Dos

1202 Words
Nakatingin si Treavor sa naglilinis na si Lesley. Lagi na nitong dinadalaw ang lola. Para tignan kong nasa maayos na kalagayan. Ang sabihin mo gusto mong makita si Lesley - anang isip ni Treavor sa sarili. "Apo napapadalas ata ang punta mo rito, hindi ka ba busy sa hospital?" tanong ni Encarnasion sa apo. Si Treavor ay isang Doctor sa isang malaking hospital sa Manila. Madalang itong maka-bisita sa probinsya dahil sa trabaho nito, kaya nagtataka si Encarnasion sa laging pagbisita ng apo mula ng malaman na may iba siyang kasama sa bahay. "Parang ayaw mo akong makita lola. Magtatampo na ba ako?" Tanong ni Treavor. "Gusto kita rito kaya lang nagtataka ako," sabi ni Encarnasion, "Hmm," sabi ni Treavor, nakita ni Encarnasion ang apo na nakatingin kay Lesley. "Inosente yan apo. Kung ano mang balak mo 'wag siya. Maghunos dili ka, ang bata pa niyan!" Agad naman napaharap si Treavor sa lola ng marinig niya ang sinabi nito tungkol kay Lesley "Haha, wala akong balak!" "Siguraduhin mo lang, bata pa yan at inosente sa totoong mundo. Ayokong ikaw ang manakit sa napakabait na batang 'yan," paalala ni Encarnasion sa apo. Tumingin ulit si Treavor kay Lesley na nakatingin din pala sa kanya. Napangisi si Treavor ng agad magbaba ito ng tingin ng makitang nakatingin siya. "Bata? She said she's twenty!" "Apo kumpara sayo bata pa yan, kilala kita katulad ka ng ama mo," deretchahang sabi ni Encarnasion sa apo. Kilala niya ang apo na seryoso pagdating sa trabaho. Pero lalaki pa rin ito at mahilig sa babae para ikama at hindi para seryusuhin. "I'm single and she's not a minor, everything is legal." Natatawa si Treavor ng makita ang lola na tinignan siya nang masama. "Wala akong paki kung mambabae ka sa Manila, kahit sampo pa sila. Ang sinasabi ko lang 'wag si Lesley. She's pure," diin na sabi ni Encarnasion. "Yeah sure, " baliwalang sabi ni Treavor. "Hay naku ang sakit mo sa ulo kahit matanda ka na!" sabi ni Encarnasion sa apo, na nawawalan na ng pasensya dito. Naiiling na nakatingin si Treavor sa Lola na umalis. Tumayo siya at tinungo ang kusina, kung saan nakita niyang pumasok si Lesley. Nadatnan niya itong naghuhugas ng pinggan, tumabi siya rito at sumandal sa lababo. "Sir? A-ano pong ginagawa niyo dito?" utal na sabi ni Lesley. "Hmmm, ilang beses na akong nagpapabalik-balik dito. Ilag ka pa din. Natatakot ka ba sa 'kin?" masuyong tanong ni Treavor. Humingang malalim si Lesley at hinarap si Treavor, " pasensya na po." "Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko?" tanong ni Treavor. "Sa oras po kasi na tumatawag kayo, hindi ko dala ang cellphone ko. Sa gabi ko lang po hawak ang cellphone ko," paliwanag ni Lesley. "Bakit hindi mo ako i-text?" "Wala po akong load," nahihiyang sagot ni Lesley. "Download mo ang Viber at duon tayo mag video call. May wifi dito sa bahay ni lola, kung gusto mo bigyan kita ng pangload" Kinagat ni Lesley ang labi niya at nahihiyang sumagot, "hindi ko po alam kung paano mag-download." Hindi alam ni Treavor kung matatawa siya dahil mayro'n pa palang tao na 'di alam mag download o kung maaawa siya dito. Naisip ni Treavor na tama ang lola niya. Lesley is naive. "Give me your phone, I'll do it for you." "Ah sige po, " umalis si Lesley para kunin ang cellphone sa kwarto nito. Sinundan siya ni Treavor. "Pinagamit pala ni Lola sayo ang kwarto ko dito sa bahay niya," saad ni Treavor. "Pasensya na po, lilipat na lan-" "No, i'm not mad. You can use my room anytime you want," nakangiting sabi niya. Humiga siya sa kama niya habang hinihintay si Lesley na i-abot sa kanya ang cellphone nito. Pati ang unan niya ang bango- sabi ni Treavor sa isip niya. "Ito po," tawag pansin ni Lesley kay Treavor na nakapikit habang nakahiga sa kama. Kumunot ang noo ni Treavor ng makita ang cellphone na nakalahad sa kanya. Isa itong keypad. "Bibilhan kita ng cellphone. Sa saturday nandito ulit ako," sabi na lang ni Treavor at tinignan si Lesley. "Ah 'wag n-" "Umupo ka sa tabi ko, tuturuan kita gumamit ng touch screen." Agad namang tumabi si Lesley kay Treavor. "Excited?" nakangiting tanong ni Treavor. "Opo," nakangiting sabi ni Lesley na nakatingin sa cellphone ni Treavor. Napansin iyon ni Treavor kaya wala sa sariling napa-ngiti siya. Damn it, kakaiba siya. Ang dali niyang pangitiin. Parang batang excited sa isang bagay. - anang isip ni Treavor. "A-ahh sir, 'yung kamay niyo po!" Agad napaayos ng opo si Treavor at tinanggal ang kamay sa bewang ni Lesley. "Oh sorry," hinging paumanhin ni Treavor. Agad tinuruan ni Treavor si Lesley sa paggamit ng touch screen. "Wow, ang hi-tech na po lahat 'no. Isang click na lang ang lahat. Nakakamangha," manghang sabi ni Lesley. "Come on, Lesley. It's 2021, taong lahat ng bagay hi-tech na." "Ahhh huli na po kasi ako sa ganyan. Hindi naman po ako lumaki sa normal na pamilya," nahihiyang sabi ni Lesley na hawak pa rin ang phone ni Treavor. "I'm sorry," "Okay lang po, ma-swerte pa rin naman ako at mag natuluyan ako sa ilang taon." Pinakatitigan ni Treavor si Lesley, hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa ganda ng dalaga. Gandang hindi niya akalaing sa probinsya niya makikita. "You wanna take a selfie with me?" tanong ni Treavor. "Ah 'wag na po nakakahiya," "Come here," hinila ni Treavor si Lesley para magdikit sila, "smile." Nahihiya man ngumiti na lang si Lesley sa camera. "Damn, para akong may kasamang anghel dito," anas ni Treavor ng makita ang picture nilang dalawa. "Baka po ang ibig niyong sabihin para po kayong may kasamang katulong," sabi ni Lesley habang nakatingin sa picture, " ang ganda po ng suot niyo habang ako-" "Ang ganda mo kahit anong isuot mo," puri ni Treavor. Agad naman umalis sa kama si Lesley ng mapansing nakahawak na ang kaliwang kamay ni Treavor sa legs niya. "Ohh 'di ko sinasadya," mabilis na sabi ni Treavor na nakataas pa ang kamay. "Ahhh sir, mauuna na ako. May gagawin pa po ako sa kusina. Salamat po sa pagturo sa akin," nakayukong sabi ni Lesley bago nagmamadaling umalis. "Damn, ang likot ng kamay," bulong ni Treavor at muling humiga sa kama. Binuksan muli ni Treavor ang phone niya para tignan ang larawan nilang dalawa ni Lesley. "She's pretty and small. She can hear my heartbeat if I hug her," nakangiting bulong nito habang nakatingin sa larawan. "Apo bakit namumula ang mukha mo?" tanong ni Encarnasion kay Lesley. "Ah-ano po, napagod lang." "Halika sumabay ka na sa aming kumain ni Treavor bago siya bumalik sa Manila," aya ni Encarnsion. Agad na sumunod si Lesley at hindi siya nagtangkang tignan ang binata habang kumakain sila. Tahimik lang siya habang nag-uusap ang mag lola. Ramdam ni Lesley ang pagtitig sa kanya ni Treavor, binaliwala lang niya ito. Nang paalis na si Treavor nilapitan siya nito. "Can I have a goodbye kiss?" Nagulat si Lesley sa tanong nito pero mas nagulat siya ng lumapit ang binata at dinampian ang labi niya. "Sweet," Nakita niyang sumakay si Treavor sa kotse na nakangiti bago umalis. Napahawak siya sa labi niya na hinalikan ni Treavor. "A-ang unang halik ko,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD