Chapter 3

1477 Words
Hindi pa rin mapigilan ni Lorabelle na humikbi habang naghihintay kay Alejandro na makabihis ito. Puno ng galit ang mga mata nito na hindi niya alam kung bakit. Hindi ba't siya ang agrabyado sa kalagayan nilang dalawa? Hanggang sa maihatid siya nito sa bahay ay wala silang kibuang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Hindi rin niya alam kung ano ang dapat asahan. Tama lang na panagutan ni Alejandro ang nangyari sa kanila dahil ito ang nakauna sa kanya. Pero parang may mali? "Ano'ng sabi mo? May nangyari sa inyo ni Sir Alejandro?" halos sabay na wika ni Winnie at Paula. Lumapit naman si Simang na hindi niya alam kung natutuwa dahil naging magiliw ang mga mata nito. "Dapat lang na pakasalan ka niya. Aba'y napakaswerte mo kung gayun. Huwag mo kaming kalimutan kapag sa mansyon ka na nakatira ha. Alalahanin mo na ako na ang gumabay sa 'yo mula nang umalis ang nanay mo," paalala ng tiyahin na napilitan siyang tumango. May takot siyang naramdaman nang mabanggit nito na sa mansyon na siya titira. Hindi niya alam kung ano ang magiging buhay niya roon. "Pero pag-uusapan pa lang naman ho bukas, Tiyang..." "Kahit na. Aba'y huwag kang papayag na hindi ka panagutan ni Sir Alejandro! Malinis ang p********e mo kahit pa madali ka niyang nakuha. Pagkakataon mo na 'yan para makasilo ng mayaman!" Hindi niya alam kung papuri ang sinabi nito o insulto. Hindi niya gustong ibigay ang p********e niya, nagkataon lang na naging mabilis ang mga pangyayari. Nagulat siya at umikot nang mabilis ang mundo niya. Huli na nang mapagtanto niyang mali. Hindi niya na mapigil si Alejandro na nilamon na ng pagnanasa nang makita ang kahubdan niya. At gusto rin niyang sabihin na hindi naman niya pinangarap na makasal sa mayaman. Kaya siya nagsisikap na makapagtapos ay para maiahon ang sarili sa kahirapan -- sa sarili niyang paraan. "Magpapahinga na ho ako," mahinang wika niya sa tiyahin dahil masakit pa rin ang braso niya, ang hita at p********e niya. Nang makapasok sa silid ay pinilit niyang matulog. Gusto niyang tawagan ang ina dahil sa nangyari pero ayaw niyang mag-alala ito. Halos mag-uumaga na siyang nakatulog dahil sa kalituhan ng isip. Kung pamantayang moral ang pag-uusapan ay dapat silang magpakasal. Pero sa nakikita niyang galit kay Alejandro kagabi ay mali ang magiging desisyon niya. Ni hindi sila magkasintahan. Pero ano ang maipagmamalaki niya sa ibang lalaki ngayon? Paano kung isumbat sa kanya ng pakakasalan niya balang-araw na hindi niya iningatan ang sarili? "Nariyan na ang mga Silvestre, Lora," katok ng tiyahin sa pinto ng silid niya. Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Halos hindi niya gustong lumabas. Lumang bestida ang suot niya, at kung magbibihis man siya ay lumang damit din naman. Naglagay na lang siya ng face powder at kaunting lipstick para magmukha naman siyang presentable. Tulad ng inaasahan niya ay ang mag-asawang Dash at Lenna ang naroon. Nakayuko lang si Alejandro na umiiwas tingnan siya. Pero nasa reaksyon nito na labag sa loob nito ang pagpunta roon. "G-good morning ho..." "Good morning, Lorabelle. Si Simana na ba ang kakausapin namin tungkol sa pagpapakasal niyo ng anak ko? Nakausap mo na ba ang Inay mo?" panimula ni Dash Silvestre. Napatingin siya sa tiyahin sa kawalan ng isasagot. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin kasi siya kung ano ang mabuting desisyon kaya't hindi pa niya natatawagan ang Inay niya. "H-hindi ko pa ho nasasabi kay Inay," mahina niyang sagot. "Pero hindi puwedeng hindi panagutan ng anak niyo si Lora, Sir Dash," sabat ng Tiya Simang niya. "Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Rosario. Tiyak na hindi rin siya papayag na ipagwalang-bahala lang ang nangyari dahil babae si Lora at bata pa." "I thought so," sang-ayon ulit ni Dash. "Let's talk about their wedding then. Ilang taon ka na ba Lora?" "Mag-nineteen ho..." "Gusto kong ituloy mo pa rin ang pag-aaral mo kahit makasal kayo ng anak ko. Pero dahil magiging Silvestre ka na, sa mansyon ka na rin titira." Isang marahang tango ang isinagot niya. May mga kundisyon naman si Simang kay Dash tulad nang pagdalaw ng mga ito sa kanya sa mansyon para makita kung maayos ang kalagayan niya. Na hindi naman tinutulan ng mag-asawa. Pero hanggang sa matapos ang pag-uusap ay hindi nagsalita si Alejandro. Naitakda ang kasal nila pagkatapos ng tatlong araw. Isang civil wedding ang naganap sa opisina ng isang abogado na siya ring ninong daw ni Alejandro dahil kaibigan iyon ni Dash Silvestre. Napili ng mga ito na gawing civil wedding para malayo na lang sa pang-uusisa ng ilan. Gustong ingatan ng mga ito ang reputasyon ng mga Silvestre; na hindi siya ni-rape ni Alejandro at na pinanagutan naman nito ang nagawa sa kanya. But she has no reason to rejoice after their marriage. Sumasagot naman na si Alejandro kapag kinakausap niya, pero dahil lang sa napipilitan ito. Kagagalitan ito ng ama kapag nagpakita ito ng kagaspangan ng ugali sa kanya. Nang matutulog na sila ay kumuha ito ng unan at kumot at sinabing sa library ito matutulog. Kaya sa unang gabi niya sa mansyon ay mag-isa siyang natulog sa malaking silid ni Alejandro. Ipinagpasalamat niyang taliwas ang nangyari sa inaasahan niya. She was expecting that her husband will take advantage of her since she's now his wife. Hindi pa siya handang ipagkaloob muli ang sarili matapos ang nangyari. What happened caused her trauma. Ngayon ay binigyan siya ng pagkakataon ni Alejandro na masanay muna bilang asawa nito bago niya masasabing handa na siyang ipagkaloob muli ang sarili. Hindi rin siya gaanong nakatulog dahil namahay siya sa unang gabi niya sa mansyon. Maaga na rin siyang bumangon para tumulong sa gawain sa hacienda. Isa na siyang maybahay ni Alejandro ngayon at obligasyon niya ang pagsilbihan ito. Sisikapin niyang maging mabuting asawa. Pagbaba niya sa komedor ay naghahanda pa lang ang katulong ng almusal. Ang pinakamatanda roon ay si Manang Tonet at Manang Cecil. Pareho namang mabait ang dalawa na nakagaanan niya na ng loob sa ilang panahon na nagtatrabaho siya sa hacienda. "Good morning ho..." "Maaga kang bumangon? May pasok ka ba sa eskwela?" tanong ni Manang Cecil. Alam ng mga ito ang nangyari dahil naroon ang dalawa noong kinagagalitan si Alejandro. Malamang din na ang mga ito ang naglaba ng dugo na bunga ng pagkapunit ng pagkabirhen niya. "Mamaya pa hong alas onse. May maitutulong ho ba ako?" "Ano ka ba, Lora, asawa ka na ni Sir Ale ngayon. Meaning, amo ka na rin namin. Huwag ka nang magtrabaho dito, kami na ang bahala sa pagluluto." "Uy hindi, Manang Cecil, dapat ho akong magsilbi sa pamilya ni Alejandro." "Of course not!" sabat naman ni Tonet na nakikinig sa pag-uusap nila ni Cecil. Sanay ding mag-englis ang mga ito kapag nakikipag-usap dahil kay Dash na madalas englis makipag-usap sa mga tao roon. Matagal kasi itong namalagi sa Amerika. "Bakit naman ho?" "Ibig kong sabihin, hindi mo dapat pagsilbihan ang pamilya ni Sir Alejandro. Tama ang sinabi ni Cecil, parte ka na ng pamilya Silvestre, hindi ka na tauhan o katulong dito." "May problema ba dito?" tanong ni Alejandro na ikinapitlag niya nang marinig ang boses nito. Agad siyang lumingon. "I-ipagtitimpla kita ng kape..." wika niya sa asawa pero mabilis itong umiling. "Sa opisina na ako magkakape, si Rona na lang ang magtitimpla. "H-hindi ka ba mag-aalmusal muna?" "No." Mabilis itong nakaalis sa komedor matapos nitong uminom ng isang basong tubig. Gusto niyang mapahiya sa dalawang katulong dahil sa paraan ng pakikipag-usap ni Alejandro sa kanya. "Nakakainis din kasi 'yan si Sir Ale madalas," katwiran ni Tonet para alisin ang pagkapahiya niya. "May pagkamayabang talaga 'yan eh, hindi tulad ni Sir Laurence na mas magiliw makipag-usap." "Oo nga," sang-ayon naman ni Cecil. "Huwag mong masyadong dibdibin 'yang kagaspangan ng ugali ng asawa mo sa 'yo. Dadating din ang araw na babait sa 'yo 'yan. Naku, gaganyan pa siya eh kasal na kayo." "Baka ho... hindi bukal ang pagpapakasal niya kaya ganoon..." mahina naman niyang wika nang may bahid katotohanan. "Eh, pasensya s'ya, ginawa-gawa niya kasi sa 'yo 'yon eh. E di nakahanap siya ng katapat niya," si Tonet. Hindi lingid sa lahat ng tao roon kung gaano kaloko sa babae si Alejandro. "Ikaw talaga," awat naman ni Cecil kay Tonet. "Tigilan mo na 'yan si Lora baka umiyak pa. Ganyan talaga kasi hindi naman pangkaraniwan ang sirkumstansya ng pagpapakasal niyo. Pagpasensyahan mo na lang nang kaunti, maayos din ang lahat. Basta, huwag ka lang magsasawang manuyo sa asawa mo, babait din 'yan." "Naku, bakit siya ang manunuyo?" mabilis namang kontra ni Tonet. "Siya nga ang nakagawa ng kasalanan dito kay Lora." Isang warning look naman ang ibinigay ni Cecil kay Tonet para itigil na ang pag-uusap tungkol sa kanilang dalawa ni Alejandro. Magkakontra man ang dalawa ay natutuwa siya na may nakakausap siya sa mansyon. Baka mabaliw lang siya kapag hindi nagbago ang pagtrato sa kanya ni Alejandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD