Chapter 3: Hopeless in His Arms

2892 Words
Naramdaman ‘kong tumama ang hininga nito sa’king tenga. Hindi ‘ko talaga maintindihan ang nangyayari. Madilim ang paligid pero alam ‘kong halimaw ang nasa harap ‘ko. Si sir Espinoza, ang halos sambahin ng lahat dahil sa mukha nito—ay isang halimaw! “B-Bitawan mo ako.” I plea. Naramdaman ‘ko ang hininga nito sa’king pisngi, ganon siya kalapit! I was so scared. Ano ang nakita ‘ko sakanya? Namamalik-mata lang ba ako? Nananaginip? O nawawala na sa sarili? Ipinikit ‘ko ang aking mata. Is this a nightmare? “Marisol. ..” He said huskily. “Ikaw ba ‘yan? Natatandaan mo ba ako? Nararamdaman mo?” Tila nanunuyo ito. I cringed in disgust. My forehead knotted. Who is Marisol? Hindi ako si Marisol! It's obvious! I am Behati, his student! How dare him to act like this?! Sobrang naguguluhan ako at hindi alam ang emosyon na dapat maramdaman. I was scared, but also confused. Takot sa pwede niyang gawin, takot ako sa anyo niya. Pero naguguluhan ako. ..How can this happened to him? Sunog na sunog at tusta ang balat niya! How can he manage to live? "Marisol. .." He sniffed, "Hindi mo alam kung gaano kita katagal hinintay." Puno ng paghihinagpis na sinabi nito. Kahit umiiyak ay nandiri ako sa inakto nito. He’s acting like a predator. ..Is he a r****t? A psychopath? Gusto ‘ko itulak si sir palayo, pero hawak nito ang beywang ‘ko. Nanginginig ang kalmanan ‘ko dahil sa inaakto niya. “S-Sir. ..Lumayo ka na.” Pagmamakaawa ‘ko, “Hindi ako s-si Marisol. ..” Bulong ‘ko dahil sa panghihina. Sinubukan ‘kong buksan ang aking mata, ng magsalubong ang tingin namin ay napaiwas ako. His eyes were longing for something. ..Sinubukan ‘kong isiksik ang katawan sa pader—pero kada ginagawa ‘ko iyon ay lalo lang niyang inilalapit ang sarili. .. Mahabang katahimikan ang lumipas. Anong gagawin niya sa’kin? Is he going to kill me? r**e me? Napagigtad ako ng hawakan nito ang batok 'ko. He rested his calloused palm there. “S-Sir. ..” Kailangan ‘ko makatakas. ..pero ayoko itong galitin. ..baka patayin niya ako! Anong klaseng nilalang si Sir? “Sasama ka sa’kin.” Aniya. Naramdaman ‘ko ang magaspang hawak nito sa'king kamay. “S-Sir. ..Wag.” Iling ‘ko sakanya. “P-Pakawalan mo ako.” Sinubukan ‘kong hilahin ang aking braso, pero lalo lang humigpit ang hawak niya. Hinawakan nito ang ulo ‘ko at hinaplos. Napaiwas naman ako ‘don. Lalo akong humagulgol. He sighed. I tried to scream for help. Lalo siyang umiling, when he snap his fingers—parang nawala ang mga ingay na galing sa labas. Ang mga tunog ng sasakyan, pagaspas ng hangin. ..What is happening? “Marisol. ..Magtiwala ka sa’kin.” Tumama ang hininga nito sa leeg ‘ko. I cried. Nanginig ako sa takot. This is confusing me! Gamit ng natitirang lakas, tinulak ‘ko siya. Niyakap ako nito. “Ang tagal kitang hinintay.” He muttered. I shook my head while looking in his eyes. Hindi ‘ko siya maintindihan! "Hindi ako ang hinihintay mo!" Tanggi 'ko kay Sir, pero hindi nito pinansin ang sinabi 'ko! Instead, he rest his head on my shoulder! Na-estatwa ako ng maramdaman ang hininga niya sa balat 'ko. Umiling ako kay sir. Kung sino man ang tinutukoy niya—hindi ako ‘yon! Humagulgol lang ako at ilang beses na umiling. Hindi ‘ko alam kung anong nagyayari ngayon—at sana panaginip na lang lahat ng ‘to. Sana magising na ako sa bangungot na ‘to. "Hindi ako 'yon. ..Hindi