Sa halip na mawalan ng career ay lalong naging mainit ang pangalan niya sa media. Kabi-kabila ang gustong makapanayam siya. Umuusok ang telepono ng manager niya dahil hindi siya nagbibigay ng pahayag. Kahit si Duke ay lalong naging in-demand. Marami ang naawa dito dahil ipinalabas nitong niloko niya ang dating kasintahan. Pero sa kabila niyon ay mas lalong nagkaroon ng interes ang media sa kanya. Nagkaroon din ng kuryusidad ang lahat kung sino si Alejandro. Ilang araw naman bago ang fashion show na dadaluhan niya ay lumabas ang balita na nagkakamabutihan si Duke at Chelsey. Pinalabas ng mga ito na ang babaeng modelo ang sumagip kay Duke sa kalungkutan. A shoulder to cry on turned into love, ika nga. Natuwa naman siya dahil malilihis na ang balita sa kanilang dalawa ni Duke. A

