Chapter 11- Intramurals Day

1520 Words
Keena Ilang oras na lang ang hinihintay bago magsimula ang isa sa biggest event ng Harvard University at ito ay ang Intramurals Day. Ginanap ito sa Sports Center sa Maynila dahil mas malawak dito kumpara sa buong campus. Hindi lang kasi ang mga estudyante sa buong campus namin ang nandito kundi nandito rin ang estudyante mula sa ibang branches ng Hardvard University. Mayroon pang pitong branches ang Harvard University mula sa iba't ibang lugar pero isa ako sa pinalad na makapasok sa main campus nito rito sa Maynila. At dahil nga dito ginanap ang general practice kahapon ng mga athletes ay naging hang over pa rin sa amin ang pagkapanalo kahapon ng aming pambato sa basketball sports. Sa katunayan ay marami pang iba't ibang uri ng sports na sasabak sa kompetisyon at masaya akong makita ang katangi-tanging talento ng mga kapwa ko estudyante sa Harvard University Main Campus. Napalingon ako sa kabuuan ng sports center at makikita ang sa mukha ng mga estudyante ang excitement at kaba. Pero kahit gano'n ay nakikita ko naman ang eagerness ng bawat campus na manalo sa bawat uri ng kompetisyon. Katulad na lang ng cheerdance competition na magaganap din ngayon at makikita ang pag-eensayo ng iba't ibang campus. Habang abala sa pag-o-organize ng event ang officers ng school na pinamumunuan ni Julia De Vera Pascua ay tinutulungan ko siya bilang head na rin ng Music Club. Sila kasi ang responsableng mag-ayos ng stage habang kami naman ay nakatoka sa sound system. Doon nga'y binuhay ng musika ang buong paligid dahil magsisimula na rin ang parade. Ang lahat ng muse sa bawat courses at branches ay nanguna sa parada, sinundan ng mga cheerdancers at maging ng mga athlete players mula sa Basketball, Volleyball at iba pang sports. Sa kabila ng naggagandahang muses ay tunay na kapansin-pansin ang kagandahan ng isa sa mga muse ng main campus at ito ay si Beatrice Guillermo. Halos lahat kasi ng mata ay mapapatitig sa kaniya. Pero ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang maging masaya para sa kaniya, naaalala ko pa rin kasi ang minsang pagtataray niya sa akin. Matapos ang parade ay nagsimula na rin ang event mula sa pangunguna ni Julia. Sinimulan niya ito ng isang taimtim na panalangin, kasunod ang pagbigay galang sa watawat habang kinakanta namin ang National anthem. Pagkatapos ay sinundan ng Doxology. Habang patuloy ang announcement ni Julia ay nasa backstage naman kaming buong grupo ng Music Club para sa aming napipintong performance sa tulong ng aming Music Instructor na si Mr. San Juan. Kitang-kita sa lahat ng mga estudyante ang kasiyahan, wala kang ibang maririnig kung hindi ang ingay ng sound effects, hiyawan ng mga tao at palakpakan. At tila natahimik lamang ang buong sports center nang magsimula na kaming kumanta ng isang worship song, mula sa inibang version ng aming music instructor. At dahil nga hindi makakatugtog sa amin si Vincent dahil kasalukuyan itong lalaban sa sports competition ay nagkaroon ng adjustment sa grupo namin. Pero okay lang naman dahil marami namang p'wedeng tumugtog ng gitara bukod sa kaniya. Nagsimula na ang laban sa sports na Basketball sa pagitan ng Wild Dragon at Blue Eagle na tanging nakapasok sa final round upang magtuos. Gayundin ang pagsisimula ng ibang sports katulad ng volleyball at track and field. "Good day Everyone and Welcome to our biggest event of the year. I would like to represent to you, the Wild Dragon!" wika ni Julia. Kasabay noon ang malakas na palakpakan at hiyawan katulad kahapon. Mga gwapo ba naman ang mga kasali, e. "And also the Blue Eagle!" Naghiyawan din ang mga nasa kabilang campus. "The game is start now. So, enjoy watching everyone!" Nagsimula na nga ang laban, first quarter pa lang. Kitang-kita ang mainit na laban dahil sa dikit ang score nila. Tahimik lamang akong nanunuod hindi katulad nina Julia at Krisha na todo hiyaw ngayon. "Go Papa Lithian!" sabi ni Krisha. "Go Rob! Go Wild Dragon!" wika naman ni Julia. Huling quarter na at mas lalong umiinit ang laban, ilang segundo na lang ang natitira. Nasa Blue Eagle ngayon ang bola habang ang lahat ay nakatutok lang. Sinubukang i-shoot ng Blue Eagle pero bigo sila kaya naagaw ni Lithian ang bola mula sa kalaban. Agad naman ang hiyawan namin nang mangyari 'yon. Sa totoo lang ay ang liksi gumalaw ni Lithian kaya nai-shoot niya ang bola sa natitirang dalawang segundo. Palakpakan at hiyawan naman ang lahat. At pagkatapos ng laban ay nagkamayan ang dalawang panig tanda nang pagtanggap ng pagkatalo ng isang campus dahil wala naman itong personalan. Siyempre ang naging MVP ay si Lithian Duanne Samonte. Nakita ko na maraming nagpapakuha ng litrato kasama siya, maging ang mga estudyante na kababaihan ay pinagkakaguluhan siya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nakatitig lang din ako sa kaniya ng mga sandaling 'yon. Hanggang sa nagpaulan ng confetti at nagtunugan ang mga drums. At ngayon naman ay sadyang binigyan ng grand entrance ang unang campus na magpe-perform mula sa cheerdance competition. Hanggang sa sumabak na rin ang pambato ng campus namin mula sa grupo nila Morisette. Hindi ko maiwasang mapahanga sa kanilang galing. Pero aaminin kong marami pang magagaling. At sa huli, ang hinirang na champion ng cheerdance competition ay mula sa ibang campus. Sa volleyball naman ay nag-champion din ang main campus. Habang first placer naman ang naging pambato namin sa track and field. Sadyang napakasayang araw ang naganap sa buong sports center. Habang nagko-closing remarks si Julia ay nagpunta na muna ako sa may canteen. Bigla kasi akong nakaramdam ng gutom. Mag-isa lang ako dahil hindi ko na nakita pa sila Krisha, si Hennielyn din naman ay walang paramdam. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, kung kailan araw ng Intramurals ay saka naman siya wala, kaya naman hindi ko maiwasan ang malungkot. "Nakakapanibago naman," bulong ko sa sarili. Kaunti lang ang tao ngayon sa canteen dahil halos lahat ng tao ay nandoon sa field. Mabilis kong naubos ang burger at tubig na binili ko at papunta na sana ako ng restroom para mag-ayos ng sarili nang bigla kong nakita si Morisette. Pero hindi lang iyon ang nakakabigla dahil umiiyak siya at ngayon ko lamang siya nakitang umiiyak. Sabagay, hindi naman kasi kami close kaya bagong-bago ito sa mata ko. Agad akong nakaramdam nang awa. At kahit hindi ko pa siya nakakausap ng masinsinan ay hindi na ako nahiyang lumapit sa kaniya. "Morisette.." Medyo nahinto naman siya sa pag-iyak nang makita ako. "Bakit?" walang emosyong aniya. "A-alam kong hindi tayo close pero.. p'wede ko bang malaman kung ano bang nangyari?" Aaminin kong wala ako sa posisyon para tanungin siya ng gano'n kaya kahit nakakahiya ay ito lamang ang alam kong paraan para kahit papaano ay maramdaman niyang may taong concern para sa kaniya. Bukod pa ro'n ay mukhang kailangan na kailangan niya ng comfort ngayon. Pinunasan niya muna ang luha sa kaniyang mata bago sumagot. "He broke up with me.." sabi niya at nagpatuloy muli sa pag-iyak. Kahit hindi niya sabihin kung sino ang lalaking tinutukoy niya ay alam ko kung sino 'yung tinutukoy niya. Pero mas lalong hindi ako makapaniwala sa sumunod na sinabi niya, "Tinanggap ko kahit babaero siya, kahit tina-timer niya ako, ang hindi ko matanggap ay 'yung hindi niya ma-appreciate 'yung pagtitiis ko kahit mahirap na. I never thought that he could broke up with me because of a s**t reason." Itak pa rin siya ng iyak habang sinasabi 'yon. At wala akong ibang masabi kundi ang mapabuntong hininga na lamang. At sa kaibuturan ng puso ko ay masasabi kong naaawa ako para sa kaniya. Kaya naman sinubukan kong kumumpas ng mga salita, "Tahan na Morisette, sa una lang 'yan masakit, pag tumagal.. tatawanan mo na lang 'yan." Bahagya siyang napangiti sa sinabi ko. At ewan ko ba kung bakit nasabi ko iyon. "Naranasan mo na rin bang maiwan sa ere? 'Yung tipong in the end ay naging useless ka lang sa kaniya?" Masakit ang katanungang binitiwan niya pero wala naman akong maisip na kasagutan kaya naman ang tanging nagawa ko na lang ay ang yakapin siya. Hindi ko alam pero parang naiiyak na rin ako para sa kaniya. Hindi ko rin in-expect na ang isang Morisette Go, ang babaeng hinahangaan at pinapangarap ng karamihan ay iiyak sa isang lalaki. Ngayon ko lang din na-realize na hindi naman pala siya mahirap lapitan at kausapin. Totoo nga na, "First impression is sometimes might be a false idea." Nang maghiwalay kami sa yakap ay saka niya langq ako muling kinausap. "Thank you for comforting me, Keena.. maybe, we can be friends?" Napalitan nang kaunting ngiti ang kaniyang labi. Habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa narinig. "O-oo naman.." nakangiti kong sagot. Subalit nasa ganoon kaming sitwasyon nang may dumating.. "Morisette! Nandiyan ka lang pala." Nakaharap ako kay Morisette kaya hindi ko kaagad nakita ang tumawag sa kaniya. At nang tuluyan itong makalapit sa amin ay nagtaka ako nang makita ang gulat sa mga mata nito nang makita niya ako. Para siyang nakakita ng multo. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay lalabas sa bibig nito ang mga katagang labis na magpapaisip sa akin. "Keena? Ikaw ba 'yan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD