"Keena? Ikaw ba 'yan?" Paulit-ulit na nagsink-in 'yon sa isipan ko. Bakit ba ganito? Maraming nakakakilala sa akin na hindi ko naman kilala. Hindi ko na maintindihan. Parte rin ba siya ng nakaraan ko? Nakatingin lamang silang dalawa sa akin habang nananatili pa rin akong walang kibo. Hanggang sa marinig ko na lang ang pagsagot ni Morisette. "Francine, oo, siya nga si Keena.." Yes, thankyou for saving me, Morisette. Mapapanatag na sana ako, e, pero bigla naman nagbago ang expression ng mukha niya. At tila ininsulto pa ako. "Sabi ko na, e. Hindi ka naman pala gano'n kaganda sa personal," mataray niyang sabi kaya nagtaka ako. "At bakit? Saan mo pa ba ako nakita?" sarkastikong pagkakatanong ko. Napangisi siya. "Look, who's pretending to be innocent about her past," natatawang aniya. "N

