Prologue
The scent of sea salt and espresso still clings to the memory of my first day here, when I traded city chaos for quiet mornings and coffee-stained aprons. It wasn't exactly what my parents imagined when I graduated. To them, taking a full-time job as a barista in an old beach café felt like throwing my diploma into the ocean. Pero para sa'kin? This place in San Alunsina—far from home, far from expectations parang nakahinga ulit ako sa unang pagkakataon.
"Every Summertime" by NIKI hums softly from the café's old radio, its speakers crackling like they're trying to hold onto the last echo of the song. Grabe talaga ang init sa Pinas! Today's heat is as unexceptional as ever, making me wish sunscreen came with a built-in air conditioner. The ocean was just steps outside, waves kissed the shore in slow, steady beats. Summer in this town isn't loud—it moves in a lazy, golden rhythm, like the sea breeze that slips through the screen door and wraps itself around my ankles.
The windchime sound as the door is pushed open, pagbibigay senyas na may bagong customer. Nawala ang focus ko sa pag sight-seeing kaya't agad ko naman inayos ang sarili ko at lumapit sa counter.
"Hello po, Good Afternoon! Welcome to Mama's Brew. Ano pong order niyo?" bati ko with matchy eye smile for full service.
Mukhang nasa mid-20s si Ate, habang tinitignan niya ang menu namin, bigla naman nag ring ang phone niya and inexcused ang sarili para sagutin ang tawag. Habang naghihintay sa customer, biglang sumulpot si Cloud, co-worker ko and apo ng may-ari ng Mama's Brew.
"Tinakot mo siguro yung customer kaya umalis, hano?" pagbibiro niya, sabay ngising nakakairita.
"Nakakatawa ka talaga," sagot ko, sabay irap. "Hindi lahat ng tao napapaalis sa ngiti ko, 'noh."
Tumawa lang si Cloud, 'yung tipong nakakaloko pero hindi mo rin magawang hindi pansinin. "Kaya nga eh," sabi niya at sumandal sa counter. "Pero bakit ako, hindi pa rin natitinag? Special case?"
"Hindi. PBB Immunity," balik kong sagot habang nag-aayos ng cups sa shelf. "Aba matagal ka nang exposed, kaya di ka na tinatablan."
"Ganon ba?" Aniya, sabay kindat. "Eh paano kung sabihin kong ngayon lang ako tinamaan?"
Napatingin ako sa kanya, isang mabilis pero matalim na tingin. "Cloud."
"Yes, Misty?" sagot niya agad, may ngiti pa rin sa labi.
Bago pa ako makasagot, tumunog ulit ang windchime sa pinto.
Napalingon kami pareho.
At doon ako natigilan.
Nakahawak pa ako sa wooden countertop, parang biglang bumigat pakiramdam ko. Pumasok si Theo halos hindi nagbago, gaya ng laging sinasabi sa mga pelikula. Same face, same stance—like time moved, but you didn't.
Pero may bago.
May kasama siyang babae.
Hawak nila ang kamay ng isa't isa, at para akong nakakita ng Multo. Multo by Cup of Joe suddenly played in my head, uninvited..
"Mist?" may kalakasan na tawag ni Cloud, napansin niya siguro ang biglang pagbago ng ekspresyon ko.
Pero hindi ko na siya napansin. Ang naririnig ko lang ay ang tunog ng windchime, paulit-ulit, parang nagpapaalala.....
Panandalian, tumigil ang mundo ko.
Sa dinami-dami ng puwedeng araw, at sa lahat ng pweding beach café sa San Alunsina..... bakit ngayon? Bakit dito?
Kung gaano kalingkis ang kapit ng babae sa braso niya, ganoon naman ang bigat ng tingin niya sa'kin. Parang may mga salita na gustong kumawala, pero mas pinili niyang lunukin.
I let out a breath I didn't know I was holding.
Noah said something beside me, pero para akong nasa ilalim ng dagat. Ang malinaw lang ay sariling t***k ng puso ko, mabilis,maingay at parang may habulan sa dibdib ko.
At gaya ng ulan matapos ang gabi ng alitaptap, bumuhos sa'kin ang lahat—'yung huling tingin, huling hawak, huling salitang hindi ko kailanman narinig.