bc

His PROBINSYANA- Dr. Treavor's Sweetest Karma

book_age16+
11.0K
FOLLOW
50.1K
READ
goodgirl
doctor
twisted
sweet
city
small town
cheating
lies
affair
naive
like
intro-logo
Blurb

Miss Probinsyana is in love with the heart breaker!

Isang Probinsyana na walang alam sa totoong mundo. Dalagang Pilipina kung tawagin ng mga matatanda. Inosenteng babae.

Makikilala niya ang bangungot ng mga kababaihan. Mahilig magpakasarap sa kama kasama ang iba't ibang babae na paiiyakin lang sa huli.

Makuha kaya ni Lesley ang puso ni Dr. Treavor? o mapasama siya sa mga babaeng tinikman at iniwan lang ng binata?

Ano ang mangyayari sa storyang babae ang mas nagmamahal?

Happy Ending?

o

May isang PROBINSYANA na mawawasak ang puso dahil sa isang HEART BREAKER!?

chap-preview
Free preview
Uno
Ang ganda talaga ng harden ni lola Encarnasion. May iba't ibang uri ng halaman na hindi mo basta basta makikita kung saan. "Lesley!" rinig kong tawag ni Lola mula sa loob ng bahay. Nagmadali akong tumayo at pinuntahan siya. Nakita ko siyang naka-ngiti habang nakatingin sa cellphone niya. 'Yan ang napansin ko kay Lola mula nuon hanggang ngayon parehas ang ngiti at saya niya pagnakausap ang apo. "Lola, bakit po?" tanong ko. Agad naman nitong binaba ang cellphone at tumingin sa akin. "Nasa byahe na ang apo ko para dalawin ako. Pumunta ka sa palengke at bumili ng mailuluto para mamaya," wika niya. "Ah lola ano po ang bibilhin ko? Ano pong paborito ng apo n'yo?" tanong ko kay lola. Kung sa apo ni lola, pwede siguro akong magluto ng spaghetti. Tapos bibili na din ako ng laruan para rito. "Sangkap sa sinigang at adobo. Siguraduhin mo na sariwang karne at gulay ang bibilhin no, lesley. " sabi ni Lola, nakangiti siya sa 'kin. "Sige po," magalang na sabi ko at nagpaalam na para umalis. Si lola Encarnasion ay ang kumupkop sa 'kin mula nang lumayas ako sa bahay namin. Kaka-debut ko nang naisipan kong umalis sa poder ng tiyahin ko na minamaltrato ako at ginawang alila. Tinulungan ko si Lola sa mga bitbit niya sa palengke. Napa-kwento ako sa kanya ng talambuhay ko at 'yun nga naisipan niya akong isama pauwi. Total naman daw wala siyang kasama sa bahay kaya pwede akong manirahan kasama niya sa bahay. Habang namimili ako ng mga sangkap para sa lulutuin mamaya, lumapit sa 'kin si Tina. Ang kaibigan ko na nagtitinda dito sa palengke. Sa kanya ako laging namimili ng mga gulay. "Tisay," tawag nito sa akin paglapit niya, "sama ka sa amin mamaya, mayron bailey duon sa bayan." Ang bailey na tinutukoy niya ay ang sayawan o disco sa isang bahay. Nagaganap ito pag may kasalang mangyayari kinabukasan. "Hindi ako pwede, darating ang apo ni lolo Encarnasion," sagot ko. "Sayang naman. Balita ko may mga taga-manila na pupunta. Iyon ay sa side ng lalaking ikakasal. Sigurado ako mga gwapo 'yun!" malakas na sabi ni Tina Nailing ako sa sinabi nito. Naalala ko si Tita, pangarap magkaroon ng asawang taga-manila, ayaw niya sa mga lalaking taga rito sa probinsya. "Pagkakataon mo na 'yun. Malay mo isa sa kanila ang magkagusto sayo," pagkukumbinsi ko sa kanya. "Sisiguraduhin ko 'yan, Tisay. Sayang at 'di kita makakasama, gagawin pa naman sana kitang paen," natatawa na sabi nito. Natawa ako at hinampas siya ng hawak kong bayong. Pag may lalaki kasi na nagkaka-gusto sa 'kin at type niya, pinukuha niya ang number sa 'kin. Alam kasi niyan na wala akong alam sa lalaki. Alam ko din naman na pag-lalaruan lang nila ako. Sino ba ako para gustuhin ng lalaki? Lumaki ako sa poder ng Tita ko na halos hindi ako palabasin sa bahay. Malaking damit at mahabang palda ang nakasanayan kong isuot. Ni minsan hindi pa rin ako nagkaka-nobyo. Naging malaya lang ako nang nasa poder na ako ni lola Encarnasion. Sinabihan niya ako na palitan ang mga damit ko at bumili ng bago na naaayon sa edad ko. Tumanggi ako at sinabing nakasanayan ko na ang panunuot ng mahahaba. Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa nagtitinda ng mga street foods malapit sa bahay. "Ano ang gusto mo tisay?" tanong sa 'kin ni Rey, ang tindero. Naiiling na lang ako pag tinatawag nila akong Tisay. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kanila na Tisay ang pangalan ko. Ang alam ko lang si Tina ang una kong narinig na nagtawag niyan sa 'kin. Ang puti ko daw kasi. Kaya 'di na ako nagtaka nang halos lahat tinatawag na akong Tisay. Pag-uwi ko may nakita akong sasakyan sa harap ng gate. Nakita ko si Lola na may kausap na matangkad na lalaki, siya siguro ang may-ari ng sasakyan sa labas. Hindi na lang ako bumati at dumeretcho sa kusina. ... "Naku, apo. Salamat naman at naalala mo pa akong bisitahin. Akala ko nakalimutan mo na ako," madamdaming sabi ni Encarnasion kay Treavor. "Makakalimutan ba naman kita, lola. Ikaw kaya ang paborito kong lola!" masayang sabi ni Treavor. "Ako lang ang nag-iisa mong lola, loko kang bata ka. Halika at pumasok tayo sa loob," sabi nito sa apo, "napaaga ang dating mo. Titignan ko kung nandyan na si Lesley nang maipagluto ka na niya." Napakunot naman ang noo ni Treavor sa narinig. "Lesley?" "Ah oo, isang taon na siya sa akin. Kinupkop ko para may makasama naman ako," paliwanag nito sa apo. "Lola pwede ka namang sumama na lang sa akin sa Manila. Matagal na kitang gustong tumira kasama ko," paalala ni Treavor. "Hay naku ayoko duon, pati hangin polluted. Buti na ako rito, tahimik at sariwa ang hangin." Hindi na nagsalita pa si Treavor at inikot ang paningin sa loob, ang lola naman niya ay pumunta sa kusina. Wow! Malinis ang bahay, nakaayos lahat ng gamit at maaliwalas ang kulay ng mga kurtina! sa isip ni Treavor. Agad niyang pinuntahan ang lola niya sa kusina. Nakatalikod sa pwesto niya ang kausap nito. "Apo ito pala si Lesley," pakilala ni Encarnasion kay Lesley at hinarap ito sa kanya. Natigil si Treavor sa pagtingin sa paligid ng makita ang mukha ni Lesley, agad yumuko ang dalaga ng makita siyang nakatitig sa mukha nito. - she has an innocent expression. Sa isip ni Treavor Tinignan ni Treavor ang suot ng dalaga. Hindi niya masabi kong mataba o sexy ito dahil sa suot nitong malaking t-shirt at mahabang palda. -no fashion. Binalik niya ang tingin sa mukha nito. -her lips are dry. It makes me want to licks it. "Nasaan ang magulang mo?" tanong ni Treavor. Napatingin naman dito si Lesley, nagtapo ang mga mata nila. "A-ano po... H-hindi ko po alam, ang tita ko na po ang nakalakihan ko," sagot ni Lesley na nauutal pa. "Don't ever think of doing bad things to my Lola. O kahit magnakaw dito sa bahay niya 'wag mong iisipin. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo!" Lumaki ang mata ni Lesley at sunod-sunod na umiling. Napaatras siya sa takot. "Haha, apo 'wag mong takutin. Mabait na bata 'yan. Siya rin ang nag-aalaga sa akin, " sabi ni Encarnasion sa apo. "Just making sure lola, 'yung huling kinupkop mo pinagnakawan ka at sinubukan ka pang lasunin. Kung hindi mo ako pinigilan nabugbog ko na yun kahit babae pa, " bale walang sabi ni Treavor. Yumuko lang ulit si Lesley sa takot ng mapatingin ulit sa kanya si Treavor. -akala ko bata pa ang apo ni Lola. Hindi na pala tapos nakakatakot pa. - sa isip ni Lesley. Habang nagluluto si Lesley nakabantay sa kanya si Treavor. Dalawa na lang sila dahil pumunta sa kwarto ang matanda. "Bakit hindi mo ako matignan sa mata?" Tanong ni Treavor, nakatingin siya sa dalaga na nakatalikod. "Pasensya na ho, hindi lang po ako sanay," paghingi ng tawad ni Lesley. "Ano ang buong pangalan mo? Ano ang trabaho mo? Taga-saan ang mga kamag-anak mo?" sunod-sunod na tanong ni Treavor. Nakayukong humarap si Lesley at naglakas ng loob tumingin kay Treavor. "Lesley Ramos po, sinabi ni lola Encarnasion na sa kanya na lang ako magtrabaho bilang kasama niya rito sa bahay. Sa kabilang bayan po ang tita ko," sagot ni Lesley at yumuko pagkatapos magsalita. Walang narinig si Lesley na sagot kaya tumingin ulit siya kay Treavor na nakatingin pala sa kanya. Agad tinaas ni Lesley ang kanang kamay niya, "malaki po ang pasasalamat ko kay lola. Hindi ko po siya pagnanakawan at aalagaan ko po siya nang mabuti. Pangako po." saad ni Lesley. Wala pa rin siyang nakuhang sagot kay Treavor. "Ehhh sir Treavor, " mahinang sabi ni Lesley. Kinagat ni Treavor ang labi niya para pigilan ang ngiti na kanina pa gustong lumabas. -damn, she's cute. - anas ni Treavor sa isip niya. "What?" "Huwag na po kayong magalit na nandito ako. Aalagaan ko po ang lola n'yo, promise po. Kung gusto niyo po kunin niyo ang number ko tapos lagi niyo akong tawagan para malaman ang gagawin ko," nahihiyang sabi ni Lesley at yumuko ulit. Hindi na napigilan ni Treavor na ngumiti ng makitang nakayuko na ang dalaga. Nilabas niya ang cellphone niya at nilahad sa dalaga. "Save your number," sabi ni Treavor. Agad naman kinuha iyon ni Lesley at nilagay ang number niya. Binigay agad niya kay Treavor ang cellphone pagkasave ng number. Tumalikod si Treavor pagkakuha ng cellphone. "Darn, ang inosente," mahinang sabi niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook