Chapter 2

2539 Words
Tulad ng inaasahan ni Lorabelle, maraming bisita sa mansyon ng mga Silvestre na mayayaman at prominenteng tao. Imbitado naman ang karamihan sa mga tauhan sa hacienda, pero walang maglalakas ng loob na lumapit sa kumpol ng mayayamang bisita doon. Kalimitan na'y nasa likod lang matapos kumain para manood sa buong programa ng gabing 'yun. Tulad n'ya, nagkasya lang siya sa pagtanaw sa mga pares na nagsasayaw. Si Winnie at Paula lang ang may lakas ng loob na magpunta sa gitna ng bulwagan kasama ang ilang kaibigan para i-enjoy ang gabi. Kahit si Clarence na manliligaw niya'y hindi niya pinaunlakan ang paanyaya nito na magsayaw sila dahil naalangan siya sa suot niyang t-shirt at maong na paldang lagpas tuhod niya. Kanina pa hinahanap ng mata ang isang partikular na lalaking bumubuo ng araw niya kapag nagtatrabaho siya sa opisina ni Ma'am Lenna sa araw ng Sabado. Wala ito roon gayung ito ang nakatokang escort ng kapatid nitong si Denisse na siyang may kaarawan sa gabing 'yun. Sa ilang pagkakataon na nakakasalubong niya ang binata ay pinangarap niyang mapansin man lang siya nito. Pero malayo ang tingin nito lagi kaya hindi na rin siya umaasa. Kahit marami naman ang nagkakagusto sa kanya, malabo na mapansin man lang ni Alejandro ang presensya niya dahil sa dami ng gustong magpapansin sa anak ng amo. Ang balita pa niya'y hindi mabilang sa daliri ang naging girlfriend nito ayun kay Winnie at Paula. Halos kainip-inip sa kanya ang gabing 'yun dahil minsan lang niya nasilayan ang gwapong si Alejandro at may kasama pa itong magandang babae. Nasa likod nito si Lawrence na kapatid nito na mas bata kay Alejandro. Kung pagkukumparahin ang dalawang lalaki ay malayo sa itsura at sa ugali. Alejandro was more of a wild, carefree and playboy type. At dahil alam nitong maraming babae ang nagkakagusto ay may kayabangan kung minsan. Ang ipinagkapareho lang ng dalawang lalaki ay parehong magiliw sa tao at laging nakangiti sa bawat makakasalubong. Lawrence was tamer and more down to earth. Ito ang laging kasa-kasama ng Daddy nito kapag nag-iikot sa hacienda. Lagi rin itong nasa opisina ng Mommy nila kaya mas nakakausap niya ito kumpara sa kuya nito. But her heart beats for Alejandro. Siguro'y dahil ito ang una niyang nakadaupang palad noong nag-a-apply pa lang siya ng scholarship. Dalawang taon niya nang inaalagaan ang paghanga na 'yun kahit wala naman siyang napapala kahit sulyap man lang galing dito. Paano nga ba naman siya papansinin nito, e bukod sa puro lumang dami ang suot niya, may pagkamanang pa. At kahit hindi naman malabo ang mata niya'y gusto niyang nagsusuot ng makapal na salamin para matakpan ang pagiging mahiyain. Hindi niya gustong tinititigan ng mga lalaki . Muling nag-announce ang host ng gabing 'yun para sa gustong maisayaw ang mga kadalagahan doon. Natanaw niya si Alejandro na bumalik pero kasama nito ang babaeng kinaiinisan niya dahil masyadong liberated sa paningin niya. Si Erika Hermano. Palibahasa'y mayaman din dahil anak ito ng may-ari ng kabilang hacienda, spoiled-brat ito at may pagka-mataray. Malapit na kaibigan ito ni Denisse na kapatid ni Alejandro at very vocal ang pagkagusto nito sa lalaking pinapangarap niya. At ngayong magkasama ang dalawa, nagseselos at naiinggit siya sa kinalalagyan ni Erika. Dahil nakatuon ang mata niya sa dalawa ay nakita ng mga ito na nakatingin siya. Nagbulungan. Sinubukan niyang ignorahin pero hindi matapos -tapos ang kaba sa dibdib niya. Napansin kaya siya ni Alejandro sa wakas? Malalim na ang gabi at hahanapin niya na sana si Winnie at Paula para yayain nang umuwi nang makita niyang lumakad patungo sa kinaroroonan niya si Alejandro. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na lalapitan siya nitong gabi at yayaing sumayaw. She could be dreaming when she heard a baritone voice asking for a dance. Naka-tuxedo ito, naka-blowout ang style ng buhok, at nasa dibdib nito ang kamay na tila nag-aalangan din na lapitan siya. Her heart melts. Sabay pa ng pagbulong ng ilang tao sa tabi niya kaya siya napatango. Nangininginig pa ang mga kamay niya nang hawakan siya ni Alejandro at igiya sa dancefloor. Tinitigan siya nito na ngayon ay nakalapat ang kamay sa mga baywang niya. Kung bakit nakuryente s'ya sa pagdidikit ng balat nila ay hindi n'ya alam. Kulang mainit ang balat nito, tiyak niyang tila sinlamig naman ng yelo ang balat niya dahil sa sobrang kaba. "Can you take your glasses off your face? I want to see your eyes," bulong nito sa kanya. Ilang minuto na yata silang nasa dancefloor pero ni wala man lang kahit isang salita ang namutawi sa bibig niya dahil hindi niya alam ang sasabihin. "B-bakit gusto mong makita ang mga mata ko?" nanginginig ang boses niyang tanong. Kinuha niya ang salamin sa mata at isinabit sa t-shirt niyang malaki dahil kay Winnie 'yun. "You have beautiful eyes. Bakit mo itinatago?" tanong nitong muli. Sa kauna-unahang pagkakataon ay kinausap siya nito na mas matagal pa sa tatlong minuto. "M-malabo kasi ang mga mata ko," sagot niya na hindi tumitingin sa mga mata ni Alejandro. Itinaas naman ng binata ang mukha niya at tinitigan. "May boyfriend ka na ba?" tanong nito na pilit nakatitig pa rin sa kanya. Pakiramdam niya'y sila lang dalawa ang tao roon at siya si Cinderella na kasayaw ang prince charming niya. Malamlam ang ilaw at tumutugtog ang kantang 'Wonderful Tonight' ni Eric Clapton na dumadagdag sa kung anong nararamdaman n'ya ngayon. "W-wala..." "Manliligaw?" "M-meron..." "Yun bang lalaking kausap mo kanina?" "Oo..." "Sasagutin mo?" "Si Clarence? H-hindi..." "Bakit?" "H-hindi ko naman s'ya gusto..." "Kung ako ang manligaw sa 'yo? Magugustuhan mo ba 'ko?" Hindi siya nakasagot na natulala sa huling sinabi ni Alejandro. Magkadikit na halos ang katawan nila habang nagsasayaw na hindi niya napapansin. He was tall. Pero sa taas niyang five feet and five inches, sapat lang na pumantay ang mga mata niya sa labi nito. His lips was wet and kissable. May mga panahong kapag pinapantasya niya si Alejandro ay iniisip niya kung ano ang pakiramdam nang mahalikan. Kung gaano ba katamis ang unang halik. "B-bakit ka naman manliligaw sa 'kin?" lakas loob niyang tanong. "Hindi naman ako ang tipo mong babae." "Who said that?" "S-si Lawrence..." "Si Lawrence? Ang kapatid ko?" pagkumpirma nito saka matamis na ngumiti. "Tinatanong mo sa kapatid ko kung ano ang tipo kong babae?" Napayuko naman siya sa kawalan ng isasagot. Hindi naman niya lantarang itinanong kay Lawrence 'yun, makwento lang talaga minsan ang kapatid nito kaya niya nalaman. "Pa'no kung sabihin kong may gusto ako sa 'yo?" "I-ikaw?" gulat niyang tanong. Sumikdong muli ang dibdib samantalang kanina'y tahimik na 'yun at napalagay na siya sa pakikipagsayaw kay Alejandro. "Oo," puno ng kumpyansa nitong sagot. "H-hindi ako maniniwala..." "Bakit? Maganda ka naman ah." Kung tutuusin ay marami naman ang nagsasabi sa kanya nang ganoon. Bukod sa maganda daw siya, puwede pa daw siyang maging modelo dahil sa matangkad siya at balingkinitan ang katawan. Tinatawanan niya lang ang mga papuring 'yun, pero iba pala kapag kay Alejandro nanggaling ang mga iyon. "U-umupo na tayo..." wika niya nang mapagod dahil sa panginginig ng tuhod dahil pa rin kay Alejandro. "Gusto pa kitang makasama nang matagal. Puwede ba tayo sa loob ng bahay tumuloy para makapag-usap pa?" Tumango naman siya dahil gusto rin niya itong makasama nang mas matagal. Nakita niyang lumingon ito kay Erika na umirap naman kay Alejandro. Habang naglalakad ay nakaalalay pa ang kamay nito sa likod ng baywang niya kaya't nakaramdam siya ng kilig. Sa likod sila dumaan papasok sa loob ng malaking bahay ng mga Silvestre. Halos patapos naman na ang party dahil nagliligpit na ang ilang tauhan ng mga kubyertos. Nagulat siya nang umakyat pa sila sa magarang hagdan na nilatagan ng malambot na carpet. Napagtanto niyang sa silid nito siya balak dalhin dahil binuksan nito ang isang pinto at tumambad sa kanya ang malaking silid na may light blue wall painting. Panlalaking amoy din ang sumuot sa ilong niya na nagpawala sa inhisbisyon niya. Gusto niyang subukan kung ano ang pakiramdam nang mabigyan ng atensyon ng isang Alejandro Silvestre. "B-bakit mo ako dito dinala?" tanong niya na nakatayo lang sa likod ng nakasarang pinto ng silid nito. Nanginginig na naman ang katawan sa kaba dahil dalawa na lang silang tao roon at nakatitig ito sa kanya. "Relax. Gusto lang kitang makakwentuhan," sagot naman nito. Kinuha nito ang telepono sa bulsa at nagtipa ng mensahe, kung para kanino ay hindi niya alam. Iniikot niya ang mata sa silid nito na sinlaki na ng bahay ng tiyahin niya halos. Nang muli siyang mapatingin kay Alejandro ay nakangiti ito sa kung sinong kausap. "Uuwi na 'ko, baka hanapin ako sa 'min..." wika niya nang makaramdam ng pagkadismaya. Siya ang kasama nito pero sa iba yata nakatuon ang atensyon ng binata. "Wait!" Agad itong napatayo nang tumalikod siya para lumabas sa pinto. Singbilis ng kidlat naman itong nakalapit sa kanya para pagilan siyang umalis. Itinukod nito ang isang kamay sa pinto habang ang isa ay ipinaikot sa baywang niya. Bago siya makapag-isip na ilayo ang katawan ay mabilis na bumaba ang mga labi nito sa labi niya para sa isang mabilis na halik. She felt numb for a second or two. Hindi siya tumugon dahil sa pagkagulat. At hindi rin naman niya talaga alam kung paano tumugon. This was her first kiss! Bago pa niya maisip na baka ma-disappoint si Alejandro sa hindi niya pagtugon ay inilipat nito ang isang kamay sa likod niya para maidiin ang mga halik. At dahil nangibabaw ang damdaming umalipin sa kanya ng mga sandaling 'yun ay natutunan na rin niyang ibuka ang bibig at sundin ang inuutos ng katawan. His kisses were melting her knees and bring butterflies in her stomach. Ngayom niya nalasap ang sarap ng unang halik at sa taong lihim pa niyang minamahal. How lucky she can get. Maya-maya pa ay naglakbay pa ang kamay nito sa dibdib niya na nagdulot ng kakaibang pakiramdam. Nahihiya siyang tumugot at nahihiya rin siyang tumanggi. Sa kabila ng kalituhan ay tumutugon nang kusa ang kanyang katawan. "A-alejandro..." Binuhat siya nito at inihiga sa kama at muling hinalikan. Naging mapusok ito marahil ay dahil na rin sa tama ng alak sa sistema nito. Natikman niya ang lasa ng alak kaninang una siya nitong hinalikan. It made her dizzy and intoxicated. Lalong nagpawala sa pagnanais niyang panaigin ang katinuan. "What is this you're wearing?!" inis nitong tanong nang hindi nito makapa kung saan ang hangganan ng palda niyang suot. Alam niya kung saan na sila papunta dahil hinubad na nito ang t-shirt niyang suot at ngayon ay sinasalakay naman ang ibabang parte ng katawan niya. She never had her first kiss before Alejandro but it doesn't mean she was clueless with what was happening. At base sa pagnanasa na nakikita niya sa mga mata nito, balak siyang angkinin ni Alejandro sa mga oras na 'yun. At hindi pa siya handa. Ni wala nga silang relasyon. "H-huwag Alejandro..." wika niya na pinigil ang kamay n'ya. Pero puno na ng pagnanasa ang binata na hindi niya alam kung paano pa niya kokontrolin. "You will like it, I promise..." wika naman nito bago ito muling hinalikan sa labi... sa pisngi... at pababa pa sa dibdib niya. Tila isang pangako ang binitawan nitong salita na nagbigay ng pag-asa sa kanya na mayroon itong pag-ibig. Na magkapantay sila ng damdamin. Nagawa nitong ipasok ang kamay sa pagitan ng hita niya na nagdulot ng sensasyong noon lamang niya naramdaman. Napipigil niya ang paghinga sa bawat paghaplos nito sa sensitibong bahagi doon. Ilang sandali pa ay hinahabol na ng katawan niya ang kamay nito, na tila may gusto pa siyang abutin. "Please..." pakiusap niya na kung para saan ay si Alejandro lang ang nakakaalam. "You're ready for me, love..." bulong nito bago mabilis na pumatong sa ibabaw niya. Nang magtangka itong pumasok ay naalarma siya. Nang ipilit nito ang sarili ay halos mamatay naman siya sa sakit kaya't buong pwersa niya itong itinulak. Nagpupumilit pa rin ito pero hawak niya ang magkabilang balikat nito. "Huwag, Alejandro!" "Sshhh... It's okay...." "No!!!" Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at itinaas sa headboard ng kama para hindi na siya makapanlaban. Butil-butil na ang pawis nito sa noo habang siya ay nagsisimula namang maglabas ng luha sa mata. Nang magtagumpay itong maipasok ang p*gkalalaki nito ay tila may pumunit sa kalamnan niya na nagdulot ng hindi maipaliwanag na sakit. Wala na siyang nagawa kung hindi ang umiyak habang patuloy naman si Alejandro sa paggalaw sa ibabaw niya hanggang maabot nito ang sukdulan. "I will promise to make you satisfied later..." wika naman nito pagkatapos. Pinagsusuntok niya ito sa dibdib habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Alam niyang naiwala niya na ang puwede niya sanang ipagmalaki kapag nagkaroon na siya ng asawa. "What's happening here?!" Agad napatayo si Alejandro habang siyang mabilis na nahablot ang kumot para itago ang hubad na katawan. Tila siya binuhusan ng malamig na tubig at kung puwede lang ay kainin na siya ng lupa dahil sa kahihiyan. Nasa pinto ang Daddy ni Alejandro kasama ang kapatid nito na si Lawrence. "K-kuya? Lorabelle?" bulalas pa ni Lawrence na hindi niya alam kung paano itatago ang paghikbi at pagtulo ng luha. Tiyak niyang kagagalitan si Alejandro at ayaw niyang mangyari 'yun. Kusang-loob naman ang pagsama niya sa binata at hindi rin siya tumanggi nang simulan siya nitong hagkan. "Lawrence..." "Ano'ng ginawa mo sa kanya?!" galit na wika ni Lawrence na tangka pang susugurin ang kuya nito kung hindi lang napigilan ni Mr. Silvestre. "I will give you three minutes to fix yourself, Alejandro!" utos ng ama nito bago isinara ang pinto na halos ikabingi nila. Mabilis ang mga kilos na pinulot nila ang mga damit sa sahig at isinuot sa katawan. "Will you stop crying?!" utos nito na nagbago na ang boses mula sa masuyo na ngayon ay galit na. Siguro ay dahil hindi pa rin matapos-tapos ang paghikbi niya. Nang buksang muli ni Mr. Silvestre niya ang pinto ay kasama na nito ang asawa imbes na si Lawrence. "Hindi ko na itatanong kung ano ang nangyari o kung ano ang ginawa mo, Alejandro! Bukas na bukas din ay pupunta tayo sa bahay ni Lorabelle para hingin ang kamay niya sa magulang nito para ipakasal kayong dalawa!" Pareho silang natulala ni Alejandro pero mas una itong nakabawi ng pagkabigla. "What?! No way!" "Ano'ng sinabi mo?" galit na tanong ng Daddy nito na lumapit at tumayo sa harap ni Alejandro. Nakita niya ang takot na dumaan sandali sa mga mata ni Alejandro. Si Mrs. Silvestre ay tahimik lang na nakamasid sa mag-ama. "You can't force me to marry her!" "You heard me, Alejandro! You will!" pinal na sagot ni Mr. Silvestre. "Either you marry her or you will go to jail for raping her!" "Hindi ko s'ya ni-rape!" "Look at her, Alejandro! Umiiyak siya kanina pa pagbukas pa lang namin ng pinto! If you didn't rape her then you have the responsibility to marry her for what you've done!" "Oh, please... Dad..." tila nanlulumong wika ni Alejandro. Kahit siya ay hindi lubos-maisip kung paano napunta sa ganoong sitwasyon. "Huwag kang magpanggap na ikaw pa ang agrabyado dito, Alejandro! Ihatid mo si Lorabelle sa bahay nila at bukas ay babalik tayo roon para pag-usapan ang kasal niyo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD