Chapter 4- Welcome To The Club

1159 Words
Hennielyn Prats POV Habang naglalakad kami ni Keena pauwi ay pinagmamasdan ko lamang siya. Ibang-iba na talaga siya. Batid ko na nagtataka pa rin siya sa ikinilos ko kanina. Pero dahil kailangan kong panindigan ang naging kasunduan namin ni Tita Flora ay hindi dapat ako magpahalata na apektado sa nangyari two years ago.. Sobrang in-love sina Keena at Lithian sa isa't-isa. At kung ano man ang nakaraan nila, ayoko nang maalala pa iyon ni Keena, kami ni Tita Flora at lahat ng mga taong nagmamahal sa kaniya. Actually. Tanging kami lang ni Tita Flora, ang mama ni Keena ang nakakaalam ng lahat ng nangyari. Matapos ang aksidenteng kinasangkutan ni Keena two years ago.. Flashback.. "Doc, ano pong nangyari sa anak ko?" nag-aalalang tanong ni Tita Flora bago pa man dalhin si Keena sa may recovery room. "She's fine. But she only needs a lot of rest. 'Yung mga injury niya sa katawan ay wala naman masyadong masamang epekto. Pero matindi po ang pagkakatama niya sa ulo. Her head wounds are going to be better if hindi kayo papalya sa pagpapainom sa kaniya ng gamot para sa mabilis na paggaling. Luckily ay hindi nag-cause sa kaniya ng malalang head injury ang iba't ibang parte ng ulo aside sa naalog niyang utak na dulot nang malakas na pagkakabagok. That's why mino-monetize pa namin na hindi ito magko-cause sa kaniya ng traumatic shock." "So ano pong mangyayari, doc?" tanong ko. Nag-aalala na rin ako, masyado kaming na-depressed sa nangyari sa best friend ko. "May possibility na magkaroon siya ng retrograde amnesia, according sa test na nagawa namin, 50/50 of the chance na makaalala pa siya, unless, hindi kayo 'yung nasa isip niya before and during the accident." Nasaktan ako no'n. Bakit best friend ko pa? Kaya naman dinamayan ko si Tita Flora sa pag-iyak. Hindi pa rin namin matanggap na kahahantungan ni Keena ang ganitong pangyayari. Kung saan ay apektado ang pag-aaral niya nang dahil sa nangyari. Mabuti na lamang at nataong summer vacation nang malagi kami ng halos isang buwan sa hospital. Kung saan ay pareho kaming naging abala ni Tita Flora na lakarin ang paghingi ng tulong pinansyal sa mga government agency para sa gamutan ni Keena sa kaniyang mild head injury. Kasabay niyon ay ipinalabas namin kay Lithia na namatay si Keena, ayon din sa naging kasunduan ng mommy ni Lithian at Tita Flora kapag tuluyan nang nailayô si Keena sa buhay ni Lithian. Problemado pa kami sa kung paano maipalalabas kay Lithian na totoong patay na nga si Keena bagama't kasalukuyang nakikipaglaban no'n kay kamatayan si Keena. E, saktong nakahiram kami ng katawan sa morgue ng hospital bilang palabas na bangkay iyon ng best friend ko. No'ng araw ng libing ay wala talagang laman ang kabaong na pinaglalagyan nang inakala ng iba na katawan ni Keena. At pagka-recover din ni Keena ay nagawa nilang lumipat ng tirahan no'ng araw din mismo na na-discharge si Keena sa hospital. Doon sila bumuo ng bagong alaala na mag-ina at paminsan-minsan ay dumadalaw ako sa nirerentahan nilang apartment. Sa kabila no'm ay nagpasya rin kaming mag-transfer ni Keena sa ibang school na mayroon pa ring scholarships at para na rin tuluyang malayô sa buhay ni Lithian. Pero hindi ko naman akalain na muling magtatagpo ang dalawa. Dahil saktong nalugi ang Adamson University na eskwelahan namin noon kung kaya't kinakailangang mag-transfer agad ng mga estudyante sa ibang school. At doon nga kami napadpad sa Harvard University. Masakit man isipin na kailangan naming pagtakpan ang nakaraan pero inisip na lang namin ni Tita Flora na mas makabubuti kay Keena na tuluyan na nitong iwan ang nakaraan para sa ikatatahimik ng kaniyang buhay kapag wala na si Lithian sa buhay niya. Lalo na't kilala ni Tita Flora na malupit kalaban ang mga Samonte. Ilang araw din ang lumipas ay tuluyan nang nagkamalay si Keena. Namuhay ang aming kaba nang mga sandaling iyon lalo na nang mapatitig siya sa amin. Gayundin ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang sabihin niya ang mga katagang, "Mama.." para kay Tita Flora. Tumingin siya sa akin. Hinihiling ko na sana ay maalala niya ako, nakipagpustahan pa ako sa isip ko at muntikan na akong mapaluha nang magsalita siyang muli, "Hennielyn.." At labis ang sayang naramdaman ng puso ko dahil naalala niya ako at hindi lang si Tita Flora. "Anong nangyari sa'kin?" mahinang tanong niya. Nagkatinginan na lamang kami ni Tita Flora. Napagdesisyunan na rin kasi namin na huwag na namin sabihin ang lahat. Mas mabuti pang huwag na lang namin sabihin sa kaniya ang totoong nangyari. Dahil ayaw na namin na masaktan siya ulit. Simula noon, palagi na kaming nakagabay sa kaniya, ikinukwento namin sa kaniya ang mga masasayang alaala. Hanggang sa maka-graduate kami ng high school at mag-enroll sa college. End of flashback. Kung dati ay emosyonal si Keena, mahina at mapagmahal. Ngayon ay sa mama na lang niya at pati sa akin na best friend niya siya nagtitiwala. Nang makauwi na ako sa bahay ay naisipan ko munang magpatugtog ng mp3 ko. Now playing: [Ain't it Fun By: Paramore] Favorite na favorite ko talaga itong kantang ito. Kaya nga na- inspired din akong sumali ng banda, e. Natigilan ako nang mareceived ang isang text message mula sa President namin sa Music Club. "Good day! Tomorrow is our first rehearsal for Music Club. See you at exactly 9 am. Attendance is a must." -Julia. Hay. Makatulog na nga at maaga pa ang pasok ko bukas. Subalit hindi ko inaasahan na pagkagising ko ay masama ang pakiramdam ko kaya agad kong tinext si Keena para ipaalam na male-late akong pumasok. Kagaya ng inaasahan ko ay sermon ang inabot ko kay Mrs. Tan. "Kung hindi ka late ay absent. What's going on Ms. Prats?" "E, ikaw what's wrong with you? Bakit napaka-big deal para sa'yo ng sampung minuto na late ko?" napabuntong hininga na lang siya habang ako ay patuloy na napapailing. Napansin ko ang mga mata ng mga kaklase ko at binalewala ko na lamang 'yon nang makita ko si Keena. Subalit natigilan ako nang hindi lang ako ang huling pumasok. Si Lithian.. Naging sentro siya ng atraksyon at ang nakakainis pa ay ayos lang kay Mrs. Tan ang pagka-late niya. Tss. "Keena, Hennielyn," tawag sa amin ni Julia. "Nareceived niyo ba ang text ko kahapon?" "Oo, Julia." mabilis na sagot ni Keena. "Okay, tara na sa music room." "S-si--" "Susunod kami," tila ma-awtoridad kong sabi. Hinayaan ko na lamang muna na makaalis si Julia bago ko pa man kausapin si Keena. "Best, mukhang hindi magiging maganda ang taon natin," sabi ko. Mukha naman nagtaka ang itsura niya. "Bakit naman?" Napailing na lang ako at hindi ko inaasahan na makikita kong nakatingin sa direksyon namin si Lithian. Kaya gumawa ako ng dahilan para makaiwas. Agad kong hinila papunta ng music room si Keena at napalitan ng saya ang matinding kaba ko kanina nang masalubong namin ang mga kagrupo namin na masayang pinaunlakan ang pagdating namin. "Welcome to the club!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD