Lithian Duanne Samonte's POV
AFTER A YEAR of moving on because of the death of my ex-girlfriend, Keena. Ay tila nakikipaglaro naman sa akin ang tadhana. Dahil hindi lang ako nakakita ng kamukhang-kamukha niya ngunit kapangalan pa.
Papunta sana akong locker room kanina habang nagbigay muna ng time-out si couch sa amin. Practice kasi namin ngayon para sa paghahanda namin sa darating na intramurals. Taon-taon naman 'tong ipinagdiriwang sa bawat University kaya hindi na ito bago sa akin. Sa pagmamadali ko sa paglalakad papunta sa may locker room ay hindi ko napansin 'yung babae kaya hindi inaasahang mabubunggo ko siya. Dahilan para mahulog 'yung mga dala-dala niyang libro.
Bakit kasi hindi rin siya tumitingin sa dinadaanan niya? Badtrip. Pero dahil sa g'wapo at mabait ako ay ako na ang nag-sorry.
"I'm sorry, miss," sabi ko habang tinutulungan ko siyang damputin 'yung mga nahulog na libro niya.
Iiwanan ko na sana siya matapos na tulungan subalit nang magtagpo ang mga mata namin ay tila hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Kinuskos ko pa ang aking mata dahil feeling ko ay namamalikmata lang ako. Totoo ba 'tong nakikita ko?
"Keena.." tanging sigaw ng isip ko.
Pero naisip ko rin na baka kamukha niya lang ito. Dahil parang hindi niya naman ako kilala sa reaksyon ng mukha niya. Isa pa ay alam kong matagal ng patay si Keena.
"It's okay," sagot niya. At halos manlaki ang mga mata ko. Pambihira! Bakit ka- boses pa niya? Nananadya ba ang tadhana?
Natulala na lang ako sa kawalan at napansin ko na lang na kausap na siya ni Peter.
All through the years na sinanay ko ang sarili na wala na si Keena ay saka naman ako halos pinaglalaruan ng tadhana. Pero isang malaking katanungan pa rin sa akin kung-- Si Keena ba talaga 'yun? Posible kayang buhay siya? Pero, bakit hindi niya ako nakilala?
'Yung babaeng minsan nang naging parte ng buhay ko.. 'Yung babaeng minahal ko..
At bakit tila bumabalik 'yung sakit ng nakaraan?
Sa kawalan ay napailing ako. Past is past at ayoko nang isipin.
Kaya nabalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Vincent, "Lithian! Game na raw sabi ni couch."
Hindi ako consistent na nakapasok sa lahat ng subjects ko for this week dahil sa rehearsal ng basketball. Pero sandali akong sumilip sa class room kanina for attendance at doon nga'y hindi sinasadyang mababasa ng mata ko ang list of class officers. Nakita ko ang pangalan ko sa tapat ng escort. Bahagya akong napailing. Bakit ba parati na lang ako napupunta sa gano'ng posisyon? Hindi ba p'wedeng mas tumaas naman ang posisyon ko? E, aminado naman akong may ibubuga rin ako sa katalinuhan. At ang nakagugulat pa ay na-i-nominate pa rin akong escort kahit wala ako sa classroom kanina, ayos!
Doon nga'y nakompirma ko kay Peter na Keena rin ang pangalan niya. Para kasing nabasa ko ang pangalan nito sa pisara pero halatang burado na ang apelyido dahil na rin sa ilang dumating na subject teachers. Kaya nang tanungin ko ang surname nito kay Peter ay hindi na ito nakasagot dahil hindi niya raw matandaan. Natatawa na lang akong isipin na kung paanong nagkaroon ng isang taong kamukha, kapangalan at kaboses ang ex girlfriend ko na matagal ng patay. Posible ba 'yon?
Kalauna'y nasa canteen ako nang lapitan ako ni Francine. Matagal na kaming magkaibigan simula pagkabata. Kaya kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Magkaibigan din ang mga parents namin kung kaya hindi naiwasang maging close kami sa isa't isa. Siya na ang kasama ko sa lahat. Sa tuwing magbabakasyon ang family namin sa States ay hindi p'wedeng hindi kasamang dalawa. Bukod kasi sa magkaibigan ang mga parents namin ay magkasosyo rin ang mga ito sa negosyo.
She loves me so much but I can't back to her what love that she want to give me. Hanggang friends lang talaga kami.
"Hey, pards, what's up? Kanina pa kita tinatawag, e, lutang lang?" biro niya. I smiled at her. Laman pa rin kasi ng isip ko ang pangyayari kanina. "Okay ka lang ba?" tanong pa niya.
Ang bait talaga niya. Siya 'yung taga-comfort ko kapag malungkot ako o 'di kaya naman ay kapag may problema ako.
"Yeah. Pero paano mo nalaman na nandito ako?"
"Ah nakita kasi kita, e."
"O, bakit pala hindi mo kasama ngayon si Vincent?" pagbungad na katanungan ko. Kaya naman nakita ko ang mabilis na pagtulis ng nguso niya. Oo, madalas kong inaasar sa kaniya si Vincent kahit noong nasa Adamson University pa lang kami. Para naman mabaling ang pagtingin niya sa iba, ayoko kasi siyang masaktan, e. Dahil mahalaga siya sa akin bilang kaibigan.
"Pards naman, e," aniya habang hinahampas ako sa aking balikat. Umatake na naman ang pagkasadista niya. "Alam mo naman na ikaw lang ang gusto ko, e." Pero hindi lang siya sadista, matampuhin pa. Nakatutuwa lang talaga siyang asarin.
Maya-maya pa'y nagpaalam na siya na bahagyang ikinataas ng kilay ko. "O, siya, I have to go na, may practice pa kami ng cheerdance, e. Bye, pards! I love you!" sabi niya sabay kindat pa.
"Okay, pards!" sabi ko at kumaway pa siya bago tuluyang lumayo sa akin.
-
Bumalik na ako sa rehearsal matapos kong tumambay sa may canteen. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay pinatigil na rin kami ni Couch Vito sa paglalaro. Kaya naman medyo maaga-aga kaming nakauwi. Hindi na namin pinasukan pa ni Vincent ang natitirang last two subjects. At sa halip ay mas gusto naming ipahinga na lamang ang katawan para bukas. Wala pa namang masyadong ginagawa sa klase kaya panatag kami. At kung mayroon man ay naroon naman si Peter para pakopyahin o gawaan kami sa mga assignments.
Bago ako umuwi ay nagpunta na muna ako ng ministop para bumili ng yosi. Nagyoyosi lang talaga ako kapag stress. Oo, sadyang nakaka-stress talaga kapag uuwi ako ng bahay. Para kang hangin na walang makausap bukod kay yaya. Pareho kasing workaholic sina mommy at daddy noon pa man at halos hindi na kami nagtatagpo sa bahay dahil abala rin sila sa pagpapatakbo ng negosyo.
In fact, ay tumigil na ako noon sa pagyoyosi no'ng naging kami ni Keena.
Pero teka, bakit ko na naman ba siya iniisip? Malabo na siyang bumalik. Sa katunayan ay binibisita ko pa rin ang puntod niya tuwing birthday ko at birthday niya. Dahil alam kong kahit wala na siya ay naririnig niya ang bawat mga k'wento kom
Napabuntong hininga ako sa isiping 'yon. 'Di ko maiwasang balutin ng kalungkutan. Hanggang sa bago ako makapasok ng ministop ay aksidenteng may nakabangga ulit akong babae. Lutang kasi ang isip ko sa kaiisip sa kaniya, e. Kainis!
And speaking of Keena..
'Yung babaeng nakabangga ko rin kanina na kamukha ni Keena ay nasa harapan ko ngayon. What a coincidence?
Pero hindi lang iyon ang ikinalaki ng mga mata ko. Iyon ay dahil kasama niya si Hennielyn.
Nakita ko ang pagtitig niya sa nadumihang jersey ko ng hawak niyang ice creamy. 'Yung paborito rin ni Keena na flavor sa ice cream, ang strawberry.
Pero dahil hindi pa ako sigurado at alam kong imposible na siya nga si Keena ay inulit ko na naman ang mga katagang, "I'm sorry, miss."
Nang magtama ang tingin namin ni Hennielyn ay nakita ko ang pagkatakot sa mga mata niya. Doon na namuo ang sari-saring konklusyon sa isipan ko. Na baka tama nga ang iniisip ko. At baka tama ang hinala ko. Na si Keena ang nasa harapan ko ngayon.
Na buhay siya.
Pero hindi, e. Imposible. Kitang-kita ko no'n kung paano inilibing si Keena. Pero, pambihira! Bakit ang bilis nang t***k ng puso ko?
Sa kabila ng katahimikang bumabalot sa amin ay naalarma ako nang mapansin na kakaiba ang tingin sa akin ni Hennielyn.
At kahit na ramdam kong siya si Keena ay naisip ko pa rin na magtanong. Lalo na't alam ko namang p'wedeng malusutan 'yon. "Keena?" pagtawag ko at paghuli na rin sa magiging reaksyon ni Hennielyn. Si Hennielyn na hindi ko inakalang maglilihim sa akin sa kabila nang pagiging suportado nito sa relasyon namin noon ni Keena.
"Ha? E, paano mo nalaman ang name ko?" Narinig kong wika niya. At aaminin ko na nagsisimula na ako magduda. Lalo na't maraming ebidensya na maaaring makapagpatunay na siya nga si Keena.
Pero kung sakali ngang buhay siya ay bakit hindi niya ako maalala? Sino ang nakalibing sa puntod niya? At kung bakit si Hennielyn ay kilala niya, pero bakit ako ay hindi?
Hindi ko maintindihan. Bitter pa rin ba siya sa'kin kaya kunwari ay kinalimutan niya na ako? Kaya ba pinalabas ng mama niya na patay na siya?
"Fvck, Keena. I'm your ex." Gusto ko 'yong ipagduldulan sa kaniya. Pero tila may pumipigil sa akin lalo na't hindi ko pa naman alam ang magiging paliwanag niya sa lahat ng mga nangyayari.
Na kung bakit nabalot ako sa isang kasinungalingan at kamalian.
At nang sandaling iyon ay sandali kong iwinaglit sa isipan ko ang katotohanang nabuksan sa aking isipan. At sa bahagyang pagkapahiya ay napakamot na lamang ako sa aking batok sabay sabi, "Ah. Nakita at narinig ko lang sa classroom. Ikaw ang class president, 'di ba?" Iyan na lang ang nasagot ko kaysa naman sabihin ko ang totoo.
"Oo, at ikaw din 'yung nakabangga sa akin kanina a-at escort namin," kaswal na sagot niya. Napansin kong wala namang kaduda-duda na hindi siya si Keena dahil nararamdaman kong siya iyon.
Pero kahit gano'n ay ayokong pangunahan siya sa kung anumang pinaplano niya. "Sorry talaga ah," tanging nasabi ko.
At narinig ko ang pagtawag sa kaniya ni Hennielyn kasabay ang agad na paghila. "Keena, halika na."
Sa pangalawang pagkakataon ay napaisip na naman ako sa kawalan..
At ewan ko ba kung bakit parang umiiwas sa akin si Hennielyn na lalong nagpapatibay ng aking pagdududa. Na baka nga totoong buhay si Keena-- at kung ano man ang dahilan nang pagtatago niya sa akin ng katotohanan ay kailangan ko iyong malaman.