Veintekwatro

1756 Words

Lesley's point of view Pagkatapos sabihin ni Attorney na may makukuha akong pera na mas malaki sa mga anak ni Lola ay napatayo na ang isang babae. "SINO KA PARA BIGYAN NG GANONG HALAGA NI MOMMY! TINAKOT MO SIYA PARA BIGYAN KA-" malakas na sabi nito habang nakaturo ang hintuturong daliri sa akin pero natigil ng tumayo si Treavor sa harap ko. "Don't point your fuvking finger at my girlfriend, Auntie." mababakas ang galit sa boses ni Treavor. Nakita ko rin na nakatingin sa akin ang lahat pati ang magulang nito. Ngumiti sa akin ang ina ni Treavor pero ang Ama nito ay nakatingin lang ng masama sa akin. "Plinano mo ito para ikaw lang ang makinabang sa pera ni mommy, ang kapal mo pati girlfriend mo. Ang kakapal niyo," galit na sabi ng babae kaya napayuko ako. Dahil sa hiyang nararamdaman ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD