Cuatro

1818 Words
Lesley's point of view Natatawa akong nakatingin kay kuya Zeus. Dahil parang ngayon lang napunta sa palengke. Alam ko naman na hindi sanay si Kuya Zeus sa ganito. Pagdating pa lang nila alam ko na na katulad siya ni Doc Treavor na may kaya sa buhay. " Is it safe here? Malinis..." napatingin si kuya Zeus sa akin, "... Malinis ba ang mga mabibili rito?" Kita ko sa mukha ni kuya Zeus na nag-aalangan pa kong sasabihin 'yun o hindi. Ngumiti naman ako rito. "Malinis dito kuya. Mukha lang madumi ang lugar pero okay naman. Palengke ang tawag dito, lahat ng mabibili mo rito ay sariwa. Kahit sa gulay ay mga bagong kuha mismo," paliwanag ko. Naiiling ito bago nagkamot ng ulo. "I'm sorry, " nahihiyang sabi nito sa akin. "Okay lang, kuya. Mukha kang mayaman kaya-" "Hindi ako maarte. I'm sorry again. Let's go?" nakangiting aya nito sa akin. Kaya ngumiti ako rito at sinabayan siya sa paglalakad. Nakasunod lang ito sa akin at natatawa pag tumatawad ako. "Wow, that's big. How much?" natigil ako ng marinig ko si Kuya Zeus. Nakita ko siya na nakatingin sa malalaking hipon. Lumapit ako rito at hinayaan siya na mamili. " This is fresh," manghang sabi nito. Natatawa ako sa reaction niya. Parang ngayon lang namili. " 380 isang kilo, Anak. At fresh na fresh 'yan, kakakuha ko lang sa mga mangingisda kaninang madaling araw. Bwena mano," sabi ni Ale. "380? Ang mura naman niyan hindi ka ba malulugi, Lola?" tanong ni Kiya Zeus. Hindi ko na napigilan at natawa ako nang malakas. "Hahaha, magkano ba ang alam mong presyo niyan Kuya?" "Hmm, 1 000 for 1 piece! I don't have idea pero kung base sa mga restaurant na napuntahan ko ang mahal niyan," sabi pa nito. "Mura lang dito, Anak. Kaunting tubo lang sa benta okay na ako basta maubos at may pambili ng bigas." sabi ni Ale. "Kukunin ko po lahat," nakangiting sabi ni Kuya Zeus. Nakikita kong napakabait ni Kuya Zeus, kaya siguro ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi lang halata sa mukha nito dahil hindi ito pala-ngiti katulad ni Kuya andrei. "Talaga, Anak? Ay naku, salamat. Makakauwi ako ng maaga nito. Maraming salamat, ang gandang lalaki mo at ang bait mo." naluluhang sabi ni Ale habang nilalagay sa plastic ang lahat ng paninda. "Ito na, Anak. Sampong kilo 'yan. 3,500 na lang, discount mo na 'yung 300. " inabot nito kay Kiya Zeus ang tatlong plastic. Kasabay nuon ay naglabas si Kuya Zeus ng ilang libo at inabot 'yun sa Ale. "Naku, Anak. Sobra itong bayad mo. 3,500 lang... 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10. Hanla, 10 thousand. Sobra ito," sabi ng Ale na binilang pa ang ilang libo na inabot ni kuya. Binabalik ng Ale ang sobra pero ngumiti si Kuya Zeus at hindi tinanggap ang pera. "Sa inyo na 'yan, Lola. Bumili ka ng madaming kilong bigas at masarap na makakain. Sa tandang mong 'yan, you deserve a good life. I know that money is not enough, but I hope it will help you and your family." sabi nito. Lumapit pa si Ale kay Kuya Zeus at niyakap nito. "Hulog ka ng langit. Napakalaking tulong nito, Anak. May pambili na ako ng gamot ng anak ko," laking pasasalamat ng Ale. "Lesley, kong boyfriend mo ito. Huwag mo ng pakawalan. Napaka-bait niya at alam kung magiging mabuti siya sayo," sabi nito na napaharap sa akin. Ngumiti lang ako. Hindi ko kilala ang karamihan dito pero alam kung marami ang nakakakilala sa akin dahil ako ang alaga ni Lolo Encarnacion. Pabalik na kami sa kotse ng maisipan kong kausapin si Kuya Zeus. "Ganu'n ka ba talaga, Kuya? Ang bait mo kasi tapos nakita kong napatitig ka sa matanda," sabi ko. Akala ko hindi niya ako sasagutin dahil kinuha niya ang mga hawak ko at nilagay sa kotse. Pero pagkapasok namin sa kotse tumingin siya sa akin. "May soft spot ako sa mga Lola. They deserve everything in life, at their age dapat hindi na sila nagttrabaho. My Lola died when I was 10 years old, I cried a lot because I'm a lola's boy. Kaya pag nakakakita ako ng mga matatanda na nagttrabaho pa, gusto kong tumulong kahit sa maliit na bagay lang." kwento niya. "Sigurado akong proud sayo ang Lola mo. Ang bait mo kasi kuya... Okay ka lang?" tanong ko ng mapatitig siya sa akin at kita ko ang lungkot sa mata niya. "Naalala ko lang ang kapatid ko sayo, kung-kung nabubuhay pa siya. Sigurado akong kasing ganda mo siya," nakangiti nitong sabi bago paandarin ang sasakyan. Gusto ko siyang yakapin para sabihing okay lang ang lahat pero nahihiya ako. Sa biyahe muli siyang nagsalita. " Nasaan ang mga magulang mo?"tanong niya sa akin. "Patay na, ulila na ako. Lumaki ako kina tita, hindi naging maganda ang buhay ko duon. Lagi lang ako sa bahay at bawal lumabas hindi ko rin natapos ang high school kasi nagsasayang lang daw ako ng pera. Kaya pagtungtong ko ng 18, umalis na ako. Buti nga tinulungan ako ni Lola Encarnacion, siya ang kumupkop sa akin." kwento ko rito. Alam kong pwede kong ibahagi ang buhay ko kay Kuya Zeus. Magaan ang loob ko sa kanya. Alam ko rin na hindi siya yung taong ijujudge ako. "Cruelty. Sarili mong kadugo hindi ka ittratrato nang mabuti. Sila mismo ang gagawa nang masama sayo. They are worse," naiiling na sabi nito. "I'm sorry to hear that." "Hindi ako galit sa kanila, nagpapasalamat pa rin ako at may natirahan ako. Pinakain din kahit papaano. Pagsubok lang 'yun sa akin ni Lord at nalampasan ko yun, hindi ko pwedeng questionin ang mga bagay na nangyari sa akin dahil yun ang gusto ng Diyos para masubok ako," nakangiti kong sabi para hindi niya ako kaawaan. "You're a nice woman. A sweet and naive. Alagaan mo ang puso mo, sobrang hirap na ng napagdaanan mo. Sana pag-isipan mo lahat ng desisyon mo. Tawagan mo ako kung kailangan mo ng tulong," sabi nito. Hindi ko man alam bakit niya nasabi 'yun. Tumango na lang ako. Pagkarating namin sa bahay, bababa na sana ako ng pigilan niya ako. "Bakit?" tanong ko. "May gusto ka ba kay Treavor?" tanong ni Kuya Zeus. "Wala, Kuya Zeus. Kakakilala ko pa lang sa kanya at ayaw ko pang isipin ang ganyan." matapat kong sabi. "Good," nakangiting sabi nito at ginulo pa ang buhok ko bago bumaba. Pagbaba ko ng sasakyan nakita ko si Treavor na nasa may pinto kasama si Kuya Lance at Kuya Andrei. Halatang hinihintay nila kami. "Saan kayo galing? Bakit magkasama kayo? Ano ang ginawa ni Zeus sayo?" sunod sunod na tanong nito. Nakita ko pang natatawa na naiiling ang tatlo. Umiling na lang at yumuko. "Pasensya na kung natagalan," hinging paumanhin ko. Baka nagalit ito dahil pinagbuhat ko ang kaibigan nito at sinama ko na sa palengke. Lagot ka, Lesley. Ginalit mo na naman siya. Sabi ko sa isip ko. "Tsk, tsk gutom na ako. 'Wag mo na pagalitan kawawa naman, oh. Ikaw talaga sobrang gutom ka ba at nasaniban ka na naman ng demonyo?" rinig kong sabi ni Kuya Lance. Napatingin Ako sa kanila. Akbay na ni kuya Lance si Treavor. Tumingin muna ng masama si Treavor kay kuya Zeus bago ito naakay papasok. "Ikaw kasi, Zeus. Haha, walang talo talo. Maghanap ka ng ibang mangungulam sayo," sabi ni Kuya Andrei. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila kaya dumeretcho na ako sa kusina. Nakasunod si Kuya Zeus at Kuya Andrei sa akin. Tumulong magluto si Kuya Zeus habang si Andrei ay nakaupo lang nanunuod. "Lesley, nagka-boyfriend ka na ba?" tanong ni Kuya Andrei. "Hindi pa, kuya Andrei." mahinang sabi ko. "Andrei na lang, nakakatanda ang kuya. Haha. Talaga wala ka pang naging boyfriend sa ganda mong 'yan? Bulag ba ang mga lalaki rito?" rinig ko pang sabi nito. "Wala pa sa isip ko. Tsaka hindi ko pa naman gustong magkaroon ng iniibig," sagot ko rito. "Ano ba ang gusto mo sa lalaki?" "Simple lang, mabait, matulungin at hindi manloloko ng babae." sagot ko kay Andrei. "Haha, ouch. Wala pa man basted na siya. Hahahaha," malakas na tawa nito. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin kaya napatingin ako kay kiya Zeus na nakangiti na rin. "Ewan ko muna kayo, ah. Behave! Papakatitigan ko lang muna ang kaibigan ko na nasa matinong pag-iisip pa haha baka pag nabasted mabaliw na," sabi nito at lumabas na sa kusina. Sinong basted? Ang gulo naman nun. "Tama 'yan. Huwag mo munang isipin ang lalaki. Darating ang panahon na dadating ang tamang lalaki para sayo, for now- enjoy your life." Sumang-ayun naman ako. Nag-usap pa kami ni Kuya Zeus habang nagluluto. Naririnig ko ang bangayan ng mga lalaki sa sala. "Saan ka natutong magluto kuya?" tanong ko. Ang galing kasi nito sa pagluluto kahit sa paghiwa ng mga gulat at paglinis ng hipon. "My father taught me- ang ibig kong sabihin. Tinuruan ako ni Daddy kung paano magluto. Hindi kasi maalam si Mommy sa pagluluto kaya sinabi niya na kailangan matuto ako baka ang mapangasawa ko katulad ni Mommy," nakangiting kwento nito. Kita ko sa itsura niya na masaya siya at may magandang pamilya. Nakaka-inggit pero okay lang. "May girlfriend ka, Kuya?" tanong ko. "Mayroon akong secreto na walang nakakaalam kahit ang pamilya ko, sasabihin ko sayo at sana manatiling secreto pa rin at hindi mo sabihin sa iba," sabi nito. Tumango ako ng ilang beses. Para akong bata na excited sa kwento. Pinunasan muna nito ang kamay bago lumapit sa akin at bumulong, "I have a wife!" Nagulat ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya na nakangiti bago umalis at iwan ako. May asawa na si Kuya Zeus? Hanla, ahyieee. Bakit kinikilig ako para sa kanila? Swerte ng asawa ni Kuya Zeus. Gusto kong ma-meet. Nasa harap ng mesa na kaming lahat. Si Lola Encarnacion, Treavor, Andrei, kuya Lance at Kuya Zeus. Nakangiti ako habang sinasandukan si Lola Encarnacion. Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko kay Kuya Zeus. "Mukhang masaya ka ata ngayon, Lesley? May nangyari ba?" tanong ni Lola. "Hehe, wala po." nahihiyang sabi ko. Bumalik na ako sa upuan ako na pinagigitnaan ni Treavor at Kuya Zeus. Pagka-upo ko tumingin agad ako kay Kuya Zeus na kumakain na. Naramdaman niya atang may nakatingin kaya napaharap siya sa akin. "What?" takang tanong nito. "Totoo? Ahyieeee, totoo 'yun?" di ko mapigilang ngumiti at sundutin ang tagiliran ni Kuya Zeus. "Kinikilig ako kuya para sa inyo," bulong ko. Nagulat naman ako ng tumawa siya nang malakas. "HAHAHAHA, silly. It-" Nagulat ako ng pabalyang tumayo si Treavor at masamang tumingin sa akin at kay Kuya Zeus. "Nakaka-walang gana. Bilisan niyo dyan at babalik na tayo sa Manila!" sabi nito at umalis. "Anong problema ng apo ko?" takang tanong ni Lola. Pero ang tatlong kasama naming lalaki ay sabay sabay na tumawa. Anong nangyayari sa kanila? bakit galit na naman si Sir Treavor?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD