bc

A Second Chance to Love You

book_age18+
21.6K
FOLLOW
149.4K
READ
sex
contract marriage
love after marriage
forced
second chance
playboy
drama
bxg
small town
model
like
intro-logo
Blurb

Sa kaiiwas ni Alejandro sa pang-aakit ni Erika na maging girlfriend n'ya ang kababata, nasabi niya rito na ang tipo niyang babae ay mahinhin at konserbatibo. Sa debut ng kapatid niya ay hinamon siya ni Erika na mapasagot at mahalikan ang babaeng tinutukoy n'ya -- si Lorabelle.

He was challenged. He and Lorabelle danced, talked... and he was able not only kissed her, but took her to bed. Pero dahil nahuli sila ng Daddy n'ya ay pinilit s'yang panagutan ang ginawa n'ya kay Lorabelle.

Wala siyang nagawa kung hindi ang pakasalan ito, pero hindi niya inayos ang kanilang pagsasama. With a broken heart, Lorabelle left him and studied abroad. Pagbalik nito'y isa na itong sikat na modelo sa ibang bansa.

May puwang ba ang pagsisisi at paghingi ng tawad kung ang dahilan ni Lorabelle kaya ito bumalik ay dahil magpapakasal na ito sa iba?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hindi ka mag-aaral ngayong semestre, Lorabelle. Hindi na naman nagpadala ang Nanay mo!" galit na wika ng tiyahing si Simang. Simang ang tawag niya dahil lagi naman itong nakasimangot sa kanya kahit ang Nanay naman niya ang nagbibigay ng gastusin nila sa bahay. 'Yun nga lang, dalawang buwan nang wala pang padala ang Nanay niya ngayon dahil inayos nito ang kontrata sa bagong employer na nilipatan nito sa Hong Kong. Isang DH ang Nanay niyang si Rosario dahil mas malaki ang sasahurin nito doon kaysa ang trabaho sa pagsasaka sa Hacienda Luna. Ang sabi kasi ng nag-recruit sa Nanay niya, nasa bente mil isang buwan ang sahod nito. Pero dahil kailangan pang bayaran ang placement fee at kung ano-anong bayarin sa kontrata, isang taon na'y sampung libo pa rin ang ipinapadala ng ina sa kapatid ng asawa nito na si Simang. Para dapat iyon sa kanya. Pero dahil dalawa ang pinsan niya na anak nito na sa pangmayamang paaralan nag-aaral, dalawang libo na lang ang nauuwi sa kanya. Doon niya na pinagkakasya ang pamasahe at pagkain sa school sa isang buwan. Kung tutuusin ay hindi naman niya kamag-anak si Tiya Simang n'ya. Kapatid lang ito ng ka-live-in ng Nanay niya, na nung namatay ang kinakasama nito noong maliit pa siya ay hindi na sila umalis sa bayang 'yun. Itinuring na rin naman siyang tunay na pinsan ng dalawang anak ni Simang na si Winnie at Paula, kaya wala naman siyang reklamo sa buhay. Ito lang tiyahin niya ang paminsan-minsang mainit ang ulo kapag walang maihain sa mesa. "Maghahanap na lang ho ako ng summer job," suhestyon n'ya para makapag-ipon kahit man lang pambaon. "Baka naman ho puwede niyong ipangutang muna babayaran naman ni Nanay pag nakasahod na s'ya." "Nakautang na ko ng bente mil pang-tuition ni Winnie at Paula, wala na akong malalapitan, Lorabelle. Dapat ang Nanay mo ang mangutang sa amo n'ya. Aba'y hindi naman magpapautang sa akin si Ma'am Lenna ng malaking halaga." Ayaw niyang tumigil sa pag-aaral dahil mapipilitan siyang magtrabaho sa maisan katulad ng Tiya Simang niya. Wala namang problema kung bakasyon sa eskwela, pero kapag nasimulan niya ang pagtatrabaho doon ay pipilitin siya ng tiyahin na magtuloy-tuloy. Mas pinapaboran nito ang pag-aaral ng dalawang anak kaysa sa kanya. "Matalino ka naman, pumasok ka kayang iskolar dito sa Hacienda? Karamihan naman ng trabahador dito iskolar na," suhestyon ni Paula na katulad niyang nasa unang taon pa lang sa kolehiyo. Siya ay nasa kursong Fine Arts habang ito ay Business Management naman. "Tumatanggap pa ba sila? Nahihiya akong lumapit kay Ma'am Lenna eh..." alangan niyang wika. "At saka alam niyang nasa Hong Kong si Nanay, baka akala niya malaki ang ipinapadala sa 'kin." "Subukan mo lang naman. Wala namang mawawala sa 'yo, at saka sasabihin mo naman 'yung totoo. Pag domestic helper, alam nilang mababa naman talaga ang sahod." Ilang beses niyang pinag-isipan ang suhestyon ni Paula pero dahil ilang araw na lang ay matatapos na ang enrollment, naglakas-loob siyang lapitan ang ginang. "Kumusta si Rosario sa Hong Kong?" malumanay pa ang boses na wika nito. Napakaganda pa rin nito sa edad na kwarenta mahigit. Ang sabi ng Nanay niya noon ay maraming kalalakihan ang nanligaw dito pero isang makisig na anak ni Donya Matilda ang napangasawa nito. "Mabuti naman ho, kaya lang ngayon kasi nasa bagong employer s'ya. Sa susunod na buwan pa siya makakasahod. Sa Biyernes na ho kasi ang enrollment." "Huwag mo nang isipin 'yan. Ibigay mo ang detalye mo kay Rona ngayon tapos dumaan ka bukas ng umaga para makuha ang pang-tuition mo," utos ng ginang. Maluha-luha naman siyang nagpasalamat. "Marami ho talagang salamat. Mag-tatrabaho na lang ho ako sa bukid kapag wala akong pasok." "Ano ka ba, huwag mong isipin 'yun, iha. Mag-aral kang mabuti para makatapos ka. Maraming trabahador ang gagawa sa bukid." Hindi niya akalaing ganito kabait ang may-ari ng Hacienda. Natatanaw lang niya lagi ang mansyon at nakikita ito sa ilang pagkakataon na naglilibot ito sa bukid kasama ang asawa nito. Madalas din ay naaanyayahan ito sa ilang mahahalagang okasyon sa bayan nila bilang isa sa importanteng panauhin. Kaibigan ng pamilya Silvestre ang Mayor at mga negosyante sa bayang iyon. Naglakad siya patungo sa opisina na ilang hakbang mula sa mansyon. Pagpasok niya'y isang lalaki ang nakabungguan niya. "Holy sh*t!" "S-sorry po..." agad niyang paghingin ng paumanhin. Pinulot niya ang ilang papel sa sahig pero agad siyang napigil ng lalaki. "It's fine. Nagulat lang ako," paghingi rin nito ng paumanhin dahil marahil sa pagmumura. "Who are you and what do you need?" "Ah... K-kay R-rona daw po... Nag-apply ho kasi akong scholar." "Oh... the first door on the right side," wika naman nito habang inaayos nito ang mga papel na nahulog sa sahig kanina. Nakatingala siya dahil matangkad ito na marahil ay nasa five eight na, maputi, nangungusap ang mga mata at may ngiting nakakakilig. Ngayon lang niya nalapitan ang panganay na anak ni Mrs. Silvestre at kaagad siyang nabighani. Kaya pala ito pinagkakaguluhan sa University ayon sa dalawang pinsan niya. Siya kasi ay sa ibang school pumapasok dahil mahal sa eskwelahang pinapasukan ng mga pinsan. "Did you hear me?" tanong nito nang makita siyang nakatulala. "Come, follow me." Gusto niyang mapahiya sa inasal dahil naintindihan naman niya ang sinabi nito. Lalo tuloy siyang humanga dahil bukod sa napakagwapo nito at napakayaman, mabait ito at hindi suplado. ---- "Ano ba, Lorabelle? Sasama ka ba o hindi?" tanong ni Paula sa kanya habang nakatanghod siya sa bintana. Debut na ng pangatlong anak ni Ma'am Lenna at imbitado silang lahat na mga kadalagahan sa hacienda. Pero kung ang dalawang pinsan niya ay excited ay abala sa paghahanap ng maisusuot, siya'y malungkot dahil wala naman siyang bagong damit. "Ito na lang ang isuot mo?" suhestyon ni Winnie na iniabot ang isang bestida sa kanya. "Malaki naman 'yan para kay Lorabelle," sita ni Paula. "E ayaw naman niya 'yang damit mo dahil revealing masyado. Alam mo naman 'yan si Lorabelle, may pagka-manang." Kinuha niya ang damit saka pilit na isinuot na lang kahit pa ano ang maging itsura niya. Kung hindi lang siya nahihiya kay Ma'am Lenna na baka hanapin siya ay hindi siya dadalo. Dalawang taon na siyang nagpa-part-time sa opisina ng ginang tuwing Sabado para kahit paano ay makatulong siya sa gawain sa hacienda. "Malaki nga, Lorabelle, hanap kanng iba baka may mas sakto sa 'yo," wika ni Winnie. "Hindi na, Ate, okay na 'to. Manonood lang naman tayo at hindi ako makikipagsayaw. Baka umpisa na ang party nakakahiya naman." Naglagay siya ng kaunting foundation at manipis na lipstick saka isinuot ang makapal na salamin. Hindi niya sana gustong dumalo dahil puro mayayaman ang tiyak niyang mga bisita roon. Kung mayroon man siyang gustong makita ay ang panganay na anak lang ni Ma'am Lenna na una niyang nakadaupang palad dalawang taon na ang nakalilipas, noong una siyang nag-apply ng scholarship. Si Alejandro Silvestre.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.1K
bc

His Obsession

read
72.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook