Author's point of view Dumating ang magka-kaibigan kasama si Andrei sa club. Pinapasok naman na sila agad dahil kilala si Andrei sa lugar. Sumalubong sa magkakaibigan ang maingay at nagkakasiyahang mga tao. Hindi na nagulat si Hanna dahil hindi nakapunta na siya dati. Si Xandra naman ay naaaliw sa nakikitang nagkakasiyahan sa loob ng club. Si Lesley na agad kumapit kay Hanna habang nililibot ang tingin sa lugar. "First time?" tanong ni Andrei sa mga kasama. "Nope," baliwalang sabi ni Hanna na natatawa sa higpit ng pagkakakapit ni Lesley sa kanya. Natigil sila sa paglalakad sa loob ng may dalawang lalaking humarang kay Andrei. "Andrei, Pare. Ang gaganda at sexy naman ng kasama mo, baka pwedeng makipagkilala. Hi," sabi ng naka-black na polo at nakatingin ito kay Hanna. "Right, my tre

