Chapter 5- New Friend

1726 Words
Keena Nang makarating na kami sa music room ay saka lamang kami naghiwalay ni Julia. Hindi rin naman ganoon kadali ang maging close si Julia, sa katunayan ay napaka-professional niyang tao. Siya kasi ang President ng Organization namin kaya't halos lahat ng balita ay dumadaan muna sa kaniya. At dahil nga ako ang Head ng Music Club ay isa-isa ko nang nakilala ang mga ka-member ko sa club. Samantala'y tinulungan naman ako ni Julia na mag-assist, kung saan ay pinagsama-sama niya ang mga estudyante according sa mga skills nila. Mayroon sa instruments kagaya ng drum, guitar & piano. Habang ako naman ay naka-assign sa mga singers. Ang saya lang tingnan dahil nagkakaisa kami sa club na ito. At ang mas exciting pa ay nakilala na rin namin ang aming mentor na si Mr. San Juan. Masaya naman ang first day ng rehearsal. Marami akong nakilala katulad nina Michael, Philip, Dave, Krisha, at Maris. "Nice to meet you again, guys!" masayang sabi ko sa kanila. Nagbeso pa kami sa isa't-isa bago pa man kami magpasyang maghiwa-hiwalay. Hindi ko alam pero mas pinili kong magpaiwang mag-isa sa music room. Siguro ay ito ang nahanap kong tamang oras para aaralin ko ulit 'yung itinuro sa amin kanina. Para alam ko na talaga kapag nag-rehearse ulit kami. Nakapatay naman ang ilaw sa stage kaya hindi ako makikilala kung sakaling may makakita man sa'kin. Seriously, medyo mahiyain din kasi ako, e. Ayoko nang masyadong na-e-expose sa maraming tao. Sinubukan kong patugtugin ang piano. Good thing kasi medyo marunong naman ako gumamit nito habang sinasabayan ko pa nang pagkanta. Sinimulan kong tugtugin ang kanta ng High School Musical na, "You are the Music in Me." "Your harmony, to the melody Is echoing inside my head.. To hear your voice above the noi--" Naputol ang pagkanta ko nang may marinig akong bumagsak na bagay sa kung saan. "Ay shemay!" gulat na sambit ko pa. "Bakit hindi mo itinuloy ang pagkanta mo?" Natulala naman ako sa boses na 'yon. "Sino siya? Parang nakita ko na siya," bulong ng isip ko. Subalit natigilan ako nang tumawa siya. "O, bakit hindi ka makapagsalita, Keena?" "K-kilala mo ako?" nauutal na tanong ko. "O-oo? Ahm, actually, kasali rin ako sa music club. Na-late kasi ako kanina kaya nanuod na lang ako." Bahagyang napakunot ang noo ko. "Seryoso? E, bakit parang hindi kita napansin kanina?" Napangiti lang siya kaya tumayo ako at lumapit sa kaniya. Para kasing nakita ko na talaga siya, e. "Alam mo, parang nakita na kita noon.." napapaisip na sabi ko. Inisip ko pa kung saan ko siya huling nakita. At napaawang ang bibig ko nang maalala kung saan 'yon. "Uh-hah.. ikaw nga! Varsity player ka, 'di ba? Yung tumawag kay Lithian no'ng isang araw?" Napaisip naman siya sa sinabi ko. "Ah! Ikaw ba 'yung babaeng nakabungguan niya?" natatawang aniya. "Teka, anong nakakatawa, hah?" "Wala lang, nga pala.. I'm Vincent." Sandaling napatikom ang bibig ko habang napapatangong nakipagkamay sa kaniya. "Nice to meet you," sagot ko. Kapagkuwa'y natahimik kami sandali dahil na rin sa wala na kaming masabi sa isa't isa. Saka ako nagbalik sa harap ng piano. Hanggang sa hindi ko na inaasahan na magagawa niya ulit magbukas ng usapan. "Ah, bakit nga pala mag-isa ka lang rito?" "Ahm, gusto ko lang mapag-isa. At saka, inaaral ko rin kasi nang husto 'yung piyesang itinuro ni Mr. San Juan," mahabang paliwanag ko. At nang muli akong lumingon sa kaniya ay hindi ko namalayang nasa gilid ko na pala siya. "Ah gano'n ba? O-okay lang ba kung samahan kita rito?" Bahagyang napaangat ang tingin ko sa kaniya. "Sigurado ka ba?" "Mukha ba akong nagbibiro?" natatawa na namang sabi niya. Sa totoo lang, ang cute niya kapag tumatawa, kasi nawawalan siya ng mata. "S-sige na nga-- pero, huwag kang makulit." "Yes, miss beautiful," tila sarkastikong sagot niya. Animo'y nag-init naman bigla 'yung pisngi ko sa sinabi niya. Pero itinuloy ko pa rin ang pagtugtog ng piano. "Alam mo siguro mas maganda kung ako ang tutugtog at ikaw ang kakanta," suhestyon niya dahilan para sandali akong matigilan. "Marunong kang tumugtog ng piano?" "A little bit," matipid niyang sagot. "Ah, sige!" masigla kong kasagutan. At ewan ko ba kung bakit tila gumaan agad ang loob ko sa kaniya. E, first time ko lang naman siyang nakausap. Sa katunayan ay hindi ko namalayan na mag-iisang oras na pala kaming magkasama sa may music room. In fact, ang galing naman pala niyang mag- piano, e at napahanga niya ako ro'n. Napatingin ako sa oras. It only ten minutes left before my next class. Kaya naman kahit nag-e-enjoy ako na kasama siya ay nagdesisyon na rin akong magpaalam sa kaniya. "Ah, Vince? Kailangan ko ng umalis, kasi-- may next class na ko, e." "Ah oo nga pala at malapit nang mag-time. Kung gusto mo, sabay na tayo?" pang-aaya pa niya "S-sige," tipid na sagot ko. Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko. "Sandali," aniya dahilan nang pagkatigil ko. "Bakit?" Napahawak pa siya sa kaniyang batok bago bumigkas ng mga salita, "P-pwede ba simula ngayon, e.. kaibigan na kita?" Napangiti ako. Wala naman sigurong masama kung makikipagkaibigan ako sa kaniya. Ito na siguro ang isa sa pinakanakaka-excite na parte ng highschool life, ang magkaroon ng mga bagong kaibigan. "No worries, Vincent." Napangiti siya. "Thank you, Keena. O, tara na?" Napatango na lamang ako. For me, this could be one of the best day here in University. 'Cause I found a new friend. After class ay dumiretso na muna ako sa park na malapit lang sa village namin. Dito ako madalas na pumupunta kapag may problema ako o 'di kaya naman kapag gusto kong mapag-isa. Ang sarap kasi ng hangin dito, napakapresko. Naalala ko pa 'yung ikinuwento sa akin ni Mama na rito raw ako madalas ipasyal ni Papa noong nabubuhay pa siya. "I miss you so much, pa," tanging bulong ko sa aking sarili. Hindi ko man maalala 'yung mga memories na nakasama ko siya, ramdam ng puso ko kung paano siya naging best papa in the world para sa akin. At kahit na mag-isa lang akong anak nina mama't papa ay hindi nila ipinaramdam sa akin na nag-iisa lang ako. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang simoy ng hangin. Sa pagpikit ng mata ko ay may biglang sumagi sa isip ko na mukha ng isang lalaki, pero ang nakapagtataka ay hindi malinaw ang mukha niya sa isipan ko. Kapagkuwa'y bigla na lang sumakit 'yung ulo ko. At hindi ko namalayan na natumba na pala ako mula sa kinatatayuan ko. Nagtaka ako bigla nang imulat ko ang aking mga mata. At bigla na lang akong napatanong sa sarili ko, "Nasa k'warto na ako?" Bakit nandito na ako? Napatingin ako sa pintuan ng k'warto ko nang biglang pumasok si mama. "O, anak, gising ka na pala." Lumapit siya sa akin at tumingin nang may pag-aalala. "Ano pong nangyari, ma? A-at bakit nandito na ko?" Hindi ko maintindihan pero sa kabila nang pagtataka ko ay napangiti lamang si mama--hindi ko alam pero kakaiba ang ngiti niya. "Nahimatay ka kanina at may naghatid sa'yong lalaki rito. Manliligaw mo ba 'yon, anak?" tanong niya nang nakangiti pa rin. Taka akong napaupo sa kama at nang sandaling iyon ay binalikan ko ang pangyayari kanina. Pero wala talaga akong matandaan na may nagdala sa aking lalaki sa bahay. "Lalaki? At sino naman 'yon? At saka, isa pa, ma, wala po akong manliligaw-- wala ngang nagkakagusto sa akin sa school, e," paliwanag ko pa. "Hindi ko natanong ang pangalan, e. Pero ang g'wapo niya, anak!" Hindi ko napigilang mapairap sa kawalan kasabay nang pagbuntong hininga. Hindi ko kasi ma-gets kung bakit kilig na kilig si mama sa estranghero na tinutukoy niya. "O, siya, nevermind na nga lang. Pero ano ba talagang nangyari, ma?" "Hindi ko rin alam, pero ang sabi niya, nakita ka na lang daw niya kanina na wala nang malay kaya nagdesisyon siyang idala ka rito. Pinagtanung-tanong niya pa nga raw kung saan ang bahay natin, e. Hay naku, mabuti na nga lang at mabuting tao ang nakakita sa'yo." Napapatango na lamang ako sa aking mga narinig. "Pero nakapagtataka naman kung bakit siya nagmagandang loob na ihatid ako pauwi, ma. Kung hindi man lang niya nagawang magpakilala." "Ah, basta! Naniniwala ako na mabuting tao ang naghatid sa'yo rito sa bahay. At saka, cute talaga siya. Bagay na bagay kayo, anak!" may panunukso pang sabi ng ina. Subalit tila binalewala niya lamang 'yon dahil isang malaking katanungan pa rin sa kaniya kung sino ba talaga 'yon. Sa tuwina ay bigla na naman siyang napakausap sa sarili, "Kung sino man ang naghatid sa akin rito, thankful ako sa kaniya kasi nagmagandang loob siya na ihatid ako nang ligtas." "Siya nga pala, kumain ka na, anak, nagluto ako ng paborito mong beef steak," wika ni mama nang mapansin niya na nahismasan na ako. Napatingin ako sa orasan at nakita kong mag-a-alas otso na ng gabi. Masyado na pa lang matagal ang oras na inilagi ko sa k'warto. "Sige po, ma, susunod na lang po ako." - "Sigurado ka ba talagang wala kang napansin na lalaking umaaligid-aligid sa'yo?" tanong ni Hennielyn sa akin nang magawa akong i'kwento sa kaniya ang nangyari kinabukasan. Sa totoo lang ay lahat na yata ng k'wento ng buhay ko ay alam niya na. Maski ang pinakamalakas kong hilik ay tandang-tanda niya kung kailan niya 'yon huling narinig. Super close kasi talaga kaming dalawa at kulang na lang ay ampunin na siya ni mama kasi madalas siyang mag-sleep over sa bahay simula pa no'ng mga bata pa lamang kami. "Oo nga, best. Promise, wala talaga. Saka kung may napansin man ako, for sure, kakaripas ako ng takbo sa takot." Tipid na natawa si Hennielyn. "Loka ka talaga. E, mukha namang hindi holdaper 'yung naghatid sa'yo sa bahay, e. Mukhang, secret admirer." "Ano? Secret admirer ka riyan? Walang magkakainteres na magkagusto sa akin, 'no?" "E, bakit naman? Wala ka bang tiwala sa mukha mo?" "Hindi naman sa gano'n, best. Ayoko lang na mag-assume. E, sa dami ba naman ng magagandang estudyante rito sa University, imposibleng may magkagusto agad sa akin." "Ano ka ba, best. Ang ganda mo kaya! At hindi ka lang maganda, hah? Cute ka pa. Oha?" pagpapalakas pa niya ng kalooban ko. "Hay naku, halika na nga at male-late na tayo," wika ko. At doo'y sabay na nga kaming umakyat ng classroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD