"Bakit nasa silid mo na si Lorabelle?" kaswal na tanong ni Erika. Hindi niya ito nilingon, sa halip ay nakatuon lang ang mata niya sa kalsada. "Dad wants us to get along." "Ang Daddy mo o ikaw mismo?" Isang kibitbalikat ang pinakawalan niya. Hangga't maaari ay ayaw niyang malaman ng iba ang umuusbong na damdamin niya kay Lora. Una, kahit siya ay hindi iyon mapaniwalaan. Hindi niya pa kayang aminin na sa dinami-dami ng babaeng dumaan sa mga palad niya, nakahanap rin siya ng katapat niya ngayon. Tiyak na pagtatawanan siya ni Erika at ng mga kaibigan nila. Pangalawa, natatakot din siyang harapin ang sariling damdamin. Hindi pa niya iyon kayang pakibagayan. Nabuhay siyang halos sambahin siya ng babae. Ngayon ay ni hindi niya alam kung paano kikilos nang tama sa harap ni Lorabelle,