ako." I cried on him. Nag-angat ito ng tingin sa’kin at hinawakan ang pisngi ‘ko, “Shh.” Nahihibang na suway nito sa pag-iyak ‘ko. ”Walang mangyayari sayo, nandito na ako.” He assured. Lalo akong natakot. Anong binabalak niya? "Sir sige na. ..Hindi ako." Tanggi 'ko pa dito. But he just shook his head at ikinulong ang mukha 'ko sa kamay niya. Inilapit nito ang mukha—mabilis naman akong pumikit. His skin were burned. ..It's horrifying. ...His acting weird. .. Halos hingalin ako dahil pinipigilan 'ko ang paghinga! "Stop saying you're not her. ..It's pissing me off." He warned me. "Hinintay kita ng ilang daang taon. Don't be unfair on me. ...Okay? I'll take care of you." Baliw na sinabi nito. Habang nasa dibdib nito ay patuloy lang ang pag-iyak ‘ko. Pilit akong kumakawala—pero pag nararamdaman ‘ko ang balat nito sa’kin ay natitigil ako. Totoo bang sunog at sugat-sugat ang balat nito? Bangungot ba ‘to? Hindi kaya. ..nabaliw na ako ng tuluyan? “Sasama ka sa’kin. ..” Niyakap ako nito ng mahigpit at hinalikan sa noo. “Hindi na tayo maghihiwalay, Marisol.” Natakot naman ako ‘don. Saan niya ako dadalhin? Anong gagawin niya sa’kin? I can’t help but to feel scared for my own life. Umiling ako. “H-Hindi sir. ..” Pumiyok ako. “Nagmamakaawa ako sir.. .Hindi ako si Marisol.” Pinagsaklop ‘ko ang aking kamay, nagmamakaawa At kung sino man si Marisol ay naaawa ako sakanya. Ang isang halimaw na ‘to. ..ay kawawa kay Marisol. “Shh. ..Baka makasama sa’yo ang sobrang pag-iyak. Stop denying your identity. ..” Ang nanunuyo nitong boses ay napalitan ng awtoridad. “Hindi mo magugustuhan ang mangyayari, Marisol. ..” Pagbabanta niya. Umiling ako. Naramdaman ‘ko ang haplos nito sa batok ‘ko. I need to get out from here! Sinubukan ‘kong itulak ang malaking katawan nito. Nawalan ito ng balanse—pero ilang saglit lang ay tila may humila sa paa ‘ko—at sumunod ‘non ay parang hininihila ako ng antok. .. No. ..Hindi pwede. Hindi ako pwede mawalan ng malay. .. Ilang beses ako umiling. .. Hindi. .. “Did that hurt? I’m sorry. ..” Naramdaman ‘ko pa ang haplos nito bago mawalan ng malay. No. .. Nagising ako ng umiiyak pa ‘rin. Umiling ako ng ilang beses ng maalala ang haplos at hawak sa’kin ni sir. I feel dirty. Ang sunog na balat ni Sir hanggang leeg ay hindi ‘ko makalimutan. Napasabunot ako sa sarili. Nawawala na ‘ata ako sa ulirat. Am I losing my sanity. .? What kind of dream is that? Hindi 'ko maintindihan. .. I feel so scared and terrified. Habang bumabalik sa’kin ang nangyari kanina. ..Napahinto ako sa pag-iyak ng mapansin ang paligid. Gumapang sa’kin ang takot ng hindi makilala ang magarbong kwarto. Napailingon ako sa malaking kama. Mabilis akong napatayo. Nasaan ako? Napatingin ako sa mahaba at puting damit na suot ‘ko. Saan galing ‘to? Lalong gumapang ang takot sa’kin. Hindi pwede! Hindi 'ko nakilala ang paligid. ..What is happening? Pinakaramdaman at kinapa ‘ko ang sarili. Walang masakit at walang nabawasan sa panloob ‘ko. Pero hindi nabawasan ang kaba ‘ko kahit ganon. My lips are trembling. ..anong gagawin nila.. . Anong balak nila. ..What did I do? Para maparusahan ng ganito? Paano ako makaalis? Napalingon ako sa terrace ng kwarto. Lumilipad ang puting kurtina sa silid dahil sa hangin mula sa labas. Tumakbo ako papunta ‘don. Pero nadismaya ng makita na puro puno ang nasa lugar. At nasa mataas na silid ako. Napatakip ako ng bibig at umiyak. The trees seems endless. Wala akong makita na ibang gusali! Oh my god. .. Kung tatalon naman ako ay mamamatay ako. Nanghina ako at tulalang nakaupo sa teresa. Hindi ako gumalaw doon. Tintimbang 'ko ang mga nangyayari. I keep convincing myself that this is all a dream while crying. Hinawakan 'ko ang aking kamay para pahintuin iyon sa panginginig. I can't be like this. .. Totoo ba ‘to? Hindi pwede! Hindi! Kailangan 'ko gumawa ng paraan! Tumakbo ako sa pintuan, pero sarado iyon. Sinubukan ‘kong buksan iyon pero wala. It’s locked! I lick my lip and roam my eyes around. Nasaan ako? Kailangan ‘ko makatakas! Napaatras ako ng ma-realize ang pwedeng nangyayari ngayon. Napatakip ako ng bibig para pigilan ang ingay mula sa’king pag-iyak. Hindi pwede. Panaginip lang ‘yon, diba? Si Sir? It's impossible. Nanlambot ang kalmanan ‘ko ng maalala ang itsura ni sir. Si sir ang kasama ‘ko kanina. .. si sir. ..Ang huling kasama 'ko. ..bago mawalan ng malay ay si Sir. .. Now I am in a place. ..that is foreign to me. Natawa ako at umiling. Halimaw. ..Hindi pwede. Hindi totoo ‘yon. Panaginip lang ‘yon. Panaginip lang ‘to. Napahinto ako ng marinig ang pagbukas ng malaking pintuan sa kwarto. Nanginig ang aking labi sa takot bago i-angat ng dahan-dahan ang tingin. Una ‘kong nakita ang sunog at sugat-sugat na kamay. ..Ganon ang nakita ‘ko pataas hanggang leeg. Napatili ako at umatras. Sunog ang kalahating mukha ni Sir! Pati iyon ay may sunog at sugat na! Anong nangyayari!? Halimaw siya! Anong gagawin niya sa’kin?! May halimaw sa harap ‘ko! Saglit akong nawala sa sarili at inisip ang pwedeng ibato na gamit sa lalaki. I threw him a vase, he just dodge it easily. I took a step backwards when he glared at me. .. Sir just shook his head and while sighing. Nakakunot ang noo nito pero mukhang naawa sa’kin. Anong gagawin niya!? Naawa? Don't be fool, Behati! Talagang maniniwala ka na naawa sa'yo ang lalaking 'to?! “Anong ginagawa mo sa sahig?” Akmang hahawakan ako nito pero mabilis akong umatras. "Why did you throw the vase? Nasagutan ka ba?" He said, acting very concerned. “Huwag. ..ka lalapit.” Iling ‘ko sakanya. “H-Halimaw ka. ..” I whispered while looking at his burned flesh. Totoo baa ng lahat ng ‘to? But this is so impossible! Paano magiging totoo ang lahat ng ‘to? He sighed, “Marisol, sinumpa akong makikita mo ng ganito—“ “Tumahimik ka!” I shrieked. “Hindi ako si Marisol. I am Behati! Not Marisol!” I shook my head. Sinumpa na makita siyang ganyan? Anong sinasabi niya?! “Okay. ..Behati,” he tried to console me. “Calm down. ..” Aniya at akmang lalapit ulit. Mabilis akong natawa. Kung siya kaya ang nasa sitwasyon ‘ko? Hindi ba siya mawawala sa sarili? Nakatayo lang si sir habang tinitignan ako—parang naaawa. Kung naawa siya, hindi niya dapat gawin sa’kin ‘to! Kailangan niya ako ibalik sa dati ‘kong buhay. ..ayoko na. .. “Pakawalan mo ako sir. ..” Nanghihinang sambit ‘ko. “Hindi ako si Marisol. Mananahimik ako sir sa lahat ng nangyari. ..” I explained to him. It’s true, I am willing to stay silent. Ayokong makita siya. ..I will lose my sanity if I keep seeing him. And I am sure this is a nightmare. But I can't stand seeing him so. ..I need to do something. I need to escape from him! Ayoko mamatay sa loob ng isang bangungot! Umiling siya at sinubukang lumapit—pero mabilis akong umatras. “Hindi