kaya malakas ako sa kaniya kung kaya't hindi na rin ako nahirapan pa sa mga papers ko para makapag-transfer sa school na 'to.
"Ms. Guillermo, are you ready para sa parade tomorrow?" I nodded and smiled.
"Of course, Mr. Ong. Katulad nang nakasanayan." I flipped my hair and smiled again. At wala na siyang nagawa kundi ang mapatitig sa akin.
"Manang-mana ka talaga sa mommy mo." Sandali akong natigilan. Hindi ko kasi alam kung compliment ba 'yon o pang-iinsulto?
So, I used to show my fake smile. "O, ikaw naman, Mr. Ong, bago pa ba 'yan sa'yo? Anyway, susunod na lang po ako sa rehearsal," sabi ko at doo'y iniwan niya na akong mag-isa roon.
Nang sabihin niya sa akin na isa ako sa magiging candidate n muse sa Intramurals ay hindi na ako nagtaka. Sanay naman na ako sa mga ganiyan, since I was in high school ako na ang palaging pinanglalaban. Iba na kapag maganda at mayaman. Ewan ko nga kung anong meron sa Keena na 'yon at parang patay na patay pa rin sa kaniya si Lithian. And speaking of Keena, nakita ko siya na may mga kasama habang nakaupo sa bench. Hindi niya ako napapansin. Pero siya ay kitang-kita ko ultimo ang pagbigkas ng kaniyang bibig habang kinakausap ako ng make up artist ko na si Jho.
Naging matagumpay naman ang final rehearsal at nag-enjoy akong manuod ng game nila Lithian. As usual, panalo na naman sila. Pero dahil hindi ako makahanap ng tsempo kung paano muling makakalapit sa kaniya ay nagpasya akong dumiretso na lang muna sa isang bar at doon na piniling magpalipas ng oras.
Lumaki na ako sa buhay na ganito, bars, dating, traveling. I just want to enjoy my life of being single. Yes, madami akong nakaka-fling na guys pero kahit isa sa kanila ay wala akong magustuhan. I'm just having a good time since then. At kung bakit naman kasi si Lithian pa rin ang gusto ko kahit na almost four years na kaming wala?
At kung bakit ba kami nag-break?
It's all because of Keena. 'Yung malandi na 'yon. Imbyerna! Seriously, naiinis talaga ako sa kaniya. Tahimik lang pero nasa loob din ang kulo. Lalo na no'ng nakita ko siya sa school. Pero ang nakapagtataka pa ay medyo palaban na rin siya ngayon. Mabuti na nga lang, I had a valid reason para mapasaaking muli si Lithian, dahil nabalitaan kong nag-break na rin sila ni Keena two years ago.
Tinungga ko ang alak na malapit nang maubos at nang maubos ay humirit pa ako sa waiter.
"Waiter, one more please.."
Alam kong medyo tinatamaan na ako. Pero hindi naging dahilan 'yon para hindi ko mapansin ang paglapit ng isang lalaki sa akin.
"Hi miss, can I join you?"
Tiningnan ko siya. Gwapo naman siya, malaki ang katawan, mukhang mayaman at matangkad. But, he's not my type.
I nodded. Well, Hindi na bago sa akin ang makipag-date sa mga hindi ko kakilala, as long as na katiwa-tiwala ang mukha nila.
"So, why you're alone?" he asked again.
Malamang? Wala akong kasama, do I really need to tell him?
"I- I just want to be alone," tipid kong sagot.
Pinagmasdan niya ako at batid ko na napatingin siya sa katawan ko. Kaya naman binigyan ko siya nang mapang-akit na ngiti. Of course, sa ganitong paraan ko talaga kinukuha ang atensyon ng mga lalaki. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi effective 'yon kay Lithian!
"You look impressing huh? Can I kiss you?"
Hindi rin siya prangka, e 'no? I gave him a fake smile. In fact, hindi na rin bago sa akin 'to.
But I'm still virgin though. Hanggang kiss lang sila and I believe that I can control myself kahit na alam kong masarap ang bagay na 'yon.
Hindi na ako sumagot at ako na ang gumawa ng moves para mas lalo ko siyang ma-impress ng galing ko sa paghalik. Nag-e-enjoy na rin naman na ako kaya lulubusin ko na. Kaya naman kahit medyo lasing na ako ay mabilis ko siyang hinalikan. Pabebe pa ba tayo? E, 'yan lang naman ang gusto ng mga lalaki na na e-encounter ko, e. None of them are getting serious of me.
In fact, si Lithian lang ang kaya akong irespeto.
Parang siya itong sumusuko sa pagiging agresibo ko. Hanggang sa pareho kaming mapabitaw sa halik na 'yon. Maya-maya lang ay tumungga na muna ako ng alak bago nagsalita.
"Satisfied?" pang-aasar ko pa.
"Yes. And maybe we gonna do it again," sabi pa niya na may kasamang kindat.
"Wait, are you single?" paniniguro ko pa. "Baka lang kasi may magalit sa akin?"
Napangisi siya. "Do you think ay magagawa ko 'to kung may sabit ako? Of course, I am all yours tonight," mapang-akit pa niyang sabi.
I really don't know on how I used to be hypnotized upon his words. At nakita ko na lang ang sarili ko na hinihila siya patungo sa may parking lot.
I kissed him. A torrid kiss that he'll never forget. And suddenly, he moaned.
Bumitiw na ako, dahil alam ko na kung saan patungo 'to.
"Why?" tanong niya.
Hindi ako makalingon sa kaniya. "I'm sorry," aniya. Natigilan ako. I thought na katulad lang din siya ng ibang guy na hindi marunong mag-sorry. Pero ang mas lalong hindi ko kayang isipin ay kung paano ko ba ipaliliwanag sa kaniya na virgin pa ako. Gayong alam ko naman na isang bagay lang naman ang gusto niya sa akin. Ang katawan ko.
I used to be blue of somewhere. Hanggang sa maglakas loob na akong magsalita, "Enough. It's not your fault. I have to go."
Nakakadalawang hakbang pa lamang ako nang tawagin niya ako.
"Wait." Napatigil naman ako. "May I know your name, please?" I laughed softly.
"O, why do you look like you are interested about me?"
"I just need to know," kaswal niyang sagot.
Ngumiti muna ako at saka sumagot.
"I'm Beatrice, and you?"
"I'm Stephen."
"Alright. Bye! Stephen!" pagpapaalam ko. Saka na ako umalis sa bar na 'yon at dumiretso sa tinutuluyan kong condo.