pwede, matagal kitang hinintay. ..Ngayong nandito ka na—“ “Hinihintay mo ako?” I cut him, nakakatawa siya! “Wala kang makukuha sa’kin sir. ..Nagkakamali ka. ..” I explained him again. “Ikaw ‘yon.” Aniya. “Ikaw ang nakakakita nito.” Turo niya sakanyang mukha. Is he talking about his burned skin? Pero anong kalokahan ‘yon? Napailing ako. Sinungaling siya. Alam ‘ko. Imposible ang sinasabi niya. Baliw siya. At hindi ako pwedeng madamay sa kabaliwan niya. Ikakapahamak ‘ko kung magtatagal ako rito! He’s insane! Hindi ako maniniwala sa dahilan niya! Sinumpa? Anong tingin niya sa’kin? Bata? “Mari—“ “Behati!” Pigil ‘ko sa pagtawag niya sa’kin ng ibang pangalan. Hindi ako si Marisol. At papatunayan ‘ko ‘yon sakanaya. “Sir. ..Nagmamakaawa ako. Ibalik niyo na ako.” Kahit nandidiri sa mukha nito ay tinignan ‘ko ang mukha niya. Umiling siya. “You are Marisol. ..” Tinuro nito sa’kin ang bitbit na tray kanina. “Eat. Naubos ang lakas mo kakaiyak.” Utos niya sa'kin. Umiling ako, “Sir. ..P-Pakawalan niyo ako.” Pilit 'ko sakanya. Tinignan lang ako nito—pero alam 'kong wala na itong awa sa'kin. I can read his eyes right now—It was lifeless. Halatang wala na itong pakialam sa'kin. “Eat.” Walang ganang sambit nito. Pumunta na ito patungo sa pinto. Mabilis naman akong humabol—pero ng humarap siya ay napahinto ako. He look very dangerous. Nakakakatakot talaga ang balat niya na parang sinunog. “Huwag mo akong hintayin magalit. ..” His voice is so scary. I bit my lip. Kailangan ‘ko ng umalis dito. He can harm me. Tinignan ako nito ng pagka-seryoso. “You are Marisol.” Deklara nito bago isarado ang pinto. Umiling ako. Hindi ako si Marisol. .. Nanghihina akong napaupo sa sahig at tinignan ang sinag ng araw na tumatagos mula sa mahahabang kurtina. This is a nightmare. Panaginip. Masamang panaginip. Ipinikit ‘ko ang mata at hindi namalayan na nakatulog sa sahig, absorbing things. ..This is so terrifying. Please god, help me. Nagising ako ng nasa kama na. Gabi na ‘non. Napaiyak ako ng. ..nandito pa rin sa malaking kwarto. Natatakot ako nab aka makita ulit ang halimaw. .. Ayoko na rito. .. Maawa kayo. Katok ‘ko iyon sa langit. Na sana marinig ng Diyos. Mabilis lang lumipas ang mga oras. Umasa ako habang natutulog ay wala na ako dito. ..Pero hindi. Nandito pa ako sa nakakatakot na silid. Narinig ‘ko ang pagbukas ng pintuan. Mabilis akong naalarma. Isiniksik 'ko ang sarili sa dulo ng kama. “You’re crying again.” He entered the room. Napalingon ako sa boses na ‘yon. Tila gumagapang ang sunog niyang balat sa mukha. Noong kanina lang ay nasa kalahati lang ng mukha nito.. .Ngayon ay gumagapang na papunta sa kabila. Parang kinakain siya ng mga sugat. .. “Halimaw.” I cursed at him. Lumambot saglit ang tingin nito. Pero agad din bumalik ang matigas na ekspresyon. “Hindi ka pa kumakain. Kumain ka na.” Inilapit nito sa’kin ang tray. Hindi ‘ko iyon pinansin at patuloy lang sa pagluha. “Mariso—“ Tinabig ‘ko ang pagkain. “Ilang beses ‘ko ba sasabihin na hindi ako si Marisol!” I shouted. “Hindi ako si Marisol! Ibalik mo na ako. ..nagmamakaawa ako. ..Hindi ako si Marisol.” Nanghihinang wika 'ko sakanya. Umiling siya. “Masama magsayang ng pagkain.” Niligpit niya ang mga kalat, hindi pinansin ang sinabi ‘ko. “Masama ‘tong ginagawa mo sa’kin!” I hissed. “Mamamatay ako dahil sa’yo!” I glared at him. Napaiwas ako ng nilingon ako ng matalas nitong titig. “Ang tagal kitang hinintay. Hindi ‘ko hahayaan na mamatay ka. ..mawala ka. ..o kunin sa’kin.” He remarked. Lalo akong natakot sa sinabi nito. What? Hindi niya hahayaang mawala ako? Kunin? Who is he? Anong kailangan niya sa'kin? Is he going to r**e me? What? Parang sasabog ang utak 'ko sa mga naalala. He's our professor—he kidn*pped me because he's insane. I need to get out of here. Bago pa ako mahawa sa kabaliwan nito. .. Umiling ako. “Mamamatay ako dahil sayo, halimaw ka.” I declared. Umiling si sir. “Iyana ng pinakahuli na pwedeng mangyari sayo habang nandito ka sa’kin.” He assured me. Nag-angat ito ng tingin at tinignan ako ng napakalalim. Napayuko ako. “Sir. ..ibalik niyo na ako sa’min.” Kalmado, pero naiiyak na tugon ‘ko. Nakakatakot ang pinagsasasabi niya. Para siyang obsess—wala sa sarili. Halimaw na at baliw pa. ..Kailangan ‘ko makaalis ito.. .papatayin niya ako. “I can’t. The guardians will do something. ..” Tumayo siya, bitbit ang mga basag na plato. “Magdadala ako ng pagkain. Kumain ka na. ..huwag mo basagin.” Nang umalis ito ay doon ako nakahinga ng maluwag. Muling nagluha ang mata ‘ko. Kailangan ‘ko makalabas. Kailangan ‘ko makaalis. Kailangan ‘ko ng pang-depensa. Kailangan ‘ko ng plano. Napatingin ako sa flower vase. ..Wala sa sariling kinuha ‘ko iyon at nagtatago. Inaabangan siya na pumasok. Malakas ang t***k ng puso ‘ko dahil sa pwedeng mangyari. Pero isa lang ang gusto ‘ko. Ang makaalis dito. Kailangan ‘ko makaalis. Halimaw siya at baliw. Pwede niya ako patayin. Hindi siya tao. Hindi siya normal na tao. Pagkapasok na pagkapasok ni sir ay hinampas ‘ko ng malakas sa ulo niya ang vase. Nabitawan niya ang hawak na pagkain at sumigaw. Nanginig ako ng panandalian dahil sa sigaw nito. Napaatras ako. .. Nang mapaupo siya ay itinapon ‘ko sa likod niya ang vase. Mabilis akong tumakbo palabas. Nang makababa sa hagdan ay umawang ang labi ‘ko sa laki ng bahay. Pinagsawalang-bahala 'ko na lang iyon. Tumakbo ako, kailan 'ko makaalis dito. .. “Nasaan ako. ..” Wika ‘ko habang hinahanap ang pinto palabas. Nararamdaman ng paa ‘ko ang malamig na marmol habang tumatakbo.This is not a normal mansion. This is a castle. Lalo itong nagpakaba sa’kin. Nang makita ang pintuan na tila kasing laki ng simbahan ay hinila ‘ko iyon. Nang mahila iyon ay. ..nakita ‘ko ang lugar na purong puno. Bundok. Saan niya ako dinala? Tumakbo lang ako ng walang direksyon. Ang mahalaga ay makaalis ako sa puder ng halimaw na ‘yon. Kahit nasusugatan na ang mga paa ‘ko ay hindi pa ‘rin ako tumigil sa pagtakbo. Tila walang katapusan ang dilim. I can’t find where the main road is. Napahinto ako ng makita ang isang bulto ng tao. It was him. Lalo akong natakot. .How did he follow me? He's not normal. ..I need to get away from here! Napailing ako. .. No. Hindi pwede. .. Napaatras ako at sinimulang tumakbo sa ibang daan. Hindi, hindi! Napalingon ako sa’king likod at nakitang wala ng humahabol sa’kin. Kinabahan ako. Nasaan na? Did I lost him? Siya ba iyon? Napasubsob ako sa isang bagay. Mainit ang katawan nito. Pumulupot ang kamay nito sa'king beywang. Napailing ako. No...No! “Damn baby. ..You know how to hit.” Hinaplos nito ang buhok ‘ko. “Bakit ka tumatakbo? It’s okay. ..I’m not mad. Huwag ka umalis.. .Hinding-hindi ka ‘rin naman makakaalis. ..” Bulong niya sa’kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD